Special Chapter

1.1K 26 5
                                    


 
"Hindi totoo 'yan, Ey." Mariin niyang sinabi ang pangalan ko.
 
"Hindi totoo? E, anong ibig sabihin ng babaeng 'yan? Did you let her come here to prove something to me?"
 
Napansin ko ang pag-igting ng panga niya kasabay ng pagsulyap kay June Skye. The woman just stands in her place, as if she likes what she's seeing right now. Napansin ko ang pagngisi ng babaeng 'yon kaya mas lalong nag-init ang ulo ko!
 
"See? She's smiling like an idiot! Pinaglalaruan n'yo akong dalawa! Are you satisfied now?"
 
"What are you talking about, baby?" Humina ang boses niya, may pagsuko. He tried holding my shoulders but I stepped back. Umiiling siya habang napapahilot sa batok niya. "She's just kidding, alright?"
 
See? He's guilty! 
 
"Baby! I'm here!" Rinig kong sigaw ni June Skye. Kumaway pa siya at hinagod ang tiyan niyang mas malaki pa kaysa bilog na pakwan.
 
Marahas ang ginawa ni Anton na paglingon sa babaeng 'yon. "Hindi ka nakakatulong, Skye!"
 
Halakhak ang isinagot niya. Tumingin muli sa akin si Anton.
 
"Look! She's just messing with me," palusot niya.
 
I looked at him like I was disgusted at his face. Paano siya nakakapagsinungaling nang nakatingin sa akin ng diretso? Paano niya naaatim na paglaruan ako ng ganito. Is this some kind of revenge? Kinilabutan ako! 'Yong excitement na naramdaman ko kanina, napalitan na ng inis at poot!
 
Bakit nga ba ako naniwala sa kanya, e, hayagan naman noon ang pagkagusto niya kay June Skye. Madalas ko siyang mahuli noon na nakatingin kay Skye. Madalas kong marinig noon ang tawanan nila sa sala.
 
Mahal mo kasi kaya ka umaasang totoo ang mga sinabi niya.
 
Oo na! Mahal ko! Damn it!
 
Nagpadalos dalos ako sa pagsagot sa kanya. 'Yon pala, pinapaikot lang ako sa palad niya. I'm so stupid! I am so stupid that I am now wiping my tears in front of him. Damn these tears! Ayaw paawat, ayaw tumigil! Patuloy sa pag-agos ang luha ko, habang naninikip ang dibdib ko.
 
Anton tried to hug me, but I raised my hand and slapped him so hard! Nalaglag ang panga niya at namimilog ang mga mata.
 
Muli kong narinig ang paghalakhak ni Skye, 'yong tunog na nang-aasar.
 
"Skye, hindi ka na nakakatuwa!" si Anton. "Baby, listen to me."
 
Pumikit ako ng mariin. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya. I even covered my face with my palms, muffling my soft sobs.
 
"Stop it! I won't hear your lies again!" sigaw ko sa kanya. Pinilit kong gawing normal ang paghinga ko. Napahawak ako sa dibdib at huminga ako ng malalim.
 
"Mommy, I'm scared. Please don't shout," sambit ni Kei. She was the one who's near me, kaya siya ang hinawakan ko.
 
"Let's get out of here," sambit ko at hinila siya palabas ng play ground. Ni minsan ay hindi ko tinapunan ng tingin si Anton, kahit noong tawagin niya ako. Kahit noong tawagin ako ng mga anak ko.
 
Kung kasama sana ang tatlo ko pang anak ay babalik na agad kami sa Maynila. I want to get out of Cebu. I want to stay away from here. Sayang lang ang ipinunta namin dito.
 
Sa totoo lang, gusto kong mapag-isa pero paano naman ang anak ko? She was crying inside the car while I was driving. Tumigil pa ako sa emergency bay dahil hindi ko na kaya ang bigat ng dibdib ko. Umiyak ako kasabay ng pag-iyak ng anak ko.
 
"Mommy, why did we leave Daddy and my siblings?" aniya habang patuloy sa pag-iyak. Sinikap kong pigilan ang mga luha ko, pero ayaw tumigil. Patuloy iyon sa pagpatak. I even clutched my chest because I couldn't breathe anymore.
 
Kei tried to lift her weight to touch me but then she was stopped by the seatbelt.

"Mommy, stop crying. Hindi na po ako iiyak, huwag ka na rin umiyak." Nahihirapan siyang tanggalin ang kanyang seatbelt pero sinabi ko sa kanya na huwag nang alisin.
 
Pinaandar ko ulit ang sasakyan ni Anton. Marahas kong pinunas ang traydor na mga luha ko. Nalilito ako kung saan pupunta. Kung sa hotel ako didiretso, tiyak na masusundan niya ako.

Ayaw ko na siyang makita but I will still co-parent with him. Hindi ko siya tatanggalan ng karapatan sa mga bata.
 
Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. Natuto na ako, marunong na akong mahalin ang sarili ko.
 
"Ey! Napadalaw ka?" gulat na sambit ni Papa noong pagbuksan ako ng kasambahay. I don't know her name; they all had new faces. Pinagtitinginan nila ako ngunit hindi ko sila pinansin.
 
"Magandang araw, Senyorita," bati nila.
 
"Naku! Mas lalo kang gumanda, Ey," sambit ng isa pa. Pinasingkit ko ang mga mata at naaninag kong siya si Elvina, ang mayordoma. I just smiled a little at her then her eyes settled at Kei. "'Eto na ba ang anak mo?" Napasinghap siya. "Kamukha ni Kate!" Lumingon siya kay Papa. "Senyor!" Sabi pa niya, gulat na gulat.
 
"Prepare some food, Elvina," ngumiti lang si Papa sa kanya. Mabilis namang tumalima ang mga kasambahay, sa isang iglap, tatlo na lang kaming naroon sa salad. Lumipad ang tingin ni Papa sa akin. "Bakit hindi n'yo kasama ang iba mo pang anak? Si Anton, nasaan?"
 
I avoided his gaze and kneeled down to talk with Kei. I know I am being selfish but I want to be alone. Ayaw kong makita ng anak ko ang pagbi-breakdown ko. Ayaw ko siyang bigyan ng trauma.
 
"Magpapahinga lang si Mommy. Ayos lang ba sa 'yo 'yon?"
 
Napansin ko ang paglinya ng kanyang labi pero tumango siya kaagad. "Kapag po ba nag-rest ka, hindi ka na iiyak?"
 
I let out a smile. "Hindi na. Matutulog lang si mommy."
 
She nodded twice. Kinintalan pa ako ng halik sa pisngi. "Kiss kita mommy para hindi ka na umiyak!" She also let out a soft giggle. Humalik din ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
 
Nagtatakang nakamasid lang sa amin si Papa. May tanong sa kanyang mga mata pero hindi na nagsalita pa.
 
"Magpapahinga lang ako, Pa. Kayo po muna ang bahala kay Kei."
 
Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon niya. Nilagpasan ko siya at agad na humakbang paakyat ng kuwarto ko. Ganoon pa rin ang ayos ng bahay namin, walang nagbago. Napansin kong buhay pa rin ang mga areca palms na indoor plant ni mama sa mga corners ng bawat pasilyo.
 
Even inside my room, it was still the same. Kulay royal blue pa rin ang kama ko. Kung anong ayos ng kuwarto noong umalis ako'y ganoon pa rin pagbalik ko.
 
Pumikit ako ng mariin noong dumako ang pansin ko sa vanity mirror. Kita roon ang pamumugto ng mata ko ngunit ibang memorya ang pumasok sa utak ko.
 
He used to fuck me in that...
 
I chewed my lower lip, pinigilan kong mapaiyak ulit. Nang matuon naman sa balcony ang tingin ko'y, napailing ako.
 
What the hell! Please get out of my system! Damn you, Anton!
 
Ibinagsak ko ang sarili sa kama, pero naalala ko na naman siya. Paulit-ulit akong nagmura hanggang sa hindi ko na kinaya, umiyak na naman ako. I put the pillow over my face because I don't want people outside to hear my cries.
 
Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko habang iniisip na nabuntis niya si Skye. Inggit na inggit ako, oo!
 
'Yong pangarap kong lalaki, nakuha niya. 'Yong mahal ko, sa kanya napunta. Sino ba naman ako para piliin niya? Skye was his dream girl; I knew that years ago. Hindi niya nasabi pero ramdam ko.
 
Yes! Damn it! Aaminin ko, insecure ako sa kanya! Kung sa pagandahan, alam kong lamang na lamang siya. Nakita ko iyon kanina. She was so beautiful, even if she's pregnant. She was blooming; she was budding with youthfulness.
 
Pero ako? I was so damn ugly when I was pregnant with my quadruplets!
 
Kung anu-ano na lang ang naging rason ng pagluha ko. Sumakit na ang ulo ko dahil doon.
Pagkatapos kong mapagod sa pag-iyak ay dumako ako sa bathroom. Gusto kong kalmahin ang sarili. I need to go down now. May anak pa akong naghihintay sa baba.
 
Kung dati'y sarili ko lang ang iniisip ko, iba na ngayon. I am hurt, yes, but I don't want my kids to suffer.
 
Hinubad ko ang sandalyas ko, pati na rin ang dress ko. I put on my white robe. Pinuno ko muna ng tubig ang bath tub at nang matimpla na sa tamang temperatura ay naglagay ako ng lavender oil.
 
Hinayaan ko ang sariling magbabad sa tubig. Wala akong naririnig na ingay kaya muli akong napaluha. Halos dumugo na ang labi ko sa pagpipigil ng iyak ko.

I suddenly missed my kids. I need to hurry and get them from Anton. Baka umiiyak na rin ang mga iyon, lalo na si Louisa.
 
Kahit masarap pang magbabad, umahon ako para tuyuin ang sarili. Mahapdi ang mata ko nang sipatin ang sarili sa salamin. I end up brushing my teeth and drying my hair.
 
Mugtong-mugto ang mga mata ko kaya sinubukan kong takpan iyon gamit ang concealer. I ended up doing my makeup; na hindi ko ginagawa nitong nagdaan na anim na taon. I even put on my hazel brown contact lenses but eventually removed them upon realizing that they looked like June Skye's eyes. Nagkasya na lang ako sa normal na kulay ng mga mata ko.
 
Huminga ako ng malalim at nagpasyang bumaba na. Kei's soft laugh made my steps faster. Only to be shocked by the other giggles. Naroon din ang iba ko pang anak, nagtatakbuhan sa back yard. Bukas ang pandalawahang glass sliding door kaya kita ko sila.
 
"Ah! Taya! Mahina ka talaga, kuya!" sigaw ni Louisa kay Xydren. Muli silang nagtakbuhan at namilog ang mga mata ko dahil pati si Papa ay kasali sa laro nila. He was laughing heartily while running from his grandchildren. "Ang daya mo, grandpa! Ang bilis mo pong tumakbo!"
 
Napaatras ako sa paglapit nang madaanan ko sa kusina si Anton. And he was not alone; he was with June Skye! Ang kapal ng mukha!
 
Gusto ko siyang sigawan ulit pero kinalma ko na ang sarili ko. Kahit na sumusungaw na naman ang luha sa mga mata ko ay nagpakatatag ako. I don't want to shed another tear for him. Tama na 'yong iyak ko kanina. He deserved those tears dahil minahal ko naman siya. That will be the last.
 
"At may gana ka pang ipakita ang pagmumukha mo rito?" galit kong sabi. Halos mag-usok na ang ilong, kuyom ang mga palad ko.
 
Umigting ang panga niya. "Isinama ko si Skye dahil gusto niyang humingi ng tawad. She was just kidding, baby."
 
"I saw it with my two eyes. Why are you still lying? Sabihin mo na lang na siya ang pakakasalan mo, I would accept that. Gladly!"
 
"Listen to me first, baby," mariin niyang sinabi.
 
"Ayaw ko nang maniwala sa 'yo. Lie to me more at hinding-hindi mo na makikita ang mga anak mo. Ilalayo ko sila sa 'yo!"
 
Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya. Umiling siya habang hinahagod ang sentido. "Hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Skye. Maniwala ka sa akin."
 
"I was just trying to mess up with you earlier, Ate Ey. Nagsasabi ng totoo si Kuya Anton," Skye butted in.
 
"Liar!" Umiling ako. Ayaw ko nang mabilog nila ang ulo ko. Tama na ang isang beses na pagpapakatanga; natuto na ako.
 
Umatras ako nang lumapit sa akin si Anton. But his stance made me so small that he covered me with his strong arms. Tinulak ko siya ngunit parang bakal ang mga kamay niyang pumupulupot na sa akin. Humalik siya sa sentido ko kaya itinulak ko siya. But with his iron clad arms, my strength was like an air to him. Hindi siya natinag.
 
"Calm down, baby. Don't scare our kids again." Mariin ang pagkakasabi niya sa mga bata. Nag-alala naman ako, kaya nilingon ko sila. Dinig pa rin mula sa amin ang tunog ng hiyawan at tawanan nila. "Believe me. Hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Skye."
 
Umiling ako at mas lalong nairita. "Do you think I will believe you? After all those years? Baka nga nagpapakasawa ka sa kanya. And you just ended up bringing us here dahil inutusan ka ni Papa!"
 
Napailing lang siya at umigting ang panga. He even loosens his grip on me. Namula ang kanyang mga mata at halatang ang tinitimping galit. "Ganoon ba kababaw ang pagtingin mo sa akin na pati iyon ay pumapasok sa isip mo?"
 
"You cannot blame me! You used to like her!" Akusa ko.
 
Natigilan ako saglit dahil sa malakas na halakhak ni June Skye, umabot iyon maging sa labas dahilan para pumasok ang mga bata, maging si Papa at si... Hugh?
 
Nagtataka akong napatingin kay Anton, sumunod kay June Skye, at ang kaibigan kong si Hugh McConaughey.
 
"Meet my husband, Ate Ey," sambit ni Skye, patuloy pa rin ang paghagikgik.
 
Nalaglag ang panga ko!

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon