Chapter 10
Everyone is busier than usual the next day. Anton looks after the VIP guests while I get on with my daily tasks together with my co-workers.
"Ang swerte ng mapapangasawa ni Sir Anton, 'no?"
Napatigil ako habang ipinaghihiwalay ang duvet sa cover nito ngunit nagpatuloy ako at pasimpleng nakinig sa dalawa kong kasama na abala sa paglilinis ng mga kalat na naiwan ng mga bisita sa deluxe family room.
"Sinabi mo pa. Nakapag-aral sa University of Cebu, nag-intern sa Singapore at Dubai. Guwapo, matalino, mabait at responsable. Saan ka pa makakakita ng katulad niya? Balita ko, nakabili na raw siya ng isang exclusive villa sa kabilang isla. Asawa na lang talaga ang kulang," kuwento ni Aling Martia habang pinupunasan ng mabilisan ang side table.
Tumawa si Aling Sholing habang pilit na kinukuha ang mga laruang nagkalat sa ilalim ng sofa. "Paano magkakaasawa 'yun, e ni hindi pa iyon nagkakaroon ng nobya?"
So he's really telling the truth? He's NGSB?
"Pihikan din kasi," napahagikgik si Aling Martia.
"Naku! Ako talaga ang pinakaunang matutuwa kapag nag-asawa na si Sir Anton..."
Sa narinig kong iyon ay parang nanghina ako bigla at may kung anong tumutusok-tusok sa bandang dibdib ko. Ipinagsawalang-bahala ko iyon at ipinagpatuloy ang pagpapalit ng pillow cover. Tulala ako habang ginagawa iyon at napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Aling Sholing na tinatawag ang pangalan ko.
"Aliza, kanina ka pa rito. Ilang beses mo na 'tong inalis at ibinalik?" Inagaw niya sa akin ang hawak kong case ng pillow. "Ayos ka lang ba?"
Tulala akong tumango. "Pagod lang," dahilan ko.
Hindi nakatakas sa akin ang kaniyang pag-ingos. "Magpahinga ka mamayang lunch break, wag ngayon dahil marami pa tayong lilinisin."
Hindi ko siya sinagot bagkus ay tinulungan ko na lang sila. Nakakatawang isipin na kung hindi dahil kay Anton marahil ay napagsalitaan ko na sila ng masama.
Alas dose kinse ng tanghali nang matapos kami sa paglilinis at dumiretso kaagad ako sa opisina ni Anton. Wala siya pagpasok ko roon. Marahil ay abala pa rin sa pagmomonitor ng mga bisita.
Dahil pagod at inaantok ay naisipan kong magpahinga muna sa sofa na naroon. Ala una pa naman ang balik ko sa trabaho.
I was already in a trance when I felt a touch on my face, which caused me to open my eyes.
"It's one o'clock, baby," he whispered into my neck. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti sa sistema ko.
"Mmm..." I mumbled and turned my back on him.
I felt him laying down beside me with his hands trailing down to my stomach. "You can go home earlier if you're too tired." Haharap sana ako sa kanya ngunit naramdaman ko ang matigas na bagay na bumubukol sa pantalon niya kaya hindi ko na ginawa. Mamaya mauwi na naman kami sa ibang bagay. Nanatili na lang ako sa ayos ko.
But Anton kissed my neck which made me turn around and face him. Inirapan ko siya at sinuntok ng mahina sa dibdib. "Nakararami ka na.."
He sexily chuckled and leaned in to claim my lips for a sloppy kiss while his hand rested on the back of my neck. He then drew back after kissing me on the neck. "I'd like to make love to you, but I have to get back to work."
"Go then," sabi ko habang itinutulak ko siya ng mahina, nakairap sa kanya.
"Won't you stop me," he teased with a grin at the side of his luscious lips.
"Hindi 'no?"
"Talaga?" Now, he's really teasing me. Ipinaglandas niya ang kanan niyang kamay sa aking hita patungo sa gitna ng aking pagkababae. Napanganga ako at napahampas muli sa dibdib niya. Mapanukso ang kaniyang mga titig at ipinanatili niya roon ang kaniyang hawak, hindi gumagalaw ngunit kahit suot ko ang aking uniporme ay ramdam ko pa rin ang init ng kaniyang mga palad.
Pinigilan ko ang sarili ko kahit ramdam kong unti-unti nang namamasa ang ibabang parte ng aking pagkababae. "M-marami tayong bisita at dadalo ka pa—Oh!" Hinampas ko siyang muli dahil ihinagod niya ang kamay niya sa aking kaselanan. Tumatawa niya akong hinalikan ng malalim.
"Yes. I better leave now bago pa ako makalimot." Bumangon kaagad siya at mabilis na inihakbang ang kaniyang mga paa patungo sa pinto ngunit bago siya umalis ay sumilip siyang muli. "Kumain ka muna bago ka bumalik sa trabaho," he winked while pointing the food from his table. He smiled as he walked away.
I dragged myself away from the sofa and ate the food he had prepared for me. At habang isinusubo ko ang isang piraso ng cauliflower ay naalala ko ang sinabi ni Aling Sholing na masuwerte ang mapapangasawa ni Anton. Sa isiping mag-aasawa siya ay may kung anong pumunit sa loob ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Natural lang naman na mag-asawa siya kapag gusto na niya ngunit bakit biglang sumasama ang pakiramdam ko?
Imbes na dadalo pa ako sa pagtitipon mamayang gabi ay mas pinili ko na lamang na umuwi pagkatapos ng day shift ko.
Pabiling-biling ako sa aking kama at inis na pinatay ang pinanonood kong series sa Netflix dahil wala na akong naiintindihan. Napabangon ako at tinakpan ang aking mukha.
Why am I being like this?
Naiinis na hindi ko maintindihan.
Napatingin ako sa aking phone na nasa bed table nang mag-ring iyon. It is a call from Anton.
"Baby," he greeted.
I suddenly miss him kahit kakakita ko pa lang kanina sa kanya.
"Connect your phone to the WiFi. I want to see your face."
"Pinaayos mo ulit?" tanong ko while tugging my hair to my ears.
"Oo," maikli niyang sagot. Then I did as he said, and he suddenly wants to videocall me. I was mesmerized by his look by the time I opened my camera. Bagong ligo na siya. His black slacks fit him perfectly, and his shirt is hugging across his chest. "Are you alright? Gusto mo bang umuwi na ako?"
Ngumiti ako at umiling. "No. Enjoy your night. I'm totally fine here."
He's caring and kind. Tama nga si Aling Sholing, masuwerte nga ang mapapangasawa niya at alam kong hindi ako iyon dahil wala naman siyang pagtingin sa akin. And those thoughts caused my heart to tighten.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...