Chapter 23
"Mommy, I'm sorry," Xydren's eyes begged.
Huminga ako ng malalim at muling humiga. "Ayos lang, anak. Maglaro ka na lang ulit at huwag ka nang tatawag sa kanya," nanghihina kong sabi. Nagtalukbong ako at tahimik na umiyak. Maybe Papa hasn't forgiven me yet. Pinatay niya kasi ang tawag kanina pagkatapos sabihin ni Xydren ang address namin. He must no longer be interested in me. He must have abandoned me as his own child. Tanggap ko na. Tanggap ko na noon pa. Kaya nga ako lumayo. Pero bakit ganito? Sobrang sakit pa rin ng dibdib ko. Napakasakit isipin na wala na talaga akong halaga sa kanya. Napakasakit sa kalooban na hindi na ako nag-eexist sa buhay niya.
Nang araw na iyon, ipinasya kong matulog na lang para makaipon ng lakas at para gumaling ako ng mabilis. After all, I am still fortunate to have four children. Sapat na iyon para sa akin.
Tahimik ang mga anak ko nang umuwi sila galing sa eskuwelahan. Inilipat ni Karla ang TV sa kuwarto at doon sila nanood. Nakita ko silang gumagawa ulit ng home work nang bandang hapon na.
Alas singko na nang may kumatok sa pinto ng aming apartment. "Tao po!" Baritono ang sigaw ng taong iyon.
"Sir Jeremiah!" dinig kong sabi ni Xydren. Agad siyang tumakbo at pinagbuksan ang teacher niya.
Nakangiting mukha ni Teacher Jeremiah ang bumungad sa amin. "Hi, everyone. I brought some chocolates!" Hindi natinag ang mga anak kong nasa kuwarto. Tanging si Xydren lang ang tumanggap niyon.
"Upo ka po, teacher." Iminuwestra ng anak ko ang single couch malapit sa akin. Hindi ko alam kung magtatalukbong ba ako o hindi dahil sa uri ng titig ng kaniyang guro. Matagal na siyang nanliligaw sa akin. Kinder 1 pa lang noon ang mga anak ko. He is slim but a very respectable man. Masasabi kong swerte ang magiging nobya niya dahil sa anim na taon kong paninirahan dito ay puro kabutihan ang ipinapakita niya. Itinutukso nga siya sa akin ng mga tao sa eskuwelahan ngunit deadma lang ako dahil wala naman akong nararamdaman.
He cleared his throat. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Aliza?"
Hinagod ko ang lalamunan ko at sumenyas na wala akong boses.
"Mommy!" suway ng anak ko. Alam kasi niyang may boses pa naman ako, malat nga lang. May hawak na siyang isang pitsel ng pineapple juice. Nakasunod naman sa kanya si Karla na may dalang isang tray ng baso. Tinawag niya ang mga anak ko ngunit hindi pa rin sila lumabas. Naglagay din siya ng sampung spanish bread.
"Nagdala pala ako ng lemon, puwede mo 'tong ihalo sa maligamgam na tubig at inumin para marehydrate ang katawan mo." Kinuha ng anak ko ang plastic mula sa kanya at inilagay iyon sa kusina.
"T-thank you, Sir," nahihirapang sabi ko.
Napangiti siya. "Walang anuman, Aliza. Well, mauuna na ako. I will let you rest." Tumayo na siya. "And Karla..."
Halos magningning ang mga mata ni Karla nang lingunin siya ni teacher. Napangiti ako ng lihim.
"Po?" tanong ni Karla, mahinhin ang boses niya.
"Kinausap ko na ang principal ng school. You can continue your studies in the ALS Program. Daanan mo ang mga requirements na kakailanganin mo o kaya puwede mo ring isearch iyon sa internet."
"Talaga po?" natutuwang tanong ni Karla. High school dropout siya at masaya akong kahit twenty four na siya ay nais pa rin niyang bumalik sa pag-aaral.
"Yes. Chat mo na lang ako kung may mga gusto ka pang itanong." Kumaway na siya nang nasa labas na siya ng pinto.
"Uy, crush niya?!" Nasa paanan ko na ang mga anak ko at tinutukso na ang dalaga. Namumula siyang nagtakip ng pisngi at lumakad papunta sa kusina. Hanggang doon ay sinundan siya ng tatlo. Si Xydren naman ay iniligpit ang meryenda na hindi ginalaw ng guro niya.
Ako naman ay naglukewarm bath at nagbihis ng mas manipis na damit. Pinagpapawisan na kasi ako at lumalabas na ang init ng katawan ko. Magandang nakainom ako ng maraming tubig at sapat na tulog. Baka kapag itinuloy-tuloy ko ito ay gagaling na ako ng mas maaga.
Then it's Tuesday and Luisa is on her bad mood again.
"Mommy!" she screamed from our room. Bihis na ang mga kapatid niya. Nakasuot na si Keira Celine ng navy blue na blazer, white long sleeve and ribbon tie at skirt, hanggang sa baba ng tuhod ang kaniyang mahabang medyas. Ang magkamukhang anak ko naman na mga lalake ay ganoon din with neck tie and navy blue pants and black shoes. Sobrang kinang ng mga sapatos nila dahil pinagtitiyagaan lagi ni Karla iyon na ishoe polish.
"Mi, I wish magaling ka na po pagbalik namin," Keith said. Hindi na sila lumapit dahil hindi rin naman ako papayag na makalapit sila. Kapag papagaling na raw ang isang taong maysakit, doon may chance na mas malakas siyang makahawa.
Nakaalis na sila ngunit umiiyak pa rin sa loob ang bratinella kong anak. Nagmana talaga sa akin. Now I know what it's like to look after a girl who acts exactly like me when I was young. Sobrang sakit sa ulo.
"Di ba sabi ko sa 'yo, don't whine what you want? Tell me what is it," mahina kong sabi. Pinilit kong pumasok sa kuwarto pero nanatiling malayo sa kanya.
"Mommy, I didn't eat much this morning. Inubos ni Xydren at Keira ang chorizo. Bihira na nga lang bumili ng ganoon si ate Karla tapos hindi pa ako tinirhan. Mommy, isa iyon sa favorite ko e! Isa lang nakain ko po," umiiyak siya habang nakadapa sa unan niya.
Natatawa ako ng lihim habang naaawa sa kanya. Pagkain lang pala ang problema niya kaya hindi siya pumasok. Mabuti na rin na hindi siya lumabas dahil bad trip all day ang anak kong ito kapag tungkol sa pagkain ang pinag-uusapan.
"Get up, I will cook for you."
Nagliwanag agad ang mukha niya nang bumangon siya. Agad siyang bumaba. Kahit nanghihina ay naglakad ako para ipagluto siya.
At tuwang-tuwa siya nang ilapag ko ang naluto nang chorizo sa harap niya. "Mommy, thank you very much. You're the best mom in the world!" sigaw niya.
"Thank you," sabi ko sabay kuha ng tubig para sa kanya. "Don't eat to fast baka mabulunan ka, I'll just take a bath." Nag-okay sign siya. Kumuha ako ng damit at isinampay ko sa balikat ko ang puting tuwalya.
Kasalukuyan na akong nagbabanlaw nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng aming apartment.
"Don't open it, Luisa!" sigaw ko. "Wait for me!"
"Okay po!" sagot niya. "Sandali lang daw po, sabi ni mommy!"
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...