Chapter 24

2.2K 98 20
                                    

Chapter 24

"Mommy, open it!" Excited na sabi ng anak ko.

"Batiin mo si Teacher Jeremiah, okay?" bulong ko. Masaya siyang tumango. Ngayon niya idadaan ang pinag-usapan nilang requirements lists para sa pag-aaral ni Karla at ipinangako niya sa tawag niya kay Karla na ibibilhan niya ng pasalubong ang mga anak ko kahit hindi naman sila humihingi.

Sabay kaming nagsabi ng, "Good morning, Teacher Jeremiah," pagbukas ko ng pinto ngunit napanganga ako at lumaki ang mga mata ko. Nanatiling nakahawak ng mahigpit sa seradura ng pintuan at nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Mommy, he's not Teacher Jeremiah. But he's a much more pogi though," she giggled.

"Who's Teacher Jeremiah?"

Nanlamig ang kamay ko sa suwabe ng boses niya. I miss hearing his voice.

"Teacher po ni Xydren at manliliga—"

"Enough, Luisa," agad kong tinakpan ang matabil na bunganga ng anak ko dahil madilim na agad ang anyo ng lalakeng nasa harap namin.

Ngunit pinalo ng anak ko ang kamay ko at agad ko namang inalis ang pagkakacover ko sa bunganga niya. "Mommy, do you want me to die?" maarte niya akong inirapan.

"S-she's your child?" Nagtatanong ang mga mata niya.

Para akong kinakapos sa hangin at bigla kong niyakap ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin sa labas. "P-pasok ka," tanging nasabi ko.

Nanghina ang tuhod ko nang masamyo ko ang pamilyar niyang amoy, the scent that I've missed.

Tila curious din ang anak ko kaya nilapitan niya ang binata? o baka may asawa na siya ngayon?

"You look like my father po," she said in a sweet little voice.

Lumaki ang mga mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naestatwa na ako ng tuluyan sa tabi ng pintong nakasarado na. I wanted to flee, but I knew this was the day I'd been waiting for. It is time.

Maging si Anton man ay nagulat din.

"Sandali lang po!" sabi ng anak ko at tumakbo papasok sa kuwarto niya.

Anton just sat there, stunned.

Paglabas niya ay yakap na niya ang ponyo doll niyang kaparehas ng doll ni Kei. May hinugot siya sa bulsa ng red dress ni Ponyo at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. "Are you my father?" she asked cautiously, holding up Anton's picture.

Nang tingnan ako ni Anton ay para akong kinapos sa paghinga. Abut-abot ang kaba ko.

Nanginginig ang kanang kamay ni Anton nang tanggapin ang larawan niya at pinagmamasdan ang anak niyang nasa harapan niya. "Y-yes?" Alanganin niyang sagot.

Napatingin sa akin ang anak ko. Nagsimulang manginig ang labi niya at tumakbo palapit sa akin. I could feel that my little girl is disappointed with his father's answer. Kinarga ko siya. She clung to me with her tiny hands and began to cry. Kahit nanghihina pa rin ako ay inalo ko siya.

Naguguluhan namang nakatingin sa amin si Anton.

"What the fuck," he mouthed. Mas lalo akong binundol ng takot.

"Mommy," She sobbed. "He doesn't like me." Ibinaba ko siya dahil hindi ko na kaya ang bigat niya. Pinunasan ko ang magkabila niyang pisngi na puno na ng luha. "Ang sakit ng puso ko, mi. Ayaw ni Daddy sa 'kin."

Paglingon ko kay Anton ay pinipigilan niya ang pagluha. He approached us and kneeled in front of our child. "T-that is not true. D-daddy adores you so much. I'm not sure how to react to this. I apologize, baby. Sinabihan ako ni Senyor na pumunta rito ngunit hindi niya sinabi na may anak na pala si Mommy." His hands trembled as he held his small child in his arms.

"D-daddy!" she cried again. Ramdam ko ang sakit sa tunog ng iyak niyang iyon. "We've been waiting for you, po. Ang tagal-tagal mo sa Cebu."

"I'm sorry for taking so long to arrive; I, too, have been looking for you. Ni minsan ay hindi kami sumuko sa paghahanap sa inyong dalawa ni mommy." Matalim ang titig niya nang sinulyapan niya ako. Kinarga niya sa bisig niya ang anak ko at itinayo ito.

"Mommy said she made a mistake, which is why—" she muffled her sobs, "she ran away from home. D-daddy could you please forgive her?" She clasped her hands around Anton's neck.Ramdam ko ang pagkamiss niya sa ama niya sa uri ng yakap na ibinigay niya para rito.

Tumango si Anton habang itinatago sa akin ang mga luha niya.

"Bakit po—" humikbi siya at huminga para punan ng hangin ang dibdib niya. Hinaplos naman iyon ng ama niya.

"Relax, baby," sabi niya habang pinagsasawa ang titig niya sa anak namin. ""Inhale slowly, then speak again."

Lumabi siya at muli na namang nagtutubig ang gilid ng mga mata niya. "I miss you, daddy! So much, po. Lagi po ako nagdadasal na sana sunduin mo na kami."

Hearing it from her, I became teary-eyed and my heart tightened. May ganoon pala siyang dasal na hindi ko alam.

Anton, too, is speechless. He just held our baby while she cried in his shoulders. He is hugging her and caressing her back to calm her down.

"Babalik ka pa po sa Cebu?"

"Yes, nandoon ang bahay ko."

Muli siyang umiyak. "You're going to leave us?" Suminok na siya sa kaiiyak.

"No, baby. I'm taking you home with mommy." Anton kisses her on the cheek and gently wipes her tears away. Hindi niya alam ang gagawin para patahanin ang anak niya.

"You must swear in Ponyo's name."

Naguguluhang napatingin sa akin si Anton.

"I-it's her favorite anime movie. Just go along with her," nakapagsalita rin ako sa wakas.

"Swear to us that you will always love and protect us. Mommy has been exhausted from caring for us. Take a look at her, po." Inginuso ako ng anak ko.

Yumuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang uri ng titig niya. Pinagmasdan ko ang sarili ko. And it's my first time scanning my body in six years. Sobrang payat ko na pala talaga. Hindi na ako ang dating Aliza May Paulo na tinitingala at hindi na ako ang dating heredera na happy-go-lucky.

"She wouldn't have turned out like that if she hadn't fled. She was always running away from her mistakes," matalim ulit niya akong tinitigan.

"And daddy... Bakit po dalawa lang kaming iuuwi mo? Paano po ang tatlo ko pang kapatid?"

"T-tatlo pa?" Nalaglag ang panga niya at tuluyang nanlambot pagkatapos ay unti-unti siyang lumuhod at hinimatay.

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon