Chapter 23 - Sports Fest (Day 3 & 4)

216K 6.7K 596
                                    


Chapter 23 - Sports Fest (Day 3 & 4)


- Lyka POV-


Day 3 na ng palaro at kakatapos lang ng laro namin this day and again panalo na naman kami at waiting for the gold na kami and ang next game namin is this coming friday which is last day ng sports fest namin.


Kaya andito kami ngayon sa soccer field, dinala ako dito ni Steph at ni Brenda manonood daw kami ng laro ni Lance, dahil quarterfinals na nila. Gusto ko sanang pumunta sa gym para icheer sila Jason pero ayaw akong bitawan ni Steph. 


"Pero Steph, nangako na ako kay Jason na susuportahan ko siya."sabi ko sa kanya.


Tinignan niya ako ng nakasimangot.


"Ichicheer mo ang unggoy na yun? huwag na! dito na lang tayo at tsaka isa pa hindi mo pa napapanood maglaro sila Lance at Jake hindi ba? and mamaya pa ang game nila kaya relax okay?"tinignan ko si Brenda, tinignan niya lang ako at umiling.


Nagbuntong hininga na lang ako.


"Okay"


"Yehey!! Ayun magsisimula na sila."


Nakasimangot akong nakatingin sa field.

Nahuli kong tumingin sa gawi namin si Lance at nagsmirk siya, at alam ko sa akin yun.


Ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin nakakagoal sa kanila at ang bola napunta kay Jake at tumatakbo ito papuntang field ng kalaban, ewan ko ba pero naeexcite ako.


Panay iwas at depensa si Jake sa kalaban habang may bola sa paa niya para hindi na rin ito maagaw ng iba, ewan ko ba basta ang galing niya super. Ng malapit na siya sa goal biglan niyang pinasa kay Lance ang bola at sinipa naman ito ni Lance papuntang goal at pumasok ito!!!!


"GOAL!!! 1 point sa RDA!!!" sigaw ng emcee.


Nag appear sila Jake and Lance at ginulo naman ang buhok niya ng mga kasama niya.


"Yehey!!!! ang galing talaga nila." -Steph.


"Yeah." ngumiti ako ang galing din kasi nila, akala ko si Jake ang mag gogoal yun pala si Lance, pero ang cool lang kasi tignan ng pasa at sipa nilang dalawa.


Nagulat ako ng napatingin na naman sa gawi namin si Lance, at ngumiti tapos tumakbo na sila sa kabilang field.


"Nakita niyo yun ngumiti si Lance sa akin." kinilig na sabi ng katabi namin.


"Anong sayo, sa akin yun noh!"


"Huwag nga kayong filingera sa akin yon. GO LANCE!!!!! BABY!!!!!" sabi naman nung isa.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon