Chapter 26

2.3K 79 6
                                    

Chapter 26

"Uy, sa wakas... Madidiligan na ang tuyong kagubatan."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na kinurot ang hita ni April. "Fuck you..." I frowned at her.

"No way, I don't fuck my best friend," mahina at nakakaloka niyang sagot. Tahimik namang nakangiti si Karla habang tinutupi ang mga damit ng mga bata.

"Sabihin mo sa asawa mong ibili ka ng holy water, puro kapokpokan ang lumalabas sa bibig mo," sabi ko habang inaayos ang mga naupuan niyang damit kaninang pumasok siya rito sa kuwarto.

"Sanay na 'yon sa 'kin," pambibida niya. "Anyway, na-shave na ba 'yan?" She arched her brows at my down part.

Tinakpan ko ang parteng iyon. Hinampas ko siya sa hita habang umiirap sa kanya. "Sira ka talaga!"

Tumatawa siya habang iniinis pa akong lalo. "Sigurado akong magubat na 'yan, wala naman kasi ang hardinerong nagdidilig," hirit pa niya.

Tinakpan ko na lang ang tenga ko dahil kung anu-ano ang ipinapasok niya sa ulo ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pilit na inilalayo iyon sa tenga ko.

"Uy... Excited... Namumula," pang-aasar pa niya.

"Tumigil ka nga," gigil kong sabi. "Nasa labas lang ang mga bata..."

"Busy ang mga iyon sa Daddy nila," sabi niya at tumulong din sa pagtutupi ng mga damit. Regalo ng mag-asawang Almerino ang karamihan ng mga kasuotan ng mga bata. "Baka kapag nabuntis ka niya ulit, apat na naman," she's wiggling her brows.

"Hindi pa nga natin alam kung single ba yan o may asawa na," sabi ko.

"Single yan, sinasabi ko sa 'yo. Kung may award lang ang pag-iwas, summa cum laude na 'yan sa pag-iwas sa mga bisita sa resort niyo. Akala mo? Napakarami mong karibal doon pero ni isa, walang nakabingwit sa Anton mo."

"Hindi akin si Anton."

"Hindi iyo pero mahal mo..."

Natulala ako sa katabilan ng dila ng kaibigan ko. She is always hitting a point. "O-oo. Magpapaganun ba ako sa kanya kung hindi ko mahal," pag-amin ko. "Pero alam kong wala akong chance dahil galit sa akin, hindi ko raw ipinaalam na may mga anak kami. Tsaka na lang daw kami mag-uusap pag-uwi. Baka pag-uusapan namin ang visiting rights."

Marami pa kaming inasikaso bago bumalik sa Cebu. Ang pag-transfer ng mga anak ko at ang boutique ko. Hindi na makakasama sa amin si Karla dahil mas pinili niyang dito sa Manila manirahan.

Dahil sa tagal ng serbisyo niya sa amin ay binili ni Anton ang apartment na inuupahan namin at ibinigay sa kanya.

Maluha-luha si Karla nang magpaalam na kami sa kanya. Nag-iyakan naman ang mga anak ko dahil siya na ang itinuring nilang pangalawang ina.

"Maging mabuti kayo hanggang sa paglaki, ha?" umiiyak siyang yumakap sa apat naming anak. Nakita ko pang inabutan siya ni Anton ng isang makapal na envelope.

Tumingin si Karla sa akin. Tumango ako. "You deserved that, Karla. Maraming salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa mga anak ko," yumakap rin ako sa kanya ng mahigpit. Sa halos anim na taon ay siya ang naging karamay ko kaya hindi ko rin napigilang umiyak. Gustuhin ko mang isama siya sa Cebu ay hindi ko na siya pinilit. Narito ang pangarap niya kaya hindi ko iyon hahadlangan.

Then we made our way to Cebu at gabi na kami nakarating sa Santander.

"Are you worried, Mommy?" Hinawakan ni Keith ang kamay kong nanlalamig sa kaba. Nginitian niya ako at niyakap nang tumango ako. "We're here, mommy, and daddy, too."

Tumango ako kahit nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Ngunit nabitin ang kaba ko dahil hindi kami idiniretso ni Anton sa bahay namin bagkus ay sa mansion niya kami inuwi.

"Ang laki ng bahay mo, daddy!" Luisa exclaimed as we approached it. Tinatanglawan ng maliwanag na sinag ng buwan ang matayog niyang mansion. "Mommy, marami sigurong pagkain dito."

Hindi nakatakas iyon sa pandinig ni Anton kaya natawa siya. "We can buy all you want, baby," he said while carrying Kei on his arms. Nakatulog na dahil sa sobrang pagod sa biyahe. Patakbo namang umaakyat ang dalawa ko pang anak. They are walking hand by hand and counting the steps of the stairs.

"Your father is inside," bulong sa akin ni Anton na ikinatakot ko. Nabigla ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko. Nasa kanan ko si Luisa, akay-akay ko. "Don't be afraid. Own your mistake and ask for forgiveness. I already forgive you for what you have done but we still have a lot to talk to. Now go, and talk to your father. Sa guest room ko patutulugin ang mga bata dahil hindi sila puwede sa kuwarto ko... "

Tulala akong tumango.

Pagpasok namin, nakaupo sa mahabang sofa si Papa; halatang inip na sa paghihintay. Nagkausap na sila ng mga apo niya sa phone kaya pamilyar na sila sa kanya. Isa-isang nagmano at yumakap ng mahigpit ang mga anak ko sa kanya.

Dumiretso sila sa guest room at bago isarado ni Anton ang pinto ay tinanguan pa niya ako ng mahina.

"Brat," Papa said in a commanding tone. Matinding pa rin ang postura niya ngunit halata na ang ilang gitla sa noo niya.

Lumunok ako bago tumingin sa kanya na may takot sa aking mga mata. "Pa...I-I'm sorry po." Lumuhod ako sa harap niya. Nagsisimula nang pumatak ang luha sa aking mga mata. "It's my fault, Pa. Patawarin mo po ako sa pagkawala ni Kate at ng kapatid ko." Hindi ako makatingin sa kanya dahil inaabangan ko nang sampalin niya ako ng kaliwa't-kanan o di kaya ay palayasin.

He walked in front of me and kneeled to my level. Inalalayan niya akong tumayo pagkatapos ay mahigpit na niyakap. "You didn't just kill me twice, but three times. You killed me the day you ran away."

Naguguluhan akong nagpunas ng luha at tumingin sa kanya. "Pa... Hindi ka galit sa 'kin?"

"I am," he finally said. "But you are still my child, even if you broke my heart. Ganoon kita kamahal, hija. Sana man lang hinintay mo akong makapagdalamhati bago ka nagdesisyong lumayo."

"Natakot ako, pa," pag-amin ko sa kanya. Muli na namang nagtubig ang mga mata ko.

"Anim na taon... Anim na taon kung saan-saang lugar kita ipinahanap kay Anton..." Napaupo siya sa sofa dahil sa panghihina. "Akala ko, hindi na ulit kita makikita..."

Lumuhod ulit ako at tumingin sa kanya. "Nandito na ako, pa. I'm really sorry, po," sabi ko sabay yakap sa tuhod niya.


Okay, enough na tayo sa sad scene.

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon