Chapter 19
"I'm home!" sabi ko pagkabukas ko ng pinto ng apartment namin.
"Mommy!" sabay-sabay nilang tili habang papalapit sila sa akin na nakabuka ang mga kamay. Tuwang-tuwa ako nang paghahagkan nila ako matapos kong lumuhod para pumantay sa kanila. I can no longer carry them dahil ang bibigat na nila.
"Have you all been good at school?" I softly inquired, tapping each of their cheeks. Tumango silang lahat. Bago pa man bumuka ang mga makukulit nilang bunganga ay ibinigay ko na ang pasalubong ko sa kanila.
"Mommy, thank you very much you know that I love fried chicken!" sigaw ni Louise Agatha, my chubby big baby, kamukha ko.
"Me, too, mommy!" Hindi padadaig ang boses ni Keira Celine, my sweetest darling.
"Thank you, mom," malumanay na sabi ng dalawa ko pang anak, sina Keith Zeijan at Xydren Yvonne. Keith Zeijan is the bravest of them all, as is Xydren Yvonne, my geek son.
"妈妈,你过得怎么样?" sabi ni Xydren Yvonne.
Napakunot ang noo ko, ikinubli ko ang tawa ko. "Anak, please. Laging dumudugo ang ilong ni mommy sa 'yo. How's your language class?"
Humagikgik siya habang inaayos ang handle ng salamin niyang hinawakan ko. "I'm doing excellent, mom."
I giggled, too and then sniff his neck. Amoy baby.
"Mommy, ako rin!" sigaw ni Louise Agatha.
"Mmmp!" amoy biik. Kidding, amoy pinya ang baby kong ito. Malamang ay inubos na naman niya ang pinyang binili ko.
At iyon na nga, gumaya na silang lahat. Naubusan agad ako ng energy.
Then they all sat in front of our small wood table in front of the television. Nanonood na naman sila ng paborito nilang movie, ang Ponyo. Kahit ilang beses nilang ulit-ulitin ay hindi sila nagsasawa. Ako na mismo ang nauumay sa movie na 'yon.
"Nakapagluto na ako, ate. Halina kayo at kakain na!" Boses iyon ni Karla, ang matiyaga naming kasama rito sa bahay. Mabuti at napagtitiisan niya ang mga makukulit kong anak.
Nagsitakbuhan ang dalawang babae at chill namang sumunod ang dalawa ko pang anak. Ngunit napahinto si Keith Zeijan nang makita niya akong papasok sa aming kuwarto.
"Aren't you eating, mom?" He is always concerned about me. Niyuko ko siya at hinalikan sa noo, pinakatitigan ang mga mata niya. Kamukhang-kamukha siya ng kaniyang ama, kahit saang anggulo.
"Susunod ako, anak. Magbibihis lang si Mommy."
Tumango siya at sumandal sa pader. Mabilisan akong nagpalit ng damit dahil alam kong hinihintay ako ng anak ko sa labas ng kuwarto.
"Naghugas ba kayo ng mga kamay bago kumain?" tanong ko pagkaupo ko sa kabisera. Sabay-sabay silang tumango, puno ang mga bibig nila ng pagkain kaya hindi sila nagsalita. Kapag nasa hapag kami ay tahimik lang silang kumakain, tiyaka lang sila magkukuwento kapag tapos na kaming kumain. I taught them to observe how they eat at para makapaghugas na rin kaagad si Karla. After ng gawain niya ay puwede na siyang magpahinga.
Pagkatapos naming kumain ay isa-isa na silang nag-shower sa iisa naming banyo.
Nang matapos si Keith Zeijan ay tumabi siya sa akin. Kasalukuyan akong nag-iimbentaryo ng sales ng boutique kanina. "What is it, anak?" sabi ko habang nakatutok ang tingin ko sa isinusulat ko.
"Can we switch to a public school?"
Napatingin ako sa kanya. "Why? My problema ba? "Did you get bullied again?"
Mabilis siyang umiling, isinandal ang ulo sa braso ko. "If you keep sending us to that school, your boutique will fail, mom."
Napangiti ako. Ginulo ko ang buhok niya na ikinakunot-noo niya. Sigh! Ang cute cute talaga ng anak kong 'to. Mana sa —nevermind.
""Don't worry about me; I'll work hard for all of you, anak."
"Ang payat-payat mo na nga, mommy. Sabi ni Ninang April, sobrang taba mo raw noon tapos noong lumabas kami naging sexy ka na raw."
Aba't 'yong babaeng 'yon talaga! Kung anu-ano ang ipinapasok sa ulo ng anak ko. Makurot nga iyon bukas!
"Hindi naman ako payat, a. Tingnan mo," sabay pakita ko sa braso ko. Natawa siya dahil payat na nga iyon. Nagseryoso ako at inakbayan siya. "Do you have any issues at school? Tell me, anak. I'm your best friend."
Seryoso niya akong tiningala. "I'm sick of fighting the bullies, Mom," mahina niyang sabi, may nginig sa kaniyang labi. "May daddy naman kami, di ba, mommy? Nasa Cebu po?"
Tumango ako. I never lied about who their father is. Alam din nila kung ano ang dahilan kung bakit hindi pa sila puwedeng magkita. Ngunit ngayong nahihirapan na sila ay parang gusto ko nang bumalik ng Cebu. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung may babalikan pa ako. I'm not active in social medias anymore. Iyong idudutdot ko, ipipindot ko na lang as cashier sa boutique ko.
"D-do you want to see your dad?" naninimbang kong tanong.
Umiling siya. "He might be able to get us away from you, Mom."
"Mabait kaya 'yon," sabi ko.
"Sabi nga po ni Ninang April, taon-taon niya raw iyon nakikita kapag anniversary ng company ni Tito Iñigo. Pinakita pa nga po 'yong picture."
Napasinghap ako! APRIL!
"Or do you really want to transfer to a public school? Maraming tao roon at siksikan kapag papasok at uwian. Tsaka, anak lahat ng lugar, may bully. You have to be strong, kapag hindi mo na kaya, isumbong mo kay teacher. But never ever fight with them physically, bad 'yon ha, anak? "
Tumango siya.
"Talk with your siblings, kung anong desisyon ninyo, I'll give it some thought. Okey?" Everyone, regardless of age, has the right to speak out in this house.
Nang makatulog na sila, pinakatitigan ko silang lahat. We are sleeping in one bed, actually single bed ang mga iyon, pinagtabi-tabi lang namin dahil gustung-gusto nila akong kayakap sa pagtulog. Paggising ko'y nasasakal na nila ako nang hindi nila sinasadya.
Being their mom is an exhausting job. It's a 24 hour job, but it's well worth it! Akala ko hindi ko makakaya but with the help of April and his husband, nakaahon ako sa buhay.
But I still think about that man. Noong iniwan ko siya, naisip kong kailangan ko na lang mag-move on at itapon ang lahat ng ala-ala namin.
Ngunit hindi ko nagawa, bagkus may apat pala siyang naipunla sa akin.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...