Chapter 35 - Meet Lance Mother

197K 6.1K 1.3K
                                    


Chapter 35 - Meet Lance Mother

- Lyka POV-

One week na ang nakalipas, tapos na ang game nila Lance, nakauwi na ang ibang member ng soccer team pero hindi ko pa siya nakikita.

One week na rin nakalipas at naging close na kami ni Jake, minsan naman ang kambal.

Wala rin sila Andrew at Brett kasi may game rin sila.

Andito kami ngayon ni Jake sa private room kasama si Steph.

Wala ang kambal, kaya ang tahimik wala pa rin si Brenda hindi pa siya pumapasok kaya nakakapanibago kasi sobrang tahimik ng private room ngayon.

-Ring~~ Ring~~~

~Lance Calling~

"Excuse me, sasagutin ko lang ito." sabi ko sa dalawa at lumayo sa kanila bago sagutin

"Hello" sabi ko ng sagutin ko ito

"Be ready tomorrow, ipapakilala na kita kay mom." unang bungad nito sa akin.

"H-Haaa!?? T-Teka nga Lance, isang linggo kang hindi nagpakita, tapos yan lang ang sasabihin mo sa akin.? At saan ka ba ngayon?" gulat na tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya,

Teka, may sinabi ba akong nakakatawa?

"Heto naman si gf, alam kong miss na miss mo na ako. Andito ako ngayon sa rest house namin sa tagaytay, kasama ko ang mommy at si Brenda at pauwi na kami ngayon." sabi nito na natatawa pa rin

Nagpout na lang ako.

"Si Lance ba yan?" biglang tanong ni Jake, sa kusina, sa kusina kasi ako pumunta,  pumunta naman ito sa may ref para kumuha ng tubig, tumango ako sa kanya at nag pout tumawa lang ito sa akin at ginulo ang buhok ko.

Ganyan na kami kaclose ni Jake. Ang bait niya kasi kaya nagkasundo kaagad kami. Madami din pala siyang alam na kalokohan hindi lang halata.

"Sino iyon?" seryosong sabi ni Lance

"Si Jake.~~Jake!!!!" biglang sigaw ko, paano ba naman biglang nilagyan ng icing ang mukha ko, kumakain na pala ito ng  ube cake.

Tumawa lang ito, nag pout lang ako.

"Kayo lang ba dalawa diyan?" mas naging cold ang boses nito

"Hindi, kasama rin namin si Ste~~Teka, nasaan si Steph??" sabi ko kay Jake, na busy sa pagkain niya ng cake.

"Ay oo nga pala, mauuna na raw siya, may praktis daw sila ngayon, malapit na rin ang contest nila." sabi ni Jake.

~toot~~toot~~toot~~

Napatingin ako sa cellphone ko na bigla na lang niyang binaba ang tawag niya.

"Bakit?" takang tanong ni Jake.

"Wala, bigla na lang kasing binaba ni Lance yung call." sabi ko at umupo sa tabi niya

Tinignan niya ako tapos biglang tumawa.

May nasabi na naman ako ng nakakatawa??

Anong nangyayari sa mga tao ngayon??



Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon