WARNING: SPG|PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!
Chapter 7
"I'm sorry for being a jerk a while ago. Hindi ko napigilan ang selos at galit ko kaya nagawa ko iyon," he paused. Tinatantiya ang reaksiyon ko. "I won't make an excuse, I'm really sorry."
"Wala ka naman dapat ipaliwanag. Sobrang nasaktan lang ako sa mga binibintang mo sa akin. I'm not a flirt. It just happens that I enjoy being with guys. Wala naman akong ginagawang masama at wala ka din namang karapatan para supilin ako sa kung ano ang gusto kong gawin at kung sino ang gusto kong makasama."
Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya. Tumatango siya. "Yeah, I'm a jerk because of that. I apologise, Ey."
Pinunasan ko ang natuyo ko nang luha. "I-It's fine," sabi ko dahil ramdam ko namang sincere siya sa paghingi niya ng tawad.
Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto.
"I have to go now, you need to get rest." Laglag-balikat siyang bumaba ng kama at naglakad patungo sa pinto pagkatapos ay lumingon siya. "Im sorry again, Ey. Goodnight."
Hindi ko alam ngunit ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Maybe he is really jealous and I don't know how to handle it. This is my first time dealing with this kind of emotion.
Isasara na sana niya ang pinto nang magsalita ako, pinipilit ngumiti.
"Would you like to have a one-night stand with an heiress?"Lumaki ang mga mata niya at napanganga. Dali-dali siyang lumapit at pinitik ang aking noo. Kumunot ako at sinimangutan siya habang minamasahe ang parteng iyon.
Nagseryoso siya. "As much as I want to make love to you, I'd rather not because you're overwhelmed with emotions right now." Inilapit niya ang mukha niya sa noo ko at inihipan iyon ng ilang beses sabay minasahe ng marahan.
"Baka sinasabi mo lang 'yan coz you wouldn't like having sex with a girl like me." Hindi ako pinalaking maging insecure sa katawan ko ngunit hindi ko mapigilan. Baka mga kagaya ni June ang tipo niya, yung sexy at mga pangmodelo ang katawan. Sa isiping iyon ay parang may kakaibang patalim na sumaksak sa loob ko.
Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at taimtim akong tinitigan. "I would love to make love to you but you are not in your current state, Ey. Baka pagsisihan mo kinabukasan."
I am tongue-tied. May lalake din palang tumatanggi sa sex? Oh and what? Make love? He wants to make love with me?! For real? Biglang parang naging kulay kamatis ang aking mukha.
Napansin yata niya iyon kaya tumawa siya ng mahina at muli akong ikinulong sa bisig niya. "For the time being, I'll be content with making you sleep," sambit niya habang marahan akong tinatapik sa likod at parang inihehele ng mahina. He hummed his favorite kundiman song while swaying me softly. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang yakap niya ako.
The next day, he woke me up with some traces of kisses to my forehead down to the tip of my nose and lastly, to my lips. Umungol ako sa inis at itinago ang mukha ko sa ilalim ng unan. Tulog pa ang diwa ko sa mga oras na iyon.
Narinig ko ang pagtawa niya. "Rise up, baby. Marami tayong bisita bukas, you must assist me with the preparation."
Napangiti ako sa endearment niya ngunit nanatili akong nakapikit dahil gusto ko pang matulog.
But he took the pillow I was holding. "Baby, get up."
Inis kong ginulo ang buhok ko ngunit muli iyong inayos dahil ang hot ng taong nasa harap ko. He's freshly bathed at halatang bagong ahit din, medyo basa pa nga ang kaniyang buhok. He's in his usual get-up again. Nakayuko siya at nakadantay sa gilid ng kama ang dalawa niyang kamay habang nakatunghay sa akin. "Come on, sleepyhead. Usually kapag ganitong oras, nasa kusina ka na at kumukuha ng niluto kong agahan."
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...