Chapter 16

2.1K 63 2
                                    

Chapter 16

The terrifying wind howls, our house shakes, and I can hear the banging and loud thumps of debris falling and flying from different directions outside due to the strong wind. Trees are falling, roofs are flying, and everything is crashing through the strongest wind I've ever seen.

"Ey, lumayo ka sa bintana! Ilang beses ko bang sasabihin sayong huwag na huwag kang lalapit riyan?!" galit na sigaw ni Anton. Paglingon ko ay halos lumabas na ang litid niya sa leeg at salubong din ang kilay niya.

"It's safe! Hinarangan naman ng grills para hindi matamaan ng malakas na hangin!" sigaw ko. Natatalo ng boses ko ang malakas at nakakatakot na lawiswis ng hangin sa labas. Two days before the landfall of typhoon ay nakapaghanda na kami. But sadly, kahit handa kami, nagulat pa rin kami sa lakas ng bagyo.

"You are surely a headache," sabi niya.

Ngumuso ako at bumalik sa kama ko. "Aren't you going to sleep?" Alas onse na kasi ng gabi.

"Hindi ako matutulog. Kailangan nating maging handa. Napakatigas kasi ng ulo mo, ayaw mong sumama sa evacuation center." Nakatayo lang siya sa harap ng pinto, minamasahe ang batok niya.

"Makikisiksik lang tayo roon and, besides, it's safer here. May generator din at matibay naman ang bahay." Bandang alas singko kasi ng hapon ay nagkapower-outage na. I'm pretty sure, sobrang init ngayon sa evacuation center at lihim din akong natatakot na mag-stay doon dahil alam kong sub-contract ang center na iyon, hindi matibay.

He just sighed deeply and walked over to me then sit at the edge of my bed. "Matulog ka na, babantayan kita."

"Sinong makakatulog sa lakas ng bagyo?"

"Sasamahan kita, dito lang ako," puno ng sinseridad na sabi niya.

Nagpasalamat ako at maya-maya ay tinakpan ko ang tenga ko dahil parang nasa tabi ko lang ang malalakas na sipol ng hangin. My ears is bursting from its sound. Hinila ko ang kumot ko at itinalukbong iyon habang unti-unti akong nanginginig sa takot. Tahimik akong nagdadasal na sana ay humupa na ang malakas na bagyo at gabayan ng nasa itaas ang lahat ng taong nakararanas nito. For the second time in my life, I prayed for his mercy.

Napaigtad ako nang yakapin niya ako, pagkatapos ay sabay kaming nanalangin.

Kinabukasan, napakalakas pa rin ng hangin! Parang demonyong sumisipol ang hangin habang iba-iba ang direksiyong tinatahak nito. Nang tanawin ko ay bahay nila June ay nilipad na ang bubong ng kusina nila. "Ginoo ko!" tanging nasabi ko.

Two days after the typhoon ay unti-unti nang kumakalma ang panahon. Nalaman ko rin na nasa ospital ang mommy ni June dahil nabagsakan siya ng debris. Si Anton naman ay ayaw akong isama sa hotel dahil delikado pa raw. May mga tauhan siyang inupahan para ayusin ang mga nasira sa paligid ng bahay namin. Sinusuway niya ako kapag tumutulong ako ngunit hinayaan niya ako kinalaunan.

The typhoon wreaked havoc in Santander!

Tumawag si Papa upang kamustahin ako at utusang kumuha ng pera sa vault niya.

"Ang mga Sugbuanon nagkinahanglan sa atong tabang karon, Ey. Dadaan si attorney mamaya riyan." Batid ko ang pag-aalala sa boses ni Papa. Since time immemorial, he and my mother have been donating anonymously whenever there is a disaster here. Marami rin silang scholar na pinag-aral na alam kong hanggang ngayon ay walang malay ang mga taong iyon kung sino ang sumusustento sa kanila. Ang tanging alam lang ng mga tao ay ang magkapatid na Kate at Anton lang ang naging scholar ni Papa.

"Papa, can I join them? Gusto ko rin pong tumulong." Nakita ko sa balita ang nakakaawa at kalunus-lunos na sinapit ng mga kababayan namin.

"Hindi puwede, just stay right where you are. Delikado pa rin sa labas," matigas niyang sabi.

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon