Chapter 14 : For Real!!

194K 6.9K 493
                                    


Chapter 14 : For Real!!!

———Lance POV———

Andito kami ngayon sa private room (PR) kasama ang iba pang S6 well, except for Jake.

Hindi ko nga alam kung nasaan yun, simula nung bumalik siya galing Japan, bigla na naman nawala na parang bula.

"Nakita niyo ba si Jake? hindi pa siya nakakapunta dito since nung umuwi siya galing Japan." tanong ko sa kanila.

"Ewan ko kung saan yung hapon na yun." sabi ni Brett habang naglalaro ng billiard kasama yung kambal.

"Kayo?" tanong ko sa kambal.

Nagkatinginan muna sila bago nagkibitbalikat.

"Ewan" -Allen

"Don't know" -Alex

-____-

Mga walang kwentang kaibigan.

Tinignan ko si Andrew na kasalukuyang nagbabasa sa may sofa.

Magsasalita sana ako ng,

" Hindi ko rin alam kung nasaan siya ngayon, pero nakita ko siya kahapon, may tinulungan siyang babae at dinala ito sa clinic." sabi nito sabay lipat ng pahina.

"Tinulungan? Isang babae?" ako.

"For real.!!!" gulat na sabi nung kambal sabay tingin nila sa isat isa na gulat pa rin.

"Come to think of it, may naririnig akong usap usapan kahapon sa campus na nakita nila si Jake na may hinatid sa Clinic, knowing Jake kaya hindi ako naniniwala and since sinabi ni Drew yun, edi siya nga." sabi ni Bre

"Pero sino yung babae?" - Alex

"Baka girlfriend niya?" - Allen

"Wala naman yun girlfriend." - Alex

Habang nag iisip kami kung sino yung babae na yun.

*BLAAAAAG*

Biglang bumukas ang pintuan sa PR.

At nakita namin si Brenda at Stephanie na galit na galit ng pumasok.

Ano na naman ang mga problema nito.

Lumapit ito sa amin, i mean sa akin.

Bigla akong kinabahan ng tinignan niya ako sa mata.

"Ano ba ang problema mo, Brenda? At, bakit bigla bigla kang pumunta dito ?" tanong ko dito.

*SLAAAAAAAP*

o________O ?? - The Twin

O________O - Brett and me

=_________= - Andrew and Step



"Ikaw!! Ikaw at yang pangit na ugali mo ang problema ko. Dahil sa mga kasinungalingan na pinagkakalat mo dito sa Campus, kaya kami iniiwasan ng kaibigan namin, ng dahil din sayo kaya inaapi ngayon si Lyka. Kuya, sana naman huwag kang manghusga sa panlabas na anyo lamang. " sabi nito habang tinuturo ako, pero nagulat ako kasi umiiyak siya. Minsan ko lang siya nakikitang umiyak.

Nung sinabi niyang iyon, naalala ko yung babaeng sinampal din ako nung party ni Jake.

Baka siya yung tinutukoy nito.

Tinignan ko siya.

"Hindi ba dapat magpasalamat ka, dahil nilayo na naman kita sa mga plastik na mong kaibigan, sa mga taong ginagamit ka para mapalapit sa amin, para sumikat. Brenda, pinoprotektahan lang naman kita mula sa ganoong mga tao, kaya dapat magpasalamat ka" inis kong sabi sa kanya.

"I don't need to say thank you to you. At ilang beses ko bang sinasabi sayo, hindi ganoong klaseng tao si Lyka, at bago niya oa kami naging kaibigan,  ni isa sa inyo hindi niya kilala o nakita man lang, tapos ngayon sasabihin mo na ginagamit niya kami para mapalapit sa inyo. Kuya, Lyka is such a nice girl. So, say sorry to her kuya."

"What!!?? Are you out of your mind??! Wala pa akong pinagsasabihan ng ganyang salita sa isang tao, tapos sasabihin ko yan sa Nerd na yun.? NO WAY!!" protesta ko.

Mahal ang "Sorry ko"

at dahil sa Nerd na yun sinasagot sagot na ako ni Brenda.

That woman.

"Say sorry kuya, bawiin mo yung mga sinabi mo sa kanya at sa buong campus, para hindi na siya aapihin or else, I won't talk to you unless you say sorry.  I'm so dissapointed to you Kuya, nung mga bata pa tayo ikaw pa nagturo sa akin not to judge others, pero ikaw din pala ang gagawa. " tinalikuran niya ako at umalis na siya.

Tinignan lang ako ng masama ni Stephanie at umalis na rin.

"Ano na naman ba ang ginawa mo at ang laki ng galit nung dalawa na yun sayo?" tanong naman ni Brett.

"Oo nga, sino tong si Lyka na sinasabi nila?" -Alex 

"Siya ba yung Nerd na sinasabi mo?" -Allen

Nagkatinginan ang dalawa, at sabay tingin sa akin.

"Gusto namin siya makilala!!" sabay nilang sabi.

Tinignan ko silang tatlo ng masama.

"Pwede ba tumahimik muna kayo at maging si Andrew kahit ngayong araw lang" inis na sabi ko.


"Dapat rin ba ako maging isa sa kambal o si Brett kahit ngayong araw lang." biglang sabi naman ni Andrew.

Aba't...

"Aish" inis kong sabi, sabay gulo ng buhok ko.

At, pinagtawanan lang ako ng tatlo. Makaalis na nga lang.

Ano bang gagawin ko? Ang hanapin yung pangit na Nerd na yun at humingi ng S-s-s-so- aish!!

*******************************************************************************

-MIEMIE_03

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon