Chapter 5Kahit masakit ang aking katawan ay bumangon pa rin ako ng maaga ngunit wala na si Anton sa bahay, pagbaba ko. Mabuti at nag-iwan siya ng pamasahe. Walang buhay akong kumain at nang binabasa ko na ang katawan ko sa shower room ay nag-isip ako kung galit pa rin ba sa akin si Anton hanggang ngayon.
Hmp! Yung pobreng 'yon, may attitude rin!
Kahit noong nasa resort na ako ay dinadaan-daanan lang niya ako. Hindi niya talaga ako kinausap buong maghapon!
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Idinungaw ko ang ulo ko sa opisina niya. He is sitting in his swivel chair. Nakapikit ang kaniyang mga mata at bahagyang pumuputok ang muscle niya sa suot niyang itim na t-shirt. Napalunok ako. He is really damn hot.
Ngunit napaigtad ako nang magsalita siya. "You can go home if you want," walang buhay niyang sabi.
He must be really mad at me.
Laglag ang balikat kong umuwi mag-isa ngunit natuwa ako nang mabungaran ko roon si Hugh McConaughey.
He ran towards me and embrace me like there's no tomorrow. "How are you? Pumapayat ka na yata? Masyado mo nang pinapabayaan ang sarili mo, hindi ka ganyan dati," simpatiko siyang ngumiti.
"Bolero ka pa rin," hinampas ko siya sa balikat. Natuwa pa siya at binuhat ako sabay ikot ng isang beses. Habang tumatawa kaming dalawa ay nahagip ng tingin ko ang pigura ni June. She looks angry at me. Umalis siya at pumasok sa bahay nila.
Lahat na lang ba, galit sa akin?
I shrug and invite Hugh inside. Hugh is a close friend when I was still studying BSBA in USC. Assistant professor pa lang siya noon at ganap na siyang full professor ngayon.
"Big time ka na, ha?" biro ko habang nagtatampisaw kami sa dagat. May hawak kaming dalawa na beer.
"Ikaw nga riyan, dati nang big time."
Sinuyod ko ang kabuuan niya. He's attractive pero hindi kasing-hot ni Anton.
What the fuck, self? Bakit bigla mong isinisingit si Anton?
I had a strange feeling, but I didn't want to dwell on it.
Bumalik na lang ang tingin ko sa kalangitan. We take a good look at the starry skies. This is what I loved the most kapag umuuwi ako rito sa Cebu. Sobrang sarap sa feeling ang mag-star gazing.
Muling umahon si Hugh nang utusan ko siyang kumuha pa ng isang beer.
"Hindi ba ako bubulagta paglabas ko rito?" tanong niya, pagbalik. He handed me my beer. Umiwas pa siya nang idikit ko ang beer ko sa hawak niyang beer.
Tumawa ako. "Bakit?"
"Don't look back," he whispered, chuckling. "Kanina pa masama ang tingin sa akin nang lalakeng nasa hardin ninyo. Uyab ba nimo siya?"
I laughed. Kinilabutan ako ngunit may kung anong kiliting pumuno sa puso ko. Umiling ako para pahindian iyon.
"Oh... But I think—never mind. Let's just drink." Inakbayan niya ako at inamoy ang leeg ko.
"Baliw ka na!" tumawa ako. Ganyan na siya noong nasa kolehiyo pa lang ako. Close friend ko naman kaya walang malisya sa akin. "How's your girlfriend?"
Bigla siyang tumindig at nagseryoso. "I'm glad I got rid of her. She's a tyrant."
"Congratulations," tinapik ko siya sa balikat. "I'm so proud of you. Binitawan mo rin, sa wakas."
"She's a fucking cheater." Tumunog ang lata ng beer habang hawak niya iyon, pipi na. Kahit madilim sa kinaroroonan namin ay nakita ko ang kislap na dumaloy sa mga mata niya.
Inakbayan ko siya at masuyong tinapik sa balikat. "Tama ang desisyon mong lumipat rito. You will find your happiness here."
At doon niya pinalaya ang lungkot na nararamdaman niya. Tahimik lamang siyang umiyak habang nakaakbay ako sa kanya."Cheater ang imong uyab kaya huwag mong iyakan. Panget ang imong uyab kaya huwag mong iyakan," nilagyan ko iyon ng tono at kinanta sa kanya ng paulit-ulit kaya tumawa siya. He hugged and thanked me for comforting him.
Isinalaysay pa niya ang pinagdaanan niya sa kaniyang ex-girlfriend kaya alas dose na nang mapagkasunduan naming umuwi.
"Are you sure, kaya mong umuwi sa bahay mo? Ihahatid na kita o kaya sa bahay ka na matulog," sabi ko.
Pasuray na ang lakad ko kaya tumawa siya.
"Ikaw 'tong hindi kayang umuwi."
I extended my arms in front of him, and he gladly carried me. He groaned pa nga dahil ang bigat-bigat ko raw. Kahit pa-ekis na rin ang lakad niya ay nagawa pa rin niya akong maihatid sa loob ng bahay.
Ilalapag na sana niya ako sa couch nang marinig namin ang baritonong boses ni Anton. "Ako na ang magbubuhat sa kanya." We heard his steps towards us.
"Parang mali na binuhat kita," bulong ni Hugh sa akin.
"Ha? Bakit naman?"
Hindi na niya ako nasagot dahil umangat na ako at hawak na ako ni Anton sa mga bisig niya. Agad na nagkarambola ang puso ko dahil naramdaman ko ang init ng katawan niya.
Magpapaalam pa sana si Hugh ngunit tinalikuran na siya ni Anton habang karga niya pa rin ako. Iniyakap ko ang mga kamay ko sa leeg niya habang humahakbang siya paakyat ng staircase.
"Ganyan ka ba talaga sa halos lahat ng lalakeng nakakasama mo?" Batid ko sa boses niya ang irita.
I pout and didn't respond to him. Magagalit na naman siya sa akin. Bigla-biglang nanikip ang dibdib ko kaya napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
"Is he one of your boy toy?"
My eyebrows knotted. "Wala akong ni-isang boy toy," inis na sabi ko. "Ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend."
Siya naman ang natigilan. He place me at the edge of my bed and stood in front of me, staring at me with curiosity. "So fling lang lahat?"
"Ha? Never din akong nakipag-fling," iritang sabi ko.
"You're a liar. Nakikipaglandian ka nga kanina..."
Sa narinig kong iyon ay dinampot ko ang aking unan at galit ibinato sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nanginginig ako habang kagat ang lower lip ko. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak. "Leave my room, now!"
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...