Chapter 28

2.4K 83 2
                                    

Chapter 28

A loud knock woke us up, "Mommy! Mommy!"

Kinalabit ko si Anton ngunit tulog pa rin siya kaya ako na lang ang bumangon. "Kung doon mo sana ako pinapatulog sa tabi ng mga bata, hindi ka na sana namin naiistorbo," sumimangot ako.

Narinig niya yata ako kaya mabilis siyang bumangon at humakbang patungo sa harap ng pintuan. Nag-inat pa siya at humikab bago niya iyon binuksan.

Patakbong humahangos ang apat naming anak palapit sa akin. Isinenyas ko naman sa kanya ang kamasutra chair. Kumilos siya ng mabilis at kinuha ang telang puti at agad iyong tinakpan.

"Mommy! "There's a big spider in the guest room, like super big like this," Luisa exclaims, demonstrating its size. Sinlaki raw ng hintuturo niya.

Natawa ako.

"Can we sleep here, mommy?" si Kei.

"Daddy, promise ngayong gabi lang po. Kapag nahuli mo na bukas ang gagamba, doon na po kami ulit matutulog.

Nakangiting tumango ang kanilang ama kaya nagtalunan sila sa kama. Mahaba at malaki ang itim niyang kama kaya kasya kaming lahat doon. Kapwa nasa dulo ang puwesto namin ngunit nag-inat si Anton ng kamay para mahawakan niya ang dulo ng kamay kong nakainat rin. Napangiti ako ng lihim dahil sa kilig. Apat na ang anak namin pero lihim pa rin akong kinikilig sa mga galawan niya.

Ngunit bago ako nakatulog nang gabing iyon ay maraming bagay ang gumulo sa isip ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami nag-uusap ng masinsinan.

Kinabukasan, araw ng unang pasukan ng aming mga anak kaya maaga kaming gumising. Si Anton ang nagluto para sa agahan at ako naman ang nagpaligo sa dalawa kong anak na babae. Ang dalawa namang lalake ay bumalik na sa guestroom sa ibaba.

"Do you think they'll like us, Daddy?" Kei inquired, her voice full of curiosity.

"They will undoubtedly like you all because you are all Paulos'. "Do you know what Paulo means in Santander?"

Tulalang naghintay ng sagot ang mga anak ko. Anton kept braiding Kei's hair. Hindi pantay iyon pero gustung-gusto ng anak ko. Maging si Luisa ay nagpakulot rin. Sumampa siya sa kandungan ng kanilang ama at natutuwa naman siyang pinagsilbihan ng isa.

"Dad? What is the answer?"

"Huh?" maang na tanong ni Anton.

"Yung reason po kung ano ang ibig sabihin ng apelyido namin," inip nang sabi ni Keith.

Anton smirked. "Paulo means power. Kilala si Senyor Paulo sa Santander kaya magugustuhan kayo ng mga tao roon."

"Dad, bakit wala pa po bang school dito sa Isla?"

"It's still under negotiations, anak," sagot ni Anton kay Xydren.

Ako naman ang nagsalita at inaya na silang mag-agahan dahil malilate sila kung daldalan sila ng daldalan.

"Mommy, I want some mango fruitshake po. No ice, please?" Luisa said with a chorizo in her little hands.

"Ako rin po, mommy," si Kei na napaka-cute.

"Avocado po sa 'kin, please?" Keith pleaded with his puppy brown eyes.

"Avocado din po sa 'kin, mommy. Love you," Xydren said.

Tumayo ako at lumakad patungong dirty kitchen. Naroon kasi sa taas ng cabinet ang blender. I took the blender down, washed the container and wash the mango and avocado before peeling it. Nang ilagay ko na ang isa sa mga iyon ay pinindot ko na ang number 1 button. Masyadong malakas ang tunog ng blender kaya hindi ko namalayan ang paglapit ni Anton sa likuran ko.

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon