Chapter 13

2.1K 69 7
                                    

Chapter 13

"Ano sa tingin mo? Magugustuhan kaya 'to ng magiging asawa ko?"

Wala sa loob akong tumango habang palihim na namamangha sa ganda at gradioso ng bahay niya. And oh, no! It's not a house, it's a mansion! Tripleng laki yata ito kumpara sa malaki naming bahay sa Santander.

"I'll tour you inside," sabi niya habang nangingiting nakatitig sa reaksiyon ko. Kinuha niya ang kamay ko at nagpatianod ako sa kanya habang umaakyat kami sa malawak na limestone staircase na kumukonekta sa iron cast double-front entrance door ng kaniyang mansion. He swipe his hand in front of the doorknob and it automatically unlock. Bumukas pa iyon ng kusa kaya napataas ang kilay ko.

"Just roam around, ilalagay ko lang ang mga pagkain sa kusina," sabi niya at humakbang na patungo sa kitchen area niya, next to the large living room area.

Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa mamahaling muwebles at mga larawang nakapatong roon. Larawan iyon ng kaniyang kabataan. Mayroong magkakasama silang tatlong mag-iina. And his mother has always been beautiful in her long and silky hair. Mayroong magkasama sila ni Kate habang nakasuot siya ng toga, bitbit ang diploma niya. He's a summa cum laude in his class. Napangiti ako, napakarami ng awards niya noon ngunit hindi iyon nakadisplay dito. Mayroon ding larawang kuha na si Kate naman ang nakatoga, she's a magna cum laude. Kaya proud na proud sa kanila si Papa dahil may mga Latin honors sila. Ako, ayos na ang tres basta makapasa. I'm an heiress anyway. Kahit mahina ako academically, mabubuhay pa rin ako ng masagana.

Nahuli ng isang larawan ang atensiyon ko. Kuha iyon noong buhay pa ang mama ko, its my eight birthday. May icing ang pisngi niya habang nakangiting nakapeace-sign sa harap ng camera, sa likod niya ay ako na nakaupo at nagbubukas ng mga regalong natanggap ko sa mga mayayamang kaibigan nila mama at papa.

"Sobrang tabachoy mo noon." Muntik ko nang mabitiwan ang larawang hawak ko sa pagsulpot niya. Kinuha niya iyon mula sa akin at pinakatitigan rin. "You were so happy here," komento niya.

"Yeah." May kokonting kirot dahil buo pa noon ang pamilya ko. Masaya pang nagsasama noon sila mama at papa hanggang sa dumating ang isang trahedya. Naglakad ako para makaiwas sa emosyon na lumulukob na ngayon sa sistema ko.

Iginala ko na lang ang paningin ko sa kabuuan ng mansion at napako ang tingin ko sa pangalawang palapag dahil glass panel ang floor ng hallway. "Don't you think this house is a little large for you?"

He chuckled. "Bakit?" Tumingin din siya sa second floor. "Gagawa kami ng isang dosenang anak ng magiging asawa ko."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Ano 'yong asawa mo, palahiang baboy?"

He giggled and it felt so good to my ears. Mabilisan niyang pinasadahan ang kabuuan ko. "I think so," he said then grin.

Kinilabutan ako sa sinabi niya pero may kokonting kiliti akong naramdaman. I would be glad if I am going to be his future wife but I know, hindi ako ang tipo niyang babae.

"Tara sa taas. Ipakikita ko ang kuwarto sa 'yo."

Sumunod naman ako sa kanya. But I am nervously biting my lower lip upon reaching the master's bedroom. Mataas din ang kisame niyon at sa gitna ay ang kaniyang malaking puting kama. His room is painted black and is completely masculine, right down to the large ensuite bathroom.

At nang dumako ang tingin ko sa glass panelled window ay napanganga ako dahil mayroong black na kamasutra chair na nakapuwesto roon. Napalunok ako ng sunud-sunod at humakbang paatras patungo sa labas.

"Why?" nagtataka niyang tanong. Sinundan niya ang direksiyon ng tingin ko kaya napatawa siya. "Gusto mong testingin natin?"

Kumunot ang noo ko dahil alam ko ang gusto niyang mangyari. I'm not going to have sex with him in this house. Babae rin ako at may respeto ako sa magiging asawa niya. This house will be a foundation of their family at ayokong mag-iwan ng anay na sisira sa bahay nila. "I believe we should eat lunch, nagugutom na ako," palusot ko at akmang hahakbang na ngunit mabilis niyang nahawakan ang palapulsuhan ko.

"What do you think? I'll eat you here and we'll eat downstairs." He wiggled his brows, making a tempting offer.

Pero matigas ang paninindigan ko ngayon. "No."

Kita ko ang disappointment sa mukha niya. Gusto ko rin ngunit nanaig ang konsensiya ko na hindi ko siya pagbibigyan dito sa bahay niya. Mabilis akong bumaba sa kusina at ako na ang naghanda ng mga kakainin namin. Wala siyang imik na dumalo sa hapag. Hanggang sa matapos kaming kumain at makabalik sa bahay namin sa Santander ay hindi na niya ako kinausap.

Pagdating namin roon ay nasa labas si June. May hawak siyang tote bag at ilang libro. She was delicate and fair in her minidress and strikingly beautiful. Kung lalake lang ako ay mabilis akong mahuhulog sa kanya. Her beauty is enticing, to be honest.

Tiningnan ko ang reaksiyon ni Anton pagkababa niya ng kotse. He only has a stoic expression.

"Hi, Kuya! Magpapaturo po sana ako sa module ko," maarte niyang itinikwas ang mahaba niyang buhok. Napataas ang kilay ko habang mahinhing siyang naglalakad patungo sa puwesto ni Anton. Kumapit agad siya sa braso ni Anton.

"Sure, wala naman akong gagawin ngayon," sagot ni Anton. Hinuhuli niya ang tingin ko ngunit inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng mga dinala namin kanina. Pagkatapos kong isarado ang pinto ng kotse ay nakita kong sinasadyang ikiniskis ng dalaga ang malaki niyang dibdib sa braso ni Anton ngunit wala man lang naging reaksiyon ang isa.

I rolled my eyes in disgust.

Nauna na sila sa loob at sumunod naman ako habang nakasimangot. They were at the center table when I entered our house. Tinuturuan na siya ni Anton habang sila ay nakasalampak sa malamig na sahig.

At habang palihim ko silang pinagmamasdan ay may napansin ako. Bagay sila, bagay na bagay.

Is she the one he's referring to? His not yet ready future wife?

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon