Special Chapter

978 23 6
                                    

Chapter 33
 
"Hindi ka pa rin naniniwala?"
 
Matalim niya akong tinitigan sabay kuha sa tubig na dapat ay iinumin ko. Inilapag niya iyon sa kitchen counter. "Are you that dense to know what I feel for you?" Tinawid niya ang pagitan namin, at niyakap ako dahilan para masubsob ako sa kanya. I felt the warmth of his chest. Sobrang init niyon at dama ko rin ang init ng hininga niyang amoy alak noong tumingala ako sa kanya.
 
"Hindi solusyon ang kasal sa usapang 'to, A-Anton," nanghihina kong sabi. "Nag-sorry na ako. Ako ang problema—sobrang selosa ko!"
 
"Then how can we fix this?" bakas sa mukha niya ang lito sa pagkunot ng noo niya. Lumuwag ng bahagya ang yakap niya sa bewang ko. "Tell me, baby, how can I prove to you na ikaw lang? Wala nang iba. Please tell me. I'm so desperate right now."
 
"The problem here is me."
 
"Then I will marry you to prove it."
 
"Marriage isn't the solution to my problem." Nanghihina ko ulit na dahilan sa kanya.
 
Napansin ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya. "Don't you want to marry me?"
 
Kumunot ang noo ko kasabay ng pagrigodon ng puso ko. Halo halo na ang nararamdaman ko. I am excited, alright! Gusto ko na ring maikasal sa kanya. Kaya lang ay marami akong gustong linawin sa kanya.
 
"Tell me what's wrong, baby." Sabi pa niya.
 
Napalunok ako. I wanted to let him know all about my insecurities. I wanted to be true to him before I could marry him.
 
Tuluyan nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Napahilamos siya sa mukha. He tilted his head to look for my eyes. Gusto niyang hulihin ang titig ko kaya sinapo niya ang mukha ko. "I'm sorry kung may pagkakataong hindi ko naipadama ang pagmamahal ko sa iyo noon. Marami akong pagkukulang, masyado akong nakialam sa buhay mo. You used to hate me."
 
Kumirot ang puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang pagsisisi at...takot?
 
"It's fine. I deserve to be disciplined. I used to be a brat," I said.
 
"Then why don't you want to marry me now?"
 
"Gusto ko pero marami pang hindi nalilinaw sa atin. Marami pang—"
 
Tuluyan na siyang lumuhod sa akin,
kaya hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin. Napanganga ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ang mga iyon. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang ilang patak ng tubig sa kamay ko.
 
Tumingala siya sa akin. I could see his eyes, now full of tears. Marahas niya iyong pinunasan ngunit ayaw maampat. Ilang beses siyang huminga ng malalim.
 
"Is this about the way I treated you before you stowed away?"
 
"A-Anton..." My mouth is gaping.
 
"N-natatakot ka bang sasaktan ulit kita?" mahina niyang tanong.
 
"Hindi ako natatakot..."
 
"Or...are you scared of me because I forced you that day?"
 
Naging mailap ang mga mata ko. I closed it because I couldn't stand the pain that's now so evident in his eyes. Gusto kong punasan at pawiin iyon, pero hindi ko magawa.
 
"Pakasalan mo ako para habambuhay kong pagbabayaran ang lahat ng kasalanan ko sa 'yo. I'm sorry, baby. I was a jerk that night. I won't make an alibi. I forced you that night." Tuluyan na siyang napahagulgol. Impit lang iyon marahil ay ayaw niyang magising ang mga natutulog nang mga kasambahay. Their quarter is just next to the kitchen.
 
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong maiyak. His words were marked with pain and agony.
 
"I'm really sorry, baby. I'm sorry if it took me so long to find you."
 
"I'm at fault for telling you that," I said in a very calm way. "It's me being jealous..."
 
"Marry me then..."
 
"Selosa ako. Can you handle that? You don't know what I can do, Anton. Tingan mo! Kung anu-anong salita ang lumabas sa bibig ko kani-kanina lang. Are you ready to have a jealous wife? 'Yong secretary mo, pinagselosan ko no'ng nakaraan."
 
Namilog ang mga mata niya. Nagtaas kaagad siya ng kanang kamay. "I swear, I only treat her as an employee. Nothing more. Nothing less."
 
"Si Skye rin—"
 
"She's just like a little sister to me."
 
"Yeah. Nalinawan ako kanina."
 
"Tapos ano pa, baby? Tell me. Sino pa ang pinagseselosan mo?"
 
Lumabi ako. "You can't blame me. You're so good-looking."
 
He chuckled a bit. "Para sa 'yo lang naman ako," aniya. "Ayaw mo lang maniwala."
 
"I also have a lot of insecurities. Look at me now."
 
"Mataba ka man o payat, I still love you, Ey. You don't see it yourself, but you are so gorgeous! You're so beautiful. It's maybe gay, but my heart always hammered against my chest every time I see you."
 
Tumayo siya at kinabig ang bewang ko. He guided my hands against his chest. Nalaman ko ngang kaylakas ng kabog ng dibdib niya. Nag-init ang pisngi ko. Akala ko noon; he was uptight and cold pero nagkamali ako. The man who's in front of me now is so warm-hearted and gentle. Nalulunod ako sa lagkit ng titig niya sa akin, para bang inihehele ako sa labis na kasiyahan.
 
"Let's get married now." May pinalidad na sabi niya.
 
Sumungaw ang ngiti sa labi ko, kasabay ng pagtango ko. "We still have to prepare."
 
Anton took my hand. Napasama ako sa kanya noong maglakad na siya. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinatahak namin ang kusina patungong sala.
 
"Wait! I'm still with my lacy nighties!" mahinang sigaw ko.
 
He halted his steps and looked back at me. Inalis niya ang suot na coat at ibinalot iyon sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin at mabilis na kinabig para sa isang magaan na halik. Lasa ko ang alak sa labi niya pero bakit ganoon? Mas lalo akong na-turn on sa kanya. The light on the bar counter was enough to see the lust in his eyes, and it made me weaken. Umiling-iling siya habang may nakasungaw na ngisi sa labi.
 
"By hook or by crook, we will marry tonight."
 
"M-magpapalit pa ako."
 
"You don't have to. Mabilis lang 'to," excited niyang sabi. "I will marry you, kahit ilang beses, but I want to be your husband now, Ey."
 
Natatawa ako sa ikinikilos niya. He was somehow cute and charming.
 
"Did you prepare for this?" I tilted my head as I halted my steps.
 
"You'll see..."
 
Bumitaw lang siya sa akin nang makasakay na kami sa kotse niya. I bet this is his car because Dad only had vintage cars. His Rolls-Royce Cullinan is strikingly exotic. My eyes settled on the champagne fridge and the sleek seats. I couldn't help but be proud of him.
 
"My dream is coming true," aniya noong umandar na kami. Para akong lumulutang habang tinatahak namin ang daan. Hindi na ako nagtaka noong makita ko ang maliwanag na arko ng Santander's Gem Hotel.
 
"Galit ka pa ba sa akin?" Sambit niya bago kami bumaba. Inilapit pa ang mukha sa akin para tingnan ako sa mata.
 
Napakagat ako sa labi at umiling. "I won't marry you if I'm still mad."
 
Napapikit na lamang ako noong bumaba na ang mga mata niya sa labi ko. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya. It was just a second, but I could feel the warmth in it.
 
Hinayaan ko siyang tangayin ako sa kung saan niya gusto. Who am I fooling anyway? I was also excited to be her, Mrs. Anton Ramos.
 
In a snap, I was already wearing a simple traje de boda. I felt that it was made for me because my body fit it so well.
 
"Ang lakas po pala talaga ng appeal n'yo, Ma'am," sambit ng nag-aayos ng gown ko.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"You're so gorgeous, ma'am," sabi pa ng make-up artist noong tapos na niya akong ayusan. Feeling ko, pinaghandaan ni Anton ang lahat ng ito. I couldn't help but smile at my own reflection.
 
This is it!
 
The white Daisy wedding arc caught my attention when we went out of the beach. I remember it being my mom's favorite flower. Ayaw ko sana pero nanubig agad ang gilid ng mga mata ko. It was as if my mom was also with me when they handed me the bouquet full of daisies and a white baby's breath.
 
Banayad ang hampas ng alon ng dagat at katamtaman lang ang lamig ng simoy ng hangin. Bilog na bilog din ang buwan at sobrang liwanag ng kapaligiran gawa ng iba't-ibang string lights.

Binuksan ng dalawang usherette ang puting tela na tumatabing sa arko. Natigilan ako sa paglakad nang makita ang buong pamilya ko.
 
Si Papa at mga anak ko. Sina Skye at Hugh Nag-thumbs up sa akin si April. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala. Narito sila! Iñigo and their kids were also present. Si Karla rin. They were all smiling at me. Namamasa ang mga mata ko habang humahakbang ako sa saliw ng tugtog ng piano. I couldn't tell how happy I was tonight.
 
Mapupunit na yata ang labi ko sa kakangiti.
Napatunayan kong pinaghandaan nga ito ni Anton. They were all wearing formal dresses. Karla was so beautiful in her lilac long dress. Lumutang ang ganda niya sa suot niya. My two beautiful princesses, too. Nagsasabog sila ng mga bulaklak habang naglalakad ako.
 
My two sons were in their little tuxedos and black pants. Kapartner ng suot ng ama nila. They appeared solemn, their hands tightly clasped in front of them, their feet slightly apart.
 
"Gosh! Ang ganda ganda mo! Halatang nadidiligan ka na! Hindi ka na tuyot!" mahinang sigaw ni April sa akin noong yakapin niya ako.
 
"We're in the middle of a wedding, babe," dinig kong sita sa kanya ni Iñigo.
 
"Hindi ka na nasanay," sabi ko. Ngumiti ako sa kanya.
 
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Skye had a teasing smile, and she uttered quite a few congratulations.

"Finally," Hugh mouthed at me. Tumawa ako ng mahina.

Nang makalapit na ako kay Papa, agad niyang hinawakan ang mga kamay ko. Nakatitig siya sa palumpon ng bulaklak na hawak ko. "This used to be your mom's favorite. Kung nasaan man siya, alam kong masaya siya para sa 'yo. Dalangin kong maging matatag ka sa buhay may-asawa, hija. Kung kailangan mo ako, narito pa rin ako para tulungan kayo."
 
Nangilid ang luha ko sa mga salita niya. Agad niya iyong pinunasan. "You're not my baby anymore, Ey. You're a mother now and a husband to Anton. I'm here to guide you with your steps, so don't be afraid."
 
"T-thank you, Pa." Tuluyan kong naramdaman ang patak ng luha.
 
Ngumiti siya kasabay ng paglagay niya sa aking kamay upang iangkla sa bisig niya. "I'm so proud of what you have become, hija. Ihahatid na kita kay Anton. May tiwala ako sa kanya. Ramdam kong kailanman ay hinding-hindi ka niya sasaktan."
 
Lumuwag ang dibdib ko sa sinabi niya.
 
Napatingin ako kay Anton at nakita kong seryoso. My heart was thumping against my chest at his affectionate stare. I chuckled a bit. Inaabutan na kasi siya ng anak namin ng panyo.
 
"Dad! Stop crying; mommy will marry you!" may diing sabi ni Xydren. Nagtawanan ang mga taong kasama namin sa beach. Napansin ko ngang naluluha siya.
 
My dad handed my hand to Anton. Pinagsalikop niya ang mga palad namin. "I am now fully entrusting my daughter to you. You always made me proud, Anton. Now I can call you my son." Emosyonal na sambit ni Papa.
 
"I'm always a man of my word, Senyor," said Anton. "I mean...Pa."
 
Wala na akong mahihiling pa. Ipinagpapasalamat ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko, malupit man o hindi. I won't be this happy kung laging saya lang ang naranasan ko. I won't be this tough, kung laging fun lang ang nakaraan ko.
 
Years ago, I used to think just of myself, and there's this guy who always pesters me. Sinong makakapagsabing hahantong kami sa ganito?
 
Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko habang nakikinig sa mahabang sermon ng padre pagkatapos ay ibinigay na ni Anton ang kanyang vow. Hinawakan niya ang kamay kong may singsing na at hindi naghiwalay ang mga mata namin habang nakatingin siya sa akin ng seryoso.
 
"This was just a dream, ang heredera at ang pobre."
 
Napansin ko ang pagngisi ni Papa. Pumalakpak naman sina Karla at April. Sinaway naman sila ni Iñigo. Skye and Hugh just giggled silently. Titig na titig naman sa amin ang apat naming anak.
 
"Who could have thought that you'd marry me?"
 
Humagikgik ako. "I am now. I would still marry you though if you're still poor. Ang lakas mo kaya sa 'kin."
 
Hinalikan ni Anton ang tuktok ng kamay ko, buong pagsuyo. "Mahal na mahal kita, Aliza May Paulo Ramos. Thank you for coming back to me."
 
"I love you too, Anton. I promise not to run away anymore."

A/N:

Na-missed ko po kayo ❤️❤️

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon