Chapter 11"I will go for a run, sama ka?" tanong sa akin ni Anton, isang araw nang maabutan ko siyang nagwawarm-up sa labas. Habang ginagawa niya ang kanyang warm up exercise tulad ng pagdadala ng kanyang heel sa kanyang likuran ay hindi ko napigilang tingnan ang malaki at mahabang bumubukol sa harap niya.
Isn't he supposed to be wearing boxers or supporters?
I wanted to say something, but it's his right to wear whatever he wants, so I kept my mouth shut. Napapikit na lamang ako ng ilang segundo at huminga ng malalim para pakalmahin ang utak kong may sapot na yata. Kung anu-ano agad ang nakikita ko, ang aga-aga.
"Baby, kinakausap kita. Sasama ka ba? Inaantok ka pa ba?"
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa harap ko na siya at sobrang lapit niya kaya napaatras ako ngunit mabilis niya akong kinabig papalapit sa kanya.
Pisti! Nanadya ba 'to? Sobrang dikit niya sa akin at ramdam ko talaga ang bukol niya sa baba!
"Namumula ka, nag make-up ka ba?" Mas inilapit niya ang kaniyang mukhang titig na titig sa akin samantalang ako naman ay hindi na makahinga dahil irregular na ang tibok ng puso ko. Itinulak ko siya ng bahagya para bigyan ng espayo ang pagitan namin ngunit mas malakas siya kaya hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya.
Is he seducing me? Ang aga-aga, hindi na nagsawa.
"H-hindi, dahil sa sunrays 'yan," pagdadahilan ko.
"May araw ba?" Tumingin siya sa kalangitang kumpol-kumpol ang ulap at muling ibinaling ang pansin sa akin habang nakangisi. He pinched the tip of my nose and leaned in to smell my neck. "You're really blushing, baby. Hindi dahil sa araw yan kung hindi dahil sa akin."
"So? Masaya ka na?" Umirap ako sa kanya habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa akin.
He just laughed a little and smelled me again before letting me go and walking away from me. "I'll see you later!" sigaw niya habang nakangiting kumakaway.
Bandang alas dos ng hapon ay paisa-isang dumating ang mga orders ko online. I decided to buy some nice clothes and watches for him because I appreciate him taking care of me at sana ay magustuhan niya.
"Ano 'yang mga 'yan?" tanong niya paglabas ng kaniyang kuwarto. Nagising siguro siya dahil sa sunud-sunod na ring ng bell.
"Delivery," sabi ko habang tinatantiya ang reaksiyon niya. He suddenly pursed his lips kaya naramdaman ko agad na magagalit siya.
"Saan ka kumuha ng pambili?" pang-uusisa niya habang tinutulungan ang delivery boy sa paglagay ng mga box sa living room.
"I sell some of my bags and shoes." Totoo naman, noong nagka-Wifi connection ako ay agad kong naisipang magbenta ng mga gamit. And some of my college friends, whom I had never contacted before, purchased it in an instant. At himalang kapag pini-pick-up nila ang mga items rito ay wala si Anton kaya siya nagtataka ngayon.
"Ano ang mga 'yan? Bags at sapatos din?" His staring boredly at the boxes.
"Hindi. Ibang items. Bubuksan ko sa...sa..." nag-isip ako ng petsa kung kailan matutuwa siya kapag nakita niya ang mga laman niyon. At parang magic namang naalala ko ang birthday niya.
"Sa?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napalunok ako while my fingers are crossed at my back. "Sa November 8."
Tumango siya at magsasalita pa sana siyang muli ngunit nagring na naman ang bell. "Ako na." He stopped me from walking out. Tumigil na lang ako sa may grand door at pinanood na lang silang magbuhat ng mga box.
Mainit na ang ulo niya nang mabasa niya ang iba-ibang luxurious brand ngunit hindi na lang siya nagsalita. Maging ako man ay hindi na rin umimik. Baka kasi palayasin niya ako. I remember this is already his house, and I still want to be with him.
Pagkatapos naming isalansan ng maayos ang mga box sa living room na hindi nag-uusap ay nagluto siya ng miriendang steamed saba bananas at sweet potatoes
"Kumuha ka ng sa 'yo sa kaldero," malamig niyang utos. Duda ko ay galit pa rin siya sa pag-oonline shopping ko.
Wala akong imik na tumayo at kumuha ng plato sa cup board at humakbang patungo sa kinaroroonan ng kalderong tinutukoy niya. I lifted the cover but then lowered it quickly because it was still hot. Nagdulot iyon ng ingay sa buong kusina.
"Ginagawa mo?" Lumikha rin ng ingay ang pag-ingit ng upuan nang umangat ang puwetan niya at humakbang sa kinatatayuan ko. Ikinubli ko ang aking kamay na napaso at kumuha ng pot holder ngunit inagaw niya ang hawak ko. "Let me see your hand," sabi niya habang matiim ang titig sa akin.
"Ayos lang 'to." Nginitian ko siya ng peke at muling itinago ang right hand ko. But Anton is Anton, and he doesn't want bullshits. Kaagad niyang kinuha ang aking kamay at pinakatitigan iyon. His jaw clenched as he stared at my now-reddish hand. He lightly pulled me to the sink and tap the running water. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang ibinababad niya iyon sa tubig hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay binitiwan niya iyon at tinalikuran ako. I'm not sure why and I don't want to think about it, but his actions somehow pricked my heart. Ang isa sa pinakaayaw ko ay ang tinatalikuran ako lalo na kung galit ang isang tao sa akin.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng saba sa kaldero gamit ang pot holder at inilapag ang plato sa mesa sa lagi kong puwesto. Iniihipan ko na ang saba nang bumalik ulit siya galing sa living hall.
"Your hand," sabi niya sa mababang boses. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at parang sumikdo ang puso ko dahil may hawak na siyang first aid kit. Tulala kong ipinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakabitin sa ere at kahit maraming beses ko nang nahawakan ang mga kamay niya ay tila parang may kuryente pa ring dumaloy sa aking sistema.
"Hindi naman masakit," sabi ko na nakalabi.
"Pero maaari itong mamaga," aniya habang serysosong nilalagyan ng antibiotic cream ang aking kamay.
Napakasarap talaga niyang mag-alaga. Masuwerte talaga ang mapapangasawa nito. Damang-dama ko talaga ang sincerity sa lahat ng mga kilos niya, though he's a bit cold sometimes especially kapag hindi ako sumusunod sa gusto niya.
He even slices the steamed banana after he's finished with my hand. Inabutan niya ako ng tinidor. Ngiting-ngiti ako habang sumusubo ng banana.
Napakasarap talagang mag-alaga ng isang Anton Ramos.
"Tubig mo," sabi niya sabay abot sa akin ng bottled water. Nabuksan na rin niya ang cap niyon. Umupo siya sa harap ko at itinungga ang hawak niyang isang pang bottled water.
"I'm curious when you're going to get married," I said abruptly.
Naibuga niya sa harap ko ang tubig na ininom niya. He was flustered and somehow cute. "A-ano?!" umuubong sabi niya habang hinahampas ang dibdib niya dahil sa pagkasamid niya ng tubig. Halos mamula siya sa kakaubo kaya natawa ako ng lihim. "Pakiulit ng sinabi mo?"
"Kailan mo balak magpakasal?" inosente kong tanong. Curious lang talaga ako.
Ngumisi siya. "Why? My future wife isn't ready yet." His hand's on the corner of his lips, stifling his smile.
"Oh... Okay..." sabi ko.
But his response makes my heart sink. Why? I dare not to say it.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...