Chapter 46 - Smith Mansion

195K 6.8K 1.1K
                                    


Chapter 46 - Smith Mansion

-Lyka POV-

Medyo kinakabahan na ako, sabado ngayon at ngayon din ako bibisita sa bahay ni Andrew.

Kasalukuyan kong hinihintay si Jake dahil siya ang maghahatid sa akin.

~beep~ beep~

"Hija, mukhang andyan  na ang sundo mo." sabi sa akin ni Aling Karen

"Pasensya na po Aling Karen kung hindi ko na naman kayo natulungan ngayong araw." malungkot na sabi ko kay Aling Karen

"Ano ka ba naman, Lyka. Mabuti nga yun at para naman makapagenjoy ka. Masaya ako kasi may mga kaibigan ka na, dati sa bahay ka lang at kung lalabas ka man hanggang sa parke lang ang pinapasyal." nakangiting sabi ni Aling Karen.

Napayakap ako sa kanya, ang bait niya sa akin tinuring niya na ako na parang anak niya, at para ko na rin siyang pangalwang ina ko.

"Sige na, naghihintay na sayo ang sundo mo." sabi ni Aling Karen.

"Opo, mauna na po ako. " sabi ko at nagmano sa kanya at hinalikan din siya sa pisngi.

"Mag ingat ka." paalala niya

"Opo."

pumunta na rin ako sa sasakyan ni Jake na ngayon ay nakasandal siya dito

"Hey, are you ready?" nakangiting tanong nito sa akin habang binuksan ang passenger seat.

"Hindi??" hindi siguradong tanong ko. Napatawa naman ito sa sinabi ko at sinera ng makapasok ako sa sasakyan at mabilis na pumasok sa driver seat.

"Why? nervous?" tanong nito. at umalis na kami para pumunta na sa bahay ni Andrew.

"Medyo, first time ko kasi pumunta sa isa sa mga bahay ng S6. Pagmalaman ito ng mga fan girls niyo panigurado wala na ako sa academy." sabi ko.

Tumawa na naman ito

"Don't worry, walang mangyayaring masama sayo. We'll protect you, at hindi yun hahayaan ni Andrew."sabi nito pero hindi ko marinig ang huling sinabi niya.

"Salamat. ahmm, malayo pa ba ang bahay ni Andrew.?" tanong ko habang nakatingin sa labas

"Hindi naman, iikot tayo sa kanto na iyon then turn right, papasok na tayo sa village kung saan nakatira si Andrew." sabi niya

"Ahhhh." sabi ko, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Ilang minuto na rin ang nakalipas at nakapasok na kami sa village kung saan nakatira si Andrew, nakatingin lang ako sa bahay na nadadaanan namin.

Hindi pala dapat bahay ang tamang tawag sa mga tahanan dito, dapat pala mansion. Ang laki kasi ng mga bahay. Hanggang sa huminto kami sa pinakamalaking bahay sa buong village. Kaya napatingin ako kay Jake.

"Diyan nakatira si Andrew?!" gulat na tanong ko kay Jake habang nakaturo sa malaking bahay na nasa harap namin.

~beep~beep~

"Good Morning Sir Jake." sabi nung security guard, pagkatapos niyang buksan ang gate.

"Good Morning." nakangiting bati ni Jake ng pinasok niya ang sasakyan.

"Oo, nasa Smith Mansion tayo." sabi nito at hininto na ang sasakyan sa harap ng main door.

Bumaba na si Jake at pinagbukas ako ng pinto, at tinulungan makatayo.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon