Chapter 8

2.6K 75 0
                                    

Chapter 8

"Kaya mo bang bumangon?" alalang tanong niya habang itinataas ang comforter hanggang sa aking dibdib.

"I can't," ngumuso ako. Sobrang sakit ng gitnang parte ng hita ko at parang binugbog ang katawan ko. Binuhat niya ako kanina para mag-warm bath pero itinuloy namin ulit ang bakbakan roon kaya natuluyan na ako. But somehow I felt rejuvenated and wonderful for some reason I don't know.

"I'm sorry." Hinalikan niya ako sa sentido. "Kung hindi ka makakapasok, ayos lang naman. Irereport ko na lang sa 'yo ang mga mapag-uusapan namin tungkol sa event bukas."

Tumango ako at pumikit dahil parang lalagnatin ako sa ginawa namin ngunit nasarapan naman ako kaya ayos lang. Bago siya umalis ay pinakain muna niya ako at pinainom ng gamot. Ipinanhik din niya sa kuwarto ang microwave para hindi na raw ako bababa para magpainit ng aking lunch. Naglagay rin siya ng bottled water at extrang pain reliever sa side table. Binuksan niya ng bahagya ang glass sliding door para pumasok raw ang sariwang hangin at lumabas ang amoy ng romansa namin kanina. Isa-isa rin niyang dinampot ang mga nagkalat naming damit sa sahig. Habang ginagawa niya ang mga iyon ay pinagsawa ko ang tingin ko sa kabuuan niya. Hubad-baro pa rin kasi siya kaya malaya kong tiningnan ang matipuno niyang dibdib na may ilang kalmot dahil sa ginawa namin kanina, pati rin ang likod niya na halos bumaon ang mga kuko ko habang bumabayo siya ng malakas sa akin. I felt so sorry seeing his back, full of scratches.

Nahuli niya ako paglingon niya at napangisi siya. "Isang round pa?"

"Please..." I rolled my eyes on him, sarcastically laughed and covered myself under the sheets.

Natatawa niyang hinawi ang kumot at ipinaglandas ang kanang kamay niya sa mukha ko na nagdulot ng kakaibang kuryente sa aking katawan at napaungol ako sa mga yapos niya. Seryoso niya akong tinitigan. "Parang panaginip lang ang lahat, Ey. Hindi ko akalain na hahantong tayo sa ganito at papatol ka sa pobreng tulad ko."

Sinimangutan ko siya at hinampas ng bahagya ang bisig niya. "Oh, ayan po. Hindi yan panaginip at humihingi akong muli ng tawad sa pagtawag ko sa iyo ng pobre."

Umiling siya. "Ayos lang," sabay ngiti. Hinalikan niya ako ng mariin habang yumayapos ang kamay niya sa aking bewang. Parang basang-basa na naman ang pagkababae ko, ipinagkrus ko ang aking mga hita dahil roon. "Why?"

Umiling ako ng paulit-ulit at umayos ng tingin sa kanya. "Go ahead, you're already late."

Tumingin siya sa orasan sa kaniyang bisig, "Babalik ako mamaya kapag may free time ako."

Tumango ako.

He kisses my temple before going out of my room.

Wala akong ginawa sa araw na iyon kundi manood, matulog at kumain. Hindi siya nakabalik marahil ay marami siyang ginagawa para sa paghahanda ng mga kuwarto at ilang amenities para sa event bukas. Taunang ginagamit ng isang kilalang kumpanya ang aming resort sa tuwing sila ay nagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Exclusively reserved ang resort kapag dumarating ang araw na iyon.

Bandang alas singko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Hugh.

"Naunsa ka? Hindi mo naman ako pinagbuksan kagabi. Pinagpiyestahan ako ng mga lamok sa labas ng bahay ninyo. Tapos out of coverage ang phone mo. May nangyari ba?" alala niyang tanong. Dinig ko sa background niya ang hiyawan ng mga tao. Maybe he's still in Lyceum.

"I'm fine...Mmm..." Inisip ko kung sasabihin ko ba dapat ang tungkol sa amin ni Anton.

"Okay. Alam ko namang hindi ka sasaktan ng imong uyab, feeling ko dead na dead 'yon sa 'yo. Kulang na lang sakmalin niya ako kagabi habang kausap ko...."

Napangiti ako at hindi inintindi ang mga sinasabi ng kausap ko. Remembering Anton reminded me of our love making. Ilang minuto akong nakangiti sa kawalan habang nagrereplay sa utak ko ang mga maiinit na tagpo namin kanina ngunit napabalik ako sa aking diwa kapagkuwan. Nababaliw na yata ako at ngumingiti akong mag-isa.

"Ey, nariyan ka pa?"

"Huh?"

"Ang sabi ko, may gusto ka bang kainin... Idadaan ko riyan mamaya pag-uwi ko. Ayos ka lang ba talaga? Kanina pa ako salita ng salita rito, hindi ka sumasagot."

Napahagikgik ako at inayos ang pagsandal sa malambot headboard ng aking kama. "Yep! I'm fine."

"Nabuang ka, alalang-alala ako sa 'yo tapos tumatawa ka lang riyan?" palatak niya.

I felt a suddenly warmth upon hearing it. May mga taong nagmamahal din pala sa akin. Bulag lang ako sa frustrations ko sa buhay. "Thank you, Hugh."

"Ha? Bakit ka nagpapasalamat? Bakit may nangyari ba?"

I smiled even if he cannot see me. "Nothing. I'm just grateful dahil nag-aalala ka rin pala sa akin."

"Buang ka ba? Kaibigan kita, natural lang na mag-alala ako sa 'yo. You felt like being in need last night tapos hindi ka nagpakita sa labas... Malamang talaga na mag-aalala ako sa 'yo. Did he do anything to you?" Batid sa boses niya ang bahagyang iritasyon ngunit mas nananaig ang concern.

"Yes.. I mean, wala... Wala siyang ginawa. Nagkaayos na kami."

"Mabuti kung ganoon. So, ano na ang gusto mong pagkain?"

"Lowcarb cheesecake and avocado spinach smoothies. That's all."

"Ayaw mo ng spicy fried chicken?"

Biglang naglaway ang bagang ko sa nabanggit niyang pagkain ngunit kailangan kong mag-diet dahil hindi na nagkakasya ang mga damit ko sa akin. "N-no... Next time na lang, busog pa kasi ako."

"Ikaw ba talaga yan? Tumatanggi ka sa pagkain?"

"Buang. Busog pa ako. Katatapos ko lang kumain kanina," dahilan ko. Inabot ko ang remote at ini-off ang 55-inch TV dahil hindi na interesting ang pinapanood ko.

"Okay. Baba ko na 'to. See you later."

At wala pa ngang kalahating oras ay dumating na siya sa bahay.

"Ginagawa mo akong parang magnanakaw. Paano kung may nakakakita sa akin roon na umaakyat ng malaki niyong gate?" Pawis ang buong mukha niya at halatang iritable.

Tinawanan ko lang siya habang inaabot ang pagkaing ibinibigay niya. Natigilan siya at pinagmasdang mabuti ang mukha ko habang itinatago sa kaniyang likod ang hawak niyang paper bag. Umatras siya at inilapag niya iyon sa side table at lumapit siyang muli sa akin tsaka tinitigan ako ng malapitan. Kumot-noo niya akong ininspeksiyon at bahagyang hinawakan ang bandang leeg ko. "Ano 'to? Lovebites?"

Lumaki ang mga mata ko at mabilis na tinampal ang kamay niya. Hinila ko ang kumot at nagtakip hanggang sa ilong ko. "Wala 'yan..."

Lumayo siya sa akin at itinuro ang pagkaing binili niya. "I got to go. Mukhang seloso pa naman ang uyab mo baka bugbugin ako niyon kapag naabutan niya ako rito sa kuwarto mo."

"Hindi naman ganoon si Anton, mabait 'yon. Ipakikilala kita ng pormal sa kanya kapag may time na kami."

"Alam ko naman na mabait 'yon, ang haba nga ng pasensiya niya sa makulit niyong kapitbahay."

Napataas ang kilay ko. "Yung nangungulit din sa 'yo? May gusto daw 'yon sa 'yo."

Napasimangot siya at umiling. "I don't want her guts. She's crazy."

Napatawa ako. "Malay mo, siya na ang true love mo."

"True love? Never!"

Magsasalita pa sana ako ngunit narinig ko na ang boses ni Anton.

"Baby, I'm home!"

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon