Special Chapter

998 28 2
                                    

Hiya.

Iyon ang una kong maramdaman pagkatapos kong ma-realize na sobrang nagpalamon ako sa selos. Gusto kong lumubog sa kahihiyan. Nagbitaw ako ng masasakit na salita kay Anton, akala ko nabuntis niya si Skye. Iniisip na pinagtaksilan niya ako.

"Why would you think that Anton is the father of Skye's child?"

Kumurap ako. Hugh McConaughey still seemed like an apparition in front of me, unaware and lost, just like when I left his house years ago.

He does look more healthy now. Mas gumuwapo rin. I noticed how he possessively grasps June Skye's waist. Skye buried her face in his chest. It seemed like she had just smelled Hugh and then turned to me, still grinning.

"Matagal na akong nakapag-move on kay Kuya Anton, 'no? Kung dati ay sobrang crush ko siya, ngayon, nasusuka ako maisip ko lang iyon."

Skye's words were a double punch in my stomach. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Humalakhak si Hugh at hinalikan ang noo ni Skye. I noticed Anton's lips rosed a bit. Tuluyan na akong binitawan sa pagkakayakap niya. I awkwardly put some distance between us and took two steps to grab onto the dining chair. My knees were trembling from what I had learned. My hands gripped the headrest tightly.

Everything is getting clearer now. Masyado lang akong gulat sa nalaman ko, pero tanggap ko na base sa lambingan ng dalawa ngayon. They looked so in love with each other. Kitang-kita ko sa mga mata ng kaibigan ko, kung gaano niya kamahal si Skye, at hindi rin maitago ni Skye ang pagmamahal niya kay Hugh.

I wanted to run away from them. I just couldn't do it because their eyes are all at me.

"We got married on June 10. I apologize if you were not invited," sambit ni Hugh. I saw how his thumb moved in a circular motion around Skye's waist.

"A-ayos lang. Nasa Manila pa naman ako noon," I said, then chuckled a bit.

"Selosa ka pa rin pala, ate?" si Skye, tumawa ulit. "I could still remember when I was in my sophomore year, in love na kayo sa isa't-isa, hindi niyo lang maamin."

Napakunot ang noo ko, nagtataka kung paano niya nalaman iyon.

"Don't deny it; I could see it all over you noon. You hated him, but you liked him so much. It was obvious." pagpapatuloy ni Skye.

To be honest, hindi ko pa rin siya gusto. Masyado siyang madaldal para sa akin. Ayos nang si Louisa lang ang madaldal, huwag na siya.

Wait! How did she know it? Sinabi ba sa kanya ni Anton na gusto niya ako? Ganoon ba sila ka-close noon para ipagtapat niya sa kanya ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin?

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon. I had planned to take my kids and go back home to Manila, but honestly, I can't think straight now.

"Why don't we settle this over a meal? It's dinnertime already," putol ni Papa.

"Yay! Nagugutom na nga po ako!" bulalas ni Louisa.

"Let's wash our hands first," said Keith. Sumunod sa kanya ang tatlo ko pang anak. Sa likod nila ay ang mga tauhan na umaalalay sa kanila. Gusto ko ring tumulong ngunit wala na akong lakas para maglakad. Parang na-drain ako sa mga nalaman ko.

I was so embarrassed, alright!

Hindi tuloy ako makatingin kay Anton ng diretso. I'm at fault, I admit it. Pero ang mag-sorry sa kanya ay hindi ko na magawa ngayon. Para akong napipipi dahil sa lamig ng awra niya.

"Have a seat," I told both Skye and Hugh. I also smiled apologetically at them. "I'm sorry for earlier. Hindi ko alam..."

Humagikgik si Skye at ngumiti sa akin. "It's fine. Actually, it's understandable. Ilang taon kang nawala, kaya naiintindihan ko na wala kang alam tungkol sa amin."

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon