Chapter 12

2K 71 7
                                    

Chapter 12

"Ngitngit na sa gawas, asa ka paingon?" Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakahalukipkip siya at seryoso ang mukhang nakasandal sa hamba ng pinto ng kuwarto ko. Alas nuwebe ng gabi.

Patapos na ako sa pagmimake-up. Hindi ko siya nilingon. I shake the mist spray that I'm holding then close my eyes and spray it lightly to my face. I smiled at my reflection and felt content with it.

Kita ko sa peripheral vision ko ang mabilis niyang paghakbang at inikot niya ang bench na kinauupuan ko at ipinaharap sa kanya. Napaatras ako ng ilang inches dahil napakalapit na naman niya. He's leaning in to corner me, his arms at both of my sides.  "I'm going to a friend's party. Diyan lang sa Oslob."

"Nagpaalam ka ba sa 'kin?"

"M-magpapaalam dapat after I finish getting ready kaso andiyan ka na, so ngayon na ako magpapaalam." Ngumiti ako ng alanganin but he isn't buying it.

He leaned in and sniffed my neck before kissing and nibbling it.

"Not now, Anton..." daing ko. My heart is beginning to beat at an abnormal rate again. Itinulak ko na siya ng marahan nang maramdaman kong sinisipsip na naman niya ang leeg ko. "Sobrang dami mo nang nilalagay na ganyan," reklamo ko habang nakairap sa kanya.

"Put on a jacket and pants," sabi niya habang gumagapang ang kamay niya sa aking hita. Nakasuot kasi ako ng black bodycon dress na hanggang taas ng aking tuhod at kita rin ang curve ng dibdib ko dahil V neck iyon.

"No..." pagmamatigas ko. Ano siya? Ni hindi ko nga pinapakialaman ang mga sinusuot niya tapos ako lagi niyang sinisita? Manigas siya! Hindi siya ang masusunod ngayon!

"Isusuot mo o hindi ka makakalabas dito?" Pataas na nang pataas ang haplos niya hanggang sa makarating iyon sa undies ko na ikinasinghap ko. Mabilis na kumilos ang kamay ko para hampasin ang braso niya.

"Napaka—mo talaga!" Pilit ko siyang itinutulak.

Then he reaches for the hem of my panty and slightly pulled it down while staring into my eyes. Nang-aakit lagi, hobby na niya yata ang ganito.

I groaned in frustration while pushing him. "Magbibihis po ako at magpapalit gaya ng utos mo." Umatras siya ng kaunti at iniangat ko rin ang puwetan ko para tumayo.

Natatawa siyang tumabi at sumandal sa desk ng vanity mirror habang pinagmamasdan akong pumasok sa walk-in closet. I chose a black hoodie and a black tight pants. "Satisfied?"

He had a boyish grin while nodding at me. "Yes. Let's go, ihahatid na kita."

But once I got there, I rarely enjoyed it. May kanya-kanya kasing grupo ang mga naroon at na-out-of place ako kaya pagkatapos kong uminom ng lemon juice ay ipinasya kong magpaaalam. Nakasimangot ako paglabas ngunit napawi iyon nang makita ko siya. He's inside his car and patiently waiting. Bukas ang bintana ng kotse niya kaya malaya kong pinagmasdan ang side view niya habang nakapikit siya. And I'm completely taken aback by how attractive he appears even from the side. He had a sharp nose, chiseled jawlines, and a prominent chin. And, thanks to his luscious lips, he's a damn perfect man.

Kinabukasan, pagkatapos ng trabaho namin ay naisipang magyaya ni Aling Martia dahil birthday daw niya. Mag-isa lang siyang naninirahan sa kaniyang bahay kaya gusto niya ng kasamang magcecelebrate ng birthday niya.

"It's on me," sabi ni Anton na kararating lamang galing sa Beach area. Tuwa namang nagpasalamat ang isa.

We went to a restobar just around the corner and they ordered a lot of drinks. Pinagitnaan ako nina Aling Martia at Aling Sholing kaya walang choice si Anton kundi umupo sa kabisera. We are ten in the group at mabilis lang nilang naubos ang tatlong case ng Stella Artois na inorder nila. Nag-order ulit sila ng isa pa dahil hindi raw sila tinamaan.

"Good girl ka na?" Itinaas ni Aling Martia ang beer sa harap ko.

Umiling ako. "I'm not in the mood to drink."

"Nice...May touch of an angel talaga 'tong si Sir Anton, nagagawa niyang bumait ang isang tao," sabi nung isang kasamahan namin. Nakita ko ang pangisi at pag-iling ni Anton kasabay ng pagtungga ng hawak rin niyang inumin.

Ininom ko rin ang orange juice na nasa harap ko.

"Saan kayo sa undas?" tanong ni Aling Sholing.

"Magbibisita ng mga yumao." Ganoon ang sagot ng karamihan. Si Aling Martia naman ay luluwas raw sa Mactan dahil gusto niyang bisitahin ang kaniyang anak na nakatira sa manugang niya. Ang iba naman ay stay-at-home lang daw.

"Ikaw Senyorita?" tanong nung binata.

Itinuro ko ang sarili ko, "Ako?" Bihira lang kasi nila akong isali sa topic tuwing nag-uusap sila, ngayon ay kasama na ako.

"Iisa lang naman ang senyorita rito," tumawa siya. "Ikaw nga po."

Nag-isip ako ngunit wala akong maisip na lugar kung saan magandang mamasyal ngayong long holiday vacation. "Wala akong maisip, e. Baka stay at home na lang din."

Sabay-sabay silang nagtawanan. Alam kasi nilang lagi akong gumagala at hindi napipirmi sa isang lugar. Noong nag-aaral ako ay isang araw lang ako naglalagi sa bahay, kinabukasan ay babalik na naman ako sa Cebu City dahil mas gusto ko roon. Puno ng buhay at maraming pupuntahang shopping mall, restaurant at bars.

"Ikaw Sir Anton?"

"I'll go to my house," he said, his gaze fixed on me.

Then it's the long weekend, and he's preparing to go to his exclusive villa on the other island. Gusto kong sumama ngunit hindi ako naglakas ng loob na sabihin ang nais ko. Pinanood ko lamang siya habang nagpapack ng lunch niya dahil doon raw siya kakain.

Nang mapansin kong malapit na siyang matapos ay tumayo na ako at nagpaalam sa kanya na aakyat na ako sa kuwarto ko. Ngunit nabato ako sa sinabi niya.

"Aren't you coming with me? I'll show you the house of my future wife."

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon