Chapter 20
"No way!" Louise Agatha crosses her arms and turns her back on me, facing the wall.
"You cannot leave this room unless you make up your blanket. Come on, baby. Do it; your siblings are waiting outside." I stood directly in front of the door to keep her from fleeing.
"Karla can do that, its her job," she said still facing the wall.
"It is not her job. And besides it's her rest day. Come on, make up your mess."
Nanatili siyang nakatalikod.
"Sige na, anak. Pagtapos mong tiklupin iyan, makapaglalaro na kayo sa park. Hurry up," pilit ko pa.
Humakbang siya malapit sa higaan at umakyat roon sabay kuha ng kumot niya. "This is child abuse, mi. You're making me work. I'm still a baby."
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat sa mga lumalabas sa bibig niya at ikinubli ko ang ngiti ko. "I'm not. I'm making you to be a responsible child." Ayokong magaya ka sa akin, anak.
"You are hurting me," sabi niya habang naluluha na. "Ang sakit ng puso ko, mi." Habang nagdadrama siya ay ipinapagpatuloy niya ang paghahanap ng apat na corners ng kumot niyang may print na Ponyo.
"No, anak. Look at your siblings; they folded their blankets as soon as they woke up and yet they didn't tell me that I hurt them."
Hindi na siya nagreklamo hanggang sa matapos niyang tiklupin ang kumot niya. Lumapit siya sa akin pagbaba niya at yumakap sa hita ko. "I love you, mommy," ngumuso siya at yumuko naman ako para mahalikan niya ang pisngi ko.
"Love you, too." I held her hands. "You're okay, now?" She nodded. Pagdating namin sa maliit naming sala, bagot nang naghihintay ang mga kapatid niya.
It's Sunday morning, kaya mamamasyal kami sa Park na nasa loob ng subdivision na kinaroroonan ng bahay nila Iñigo at April. Kilala na kami ng mga guwardiya sa gate kaya hindi na nila kami sinita.
Maya-maya, bigla na lang sumalampak sa gitna ng pathway si Louise Agatha at nag-iiyak roon.
Nakita kong umikot ang mata ni Xydren at ipinagpatuloy ang paglalakad niya. Sumunod naman ang dalawa pa niyang kapatid dahil excited na silang maglaro.
"Mommy!" nagpatuloy siya sa pag-iyak. Ganito siya kapag may gustong sabihin, kinukuha ang atensiyon ko sa madramang pag-iyak niya.
"Once you stop whining, we will talk about what you want." I'm already used to it kaya kalmado ako. Dati ay sinasabayan ko siya sa pag-iyak lalo na kung frustrated na ako at pagod sa trabaho. Siya lang ang ganito sa mga anak ko, hindi ko alam kung bakit.
Lumabi siya at halatang pinipigilan na ang sarili sa pag-iyak. Nang mahimasmasan ay tumayo siya at pinagpag ang kamay niya pati na rin ang blouse niyang yellow na may malaking ribbon sa gitna. Inayos niya rin ang cargo pants niya. Lumapit siya sa akin at iniumang ang kamay niya. "Mommy, karga."
"Anak..."
Nang makita ko na namang may namumuong luha sa mga mata niya ay napabuntong-hininga muna ako bago ko siya iniangat at kinarga. "You're already six years old, Luisa. Sobrang bigat mo na. Look at your siblings, naglalaro na sila and yet you're here na nagpapakarga."
She pouted and hugged my neck. Ramdam kong umiiyak siya ng tahimik dahil yumuyugyog na ang balikat na. Nakonsensiya naman ako kaya marahan kong hinaplos ang likod niya. "I'm sorry, baby. Sige, kargahin na lang kita hanggang sa loob," tanging nasabi ko na lang. I'm trying my best to take care of them pero alam kong marami pa akong pagkukulang sa kanila.
Pagpasok namin sa Park ay ibinaba ko siya pati na rin ang backpack ko. Kinuha ko mula roon ang picnic blanket at inilatag iyon pagkatapos ay isinunod ko naman ang mga dinala kong brownies at cut fruits na nasa loob ng malaking container. Binuksan ko agad iyon at ibinigay sa nakaupo nang si Luisa.
Nang mapagod sa kakalaro ang tatlo ay tumakbo sila sa puwesto namin at nilantakan rin ang mga dala naming pagkain. Napangiti ako nang mapansin kong pinupunasan ni Keith ang likod ni Keira Celine habang kumakain ito ng fruit salad. Isinunod naman niyang punasan ang pawis ng kamukha niyang si Xydren. This is what I observed about him, lagi niyang inuuna ang kapakanan ng mga kapatid niya bago ang sarili niya. And it reminds me of someone I knew.
Pagkatapos nilang kumain, tumakbo na sila palabas. Sa boutique naman ang susunod naming destinasiyon. Kahit linggo ay nagbubukas ako, pera din iyon. Natutulog sila o kaya naglalaro sa maliit na espasyo dito sa cashier area.
"Hi!" malanding boses agad ni April ang bumungad, kalalagay ko pa lang ng open sign.
Napatampal ako sa noo ko. Kapag siya ang nauunang pumasok, matumal ang benta ko. "Di ba, sabi ko sayo huwag ka munang pumasok kapag kabubukas ko kasi may balat ka sa puwet. Malas ka sa negosyo."
Hinila niya agad ang buhok ko. "Hoy, pasalamat ka at ipinagamit ko ang pangalan ko sa boutique mo na 'to."
Hinila ko rin ang buhok niyang boy-cut na ngayon, dati ay sobrang haba. "O, e di thank you. Bitiwan mo na ang buhok ko at bibitiwan ko ang sa 'yo." At madali siyang kausap dahil binitawan niya kaagad ang buhok ko. "Bakit ka nandito? Himala at wala ang buntot mo?"
Ngumiti siya at naglakad sa cashier area. "Nasa bahay ang mga biyenan ko kaya free akong gumala." Kumindat siya at malaki ang tuwa nang makita ang mga anak ko. "Hello, mga baby ko!" masigla niyang sabi.
Tumili ang mga anak ko, tumayo at yumakap agad sa Ninang nila. Oo, lahat inaanak niya. Siya lang ang bukod-tanging Ninang nila. Pinagkukurot niya ang mga pisngi nila. Nakiupo siya roon nang mapansin niyang may dumating na customer.
Nang matapos makabili ng designer bag ang customer ay lumapit si April sa akin. "Tulog na sila," bulong niya.
Nagpasalamat ako habang inililista ang benta ko.
"Ba't parang mas lalo ka nang pumapayat?"
Iniwasan ko ang kamay niya dahil akma niyang hahawakan ang mukha ko. Inirapan ko siya. "Lahat na lang pinapansin mo."
"May mata ako, gaga." Pinakatitigan niya ang mukha ko kaya umiwas ako at muling tumungo para magsulat. "Bakla, mukhang hindi ka na nag-i-skin care, may pimples ka na, o!" sabay turo niya sa bandang cheeks ko.
Umilag ako. "Huwag mong hawakan, dadami yan," inambahan ko siya ng suntok.
Natawa siya. "Anong akala mo sa kamay ko, male sexual organ? Nakakabuntis ng pimples at dumadami?"
I grimaced at her. "Bastos mo talaga."
"Walang bastos dito, hindi naman ako nakahubad. Sa harap lang ako ng asawa ko naghuhubad," parang kinikilig na sabi niya.
Inihampas ko sa kanya ang hawak kong notebook. "Sige, lakasan mo pa 'yang boses mo!"
"Ay..." sabi niya sabay zip ng labi niya.
Maya-maya ay nagseryoso na siya. "Baka naman tinitipid mo ang sarili mo para may maitabi ka sa future ng mga anak mo?"
"Natural lang naman 'yon. Ikaw, hindi ka nagtitipid kasi may asawa kang mayaman. Ako, wala."
"Baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo. Madedo ka at maagang mawawalan ng ina ang mga anak mo."
Natigilan ako at nilingon ang mga anak kong pinagkakasya ang sarili sa dalawang foam na nakalatag doon. They are peacefully sleeping. Pinagigitnaan nila ang dalawa kong anak na babae.
"Kaya ko naman," tiningnan ko siya at ngumiti. "Kakayanin."
But deep down, I wish that guy was here with me, assisting me in caring for them.
A|N: Isang pagpupugay sa mga single mom/single dad na kinakaya kahit mahirap. Mabuhay kayo!
Sa mga nakabasa na nung update ko kahapon, pinalitan ko 'yong name nila. Ayos lang ba?
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...