Chapter 21

2.1K 73 7
                                    

Chapter 21

The rain is pouring down heavily, but I need to accompany the driver as he delivers my bulk goods to my favorite customer. Online seller siya at sa akin siya kumukuha ng mga ibinibenta niya.

"Dapat hindi ka na lang tumuloy, napakalakas ng ulan," alalang sabi niya habang binibigyan ako ng tuwalya para ipampunas sa nabasang ulo ko, gawa ng malakas na buhos ng ulan. Tanging ang back part lang kasi ng maliit na truck ang kasya sa garahe nila.

"Baka kailangan ng mga customer mo, sayang din," sabi ko. The more na maraming order sa kanya, ganoon din sa akin.

"Maiintindihan ko naman kung ipagpapabukas mo, para ka namang others," ngumiti siya. "Magkape muna kayo habang pinapatila ninyo ang ulan."

Ngunit kahit lumipas ang dalawang oras ay hindi humina ang ulan kaya nagpaalam na kami. Pinahiram niya ako ng payong nang hindi niya kami mapigilan.

At may pagkamalas kami nang araw na iyon dahil tumirik sa Araneta Avenue ang truck na sinasakyan namin.

"Ma'am, magtaxi na lang po kayo pauwi, baka abutan pa kayo ng baha," payo ni Manong driver.

"E, paano ka po, manong?"

"Ako na ho ang bahala sa sarili ko. Tatawag na lang po ako ng tow truck."

Ayaw niyang tanggapin ang perang ibinibigay ko sa kanya dahil nagbayad naman na raw ako pero ipinilit ko pa rin. Nagpasalamat siya at sinamahan ako hanggang sa maipasakay niya ako sa taxi. Nakaramdam ako ng ginhawa nang matanaw ko na ang apartment namin ngunit nadismaya dahil tumirik rin ang taxi.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil nakalimutan ko sa truck ang payong na ibinigay sa akin ng customer ko.

"Pasensiya na po, Ma'am. Wala rin akong dalang payong," nagkamot sa batok ang driver.

"Sige, po. Tatakbuhin ko na lang."

Matapos akong magbayad ay binuksan ko ang pinto ng taxi at sumalubong sa akin ang malakas na hangin at ulan. Agad akong bumaba dahil nababasa na rin ang loob ng taxi. "Salamat po!" sigaw ko sabay takbo ng mabilis sa pathway. Sumilong ako sa waiting shed pero wala ring silbi dahil umaanggi ang ulan sa puwesto ko. Nag-ipon ako ng enerhiya at bumuwelo pagkatapos ay tumakbo habang yakap ko ang backpack kong waterproof, regalo ni April.

Pagdating ko sa bahay ay abala ang mga anak ko sa paggawa ng kanilang homeworks. Si Karla naman ay namamalantsa. Naligo kaagad ako at uminom agad ng paracetamol dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo ko.

Nang kinagabihan na, matapos ang dinner ay dumiretso kaagad kami sa kuwarto.

"Are you all right, Mommy?" Keith rested his little palm on my forehead. Ikinumpara niya ang pressure ko sa noo niya. Then he rubbed his little hands together and wrapped them around my face. "I'm releasing my warm energy to cure you, mommy," he explained innocently.

Those words warmed my heart and brought tears to my eyes. Agad kong tinakpan ang mukha ko at kunwaring humikab sabay pasikretong pinunas ang tumakas kong mga luha. I don't want to appear weak to them. Kailangan kong laging matatag para sa kanila.

Kahit na nilagnat na ako noong gabing iyon ay pinilit ko pa ring magbukas ng boutique. Wala akong pambayad sa tauhan kaya mag-isa lamang akong nag-aasikaso rito.

"Ayos ka lang ba, Aliza?" tanong ni Madam Ana Rose, ang isa sa mga galante kong customer. Ipanreregalo raw niya ang binibili niyang bag.

Nagtakip ako ng panyo nang umubo ako. "Ayos lang po, madam." Masakit na ang kasu-kasuan ko nang mga oras na iyon, barado na din ang ilong ko at sobrang sakit ng ulo ko. Papikit-pikit na rin ang mata ko.

Sumandal ako sa sofa na naroon para suportahan ang nanghihina ko nang katawan.

"Why don't you close your shop and take a well-deserved break? You're working so hard even though you're sick."

"Sayang din po kasi ang benta kung magsasarado ako, malaki ho ang upa ng kinatatayuan ng boutique ko."

She heaved a sigh. "Hayaan mo at irerekomenda pa kita sa ibang mga amiga ko. Magsara ka na at ihahatid na kita sa bahay ninyo, mukhang matutumba ka na sa huwisyo mo ngayon," dinig ko pang sabi niya bago nga ako nawalan ng malay.

Nagising akong nasa tabi ko na si April at nakayuko ang ulo habang hawak ang kamay ko. Nasa clinic ako ng subdivision nila.

Bahagya kong iginalaw ang kamay kong hawak niya.

Nagising siya at lumaki ang mga mata niya. Kinurot niya ako sa tagiliran pero halatang alalang-alala siya sa kalagayan ko.  "Iyan na ang sinasabi ko," bungad niya. "Paano kung namatay ka dahil sa sakit? Sino? Sinong magbabantay sa mga anak mo? Si—nong mag-aalaga sa biik mo? Sinong mag-aalaga sa tahimik mong anak at sinong iintindi sa anak mong alien? Ako, hindi ako mag-aalala kay Keith dahil kaya na niya ang sarili niya, e yung tatlo? Kaya na ba nila ang mga sarili nila?" mahaba niyang sermon.

Lumabi ako habang nangingiti.

Kinurot niya akong muli. "May gana ka pang ngumiti?"

"Nariyan ka naman at tsaka—" Umiling ako. "Oo na, magpapahinga na ako."

Inirapan niya ako habang tumatayo siya. Yumakap siya sa akin. "Pinagbantay ko 'yong asawa ko sa boutique mo. Ayaw niya pero sabi ko may premyo mamayang gabi. Aba't ang loko, tumakbo agad palabas," bida niya. Yumugyog ang balikat ko kakatawa.

This friend of mine is priceless. Kahit malaki ang kasalanan ko sa kanya noon at napatawad pa rin niya ako. Siya ang una kong tinawagan noong umalis ako sa amin at buong puso niya akong tinanggap.

"Oh, ba't parang iiyak ka na?" tukso niya sa akin.

"Wala," sabi ko na nagpupunas ng luha sabay tumatawa. "I'm just so thankful that you are always with me. You've been my rock since I moved here. Kayo ng asawa mo. Maraming salamat."

"E, kung umuwi ka na lang kaya sa Cebu? Mukhang hirap na hirap ka na talaga. Tingnan mo 'yang sarili mo? Naaawa na ako sa 'yo. Hindi ka dating ganyan, Ey. Ang tayug-tayog mo noon tapos biglang lagapak ka na ngayon," nagpunas din siya ng luha.

Yumugyog ang balikat ko. "Hirap na hirap na ako pero anong babalikan ko roon? Baka palayasin ako roon pati ang mga anak ko, hindi ko kakayanin 'yun. Napakalaki ng kasalanan ko kay Papa. Dahil sa akin namatay si Kate—" Humikbi ako. "Dahil sa akin, nawala ang kapatid ko. Ano pang mukha ang maihaharap ko sa kanila? Kahit kay Anton, baka kunin niya sa akin ang mga anak ko bilang kabayaran sa lahat ng pagkakamali ko. Mahal na mahal ni Anton ang kapatid niya at saksi ako sa pagtangis niya noong mawala siya. Sobrang sakit... Natatakot akong bumalik dahil baka isumbat nila sa akin ang lahat," ipinagpatuloy ko ang pag-iyak ko sa balikat ni April at parang nabawasan ng kaunti ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.

"Time heals, Ey. Malay mo, napatawad ka na pala nila at baka hinihintay nila ang pagbabalik mo. Pero kung sakali mang itaboy ka nila, nandito naman ako para saluhin ka."

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon