Chapter 14
Papa is calling.
Nag-atubili ako kung sasagutin ko ba o hindi ang tawag na iyon ni papa ngunit ni-swipe ko rin ang green button pagkatapos ng ilang segundo.
"Pa," agad kong sabi, kinakabahan.
"Pack your belongings and travel to Hong Kong with Anton; you two will represent me at the contract signing," maawtoridad niyang pahayag.
"Pero pa, may whale shark watching po ako together with—"
"That's an order, Ey; don't even think about disobeying me."
"Papa..." sagot ko na naiinis. I've already said yes to Hugh a while ago, and I don't want to back out of the plan. Ngayon na lang ulit siya nakalalabas dahil abala siya sa profession niya.
Habang nakasimangot akong nakaupo sa sofa ay siya namang labas ni Anton galing sa kuwarto niya, bagong ligo. Kagagaling lang namin kanina sa mausoleum ng aming mga ina. Dinalhan namin sila ng bulaklak, nagtirik ng kandila at nag-alay ng kaunting dasal pagkatapos ay umuwi rin kaagad.
"You're a constant annoyance. Kailan ka ba matututo? Lagi ka na lang puro gala." Dinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga. Marahil ay hinihilot na naman niya ang sentido niya ngayon.
"Pa, ngayon lang naman ako pinapayagang lumabas ni Anton. Hindi naman po ako puro gala."
"Why can't you be a good daughter?" galit na sabi niya.
"Pa, puwede namang si Anton na lang..."
Tumayo ako at iniwasan ang lalakeng kasama ko rito sa bahay. He's obviously eavesdropping. Hahakbang sana ako paakyat ngunit naestatwa ako sa sumunod na pahayag ng kausap ko.
"I can consult with my attorney and renounce you to the will. You are not my only heiress. I still have one on my Kate. Now, do as I say."
Napakapit ako sa balustre ng hagdanan. Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko at paulit-ulit na umukilkil iyon sa utak ko. I can consult with my attorney and renounce you to the will. You are not my only heiress. I still have one on my Kate. Now, do as I say. You are not my only heiress. You are not my only heiress. You are not my only heiress. Unti-unting nanginig ang kalamnan ko at parang namatay ang puso ko sa mga sandaling iyon ngunit pinilit kong maging normal. May namumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata nang muli kong marinig ko ang boses ni Papa.
"Give the phone to Anton if he's with you," he ordered, coldly.
Lumingon ako kay Anton na halatang pinagmamasdan ang kilos ko. I cleared my throat first before giving it to him, "Gusto ka raw kausapin ni Papa." Nagbawi kaagad ako ng tingin dahil nanlalabo na ang paningin ko sa luhang malapit nang tumakas sa mga mata ko.
"Are you okey?" masuyo niyang tanong habang tinatanggap ang phone ko. Tumango ako na hindi tumitingin sa kanya.
"I–I'll just pack my things," mahina kong sabi bago siya tinalikuran at humakbang paakyat ng hagdanan patungo sa kuwarto ko. Matapos kong isarado ang pinto ay umiyak ako ng tahimik habang sapo ang dibdib ko at napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi ko. It's excruciatingly painful! Why should he have to tell me that? Susunod naman ako, e.
Nang mahimasmasan ay nagsimula kong inihanda ang mga kakailanganin ko sa biyahe. Wala akong ganang kinuha ang passport ko sa drawer pagkatapos ay kumuha lang ako ng tatlong pairs of clothes, pajamas and undies. In addition, I put my personal hygiene kit and, of course, my make-up. After that, I took a quick bath. I put on a black statement t-shirt with the words "favorite daughter" and branded tattered jeans, then put on my sunglass. Namaga kasi ang mga mata ko sa kaiiyak kanina.
Then I heard a knock from my door.
"Handa ka na? Alis na tayo," sigaw niya sa labas.
Hinila ko ang luggage ko at binuksan kaagad ang pinto. Kinuha niya sa akin ang bagahe pagkatapos ay nauna na siyang bumaba. He's on his usual outfit again, black tshirt that fits his chest and tattered jeans. Napangiti ako kahit mabigat ang kalooban ko. Sinadya ko talagang mag-black din para couple t-shirt kami.
"I reserve an economy class ticket," sabi niya nang malapit na kami sa Mactan Airport. Tumango lang ako. Tumawa siya ng mahina dahil akala raw niya ay aangal ako at ipipilit kong business class ang gusto ko. Nginitian ko lang siya ng tipid at ibinalik ang tingin ko sa labas.
At kahit na ngawit na ngawit na ako sa mahabang pila ng economy class ay hindi ako nagreklamo. There's no VIP lane here, I should be patient.
"Ayos ka lang ba, Ey?" He whispers softly while leaning his head against my shoulder. Nasa harap kasi ako.
Tumango ako.
"Kanina ka pa hindi nagsasalita. Do you want to upgrade our ticket? Marami pa tayong oras."
Umiling ako.
"Gutom ka na ba?"
Umiling ulit ako.
"Galit ka?"
I shook my head again.
But Anton is Anton. He put his hand on both of my shoulders and turned me around to face him. Akma niyang aalisin ang sunglasses ko ngunit pinigilan ko ang mga kamay niya. "You're not okay." He then quickly embraced me and gave me a tight hug. "Napagalitan ka ba dahil sa 'kin?"
"N-no," I said while stifling my sobs. Nagsisimula na namang mamuo ang mga tubig sa mata ko. He gently caresses my back while still hugging me. Ngunit nang mapansin ko ang mga taong nakangiti sa paligid namin ay itinulak ko ng marahan si Anton. "I'm a bit fine, now. Thank you."
Ginulo niya ang buhok ko pero inayos din. "I apologize for being so strict with you."
Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa.
Nang makarating kami sa Hong Kong ay wala na raw ang mga investors. Nasa Singapore na raw sila at kasalukuyang dumadalo sa The Lodging Conference. Nagcheck-out kami kahit na hindi pa kami nakakapagpahinga at agad na tumulak papuntang Singapore. Alas dose na ng gabi nang makarating kami roon.
"Don't be upset. I'll call them tomorrow," pang-aalo ni Anton dahil nahalata niyang disappointed ako. We eat outside and then return to our hotel to rest.
Pagkagising namin kinabukasan ay nasa Taiwan naman sila. Napasapo na lang ako sa mukha ko habang humihingi na naman ng appointment si Anton sa kanila.
"Aren't you tired?" tanong ko.
"Ey, if you want to accomplish something, you must be persistent and hardworking," he said, tapping my cheeks.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...