Chapter 60 - Good Bye Philippines

277K 7.4K 2.7K
                                    


Chapter 60 - Good Bye Philippines

-Brett POV-

Andito ako ngayon sa condo ko, kasama ko ang kambal nakikikain na naman.

=__=

May bahay naman sila, dito pa sa akin nakikigulo.

Habang umiinom ako ng tubig sa kusina, narinig ko na parang nag aaway yung dalawa kaya minabuti kong pumunta baka magkalat na naman iyan sila.

"Ang Bobo mo Dora, nagtatanong pa ehh, obvious naman ang sagot" sigaw ni Allen sa Flat Screen T.V ko habang may hawak na pizza sa kamay

"Oo nga, tapos magturo ka pa magbilang!! Ang pangit mo pa!!" sigaw naman ni Alex habang may hawak rin curls sa kamay.

=_________=

Nanonood sila ng Dora ano sila Bata?!! Tsk tsk

Kinuha ko ang remote at pinalitan ang channel.

"Waaah, nagalit si Dora!!" Allen

"Ikaw kasi Bro, sinabihan mo ng Bobo." Alex

"Tumahimik nga kayo, ang ingay niyo." inis na sabi ko, kaya tumingin sila sa akin dalawa.

"Oh bakit?" takang tanong ko.

"Bakit mo pinalitan?!" Alex

"Oo nga nanonood kami ehh."Allen

"Kung gusto niyo manood, umuwi kayo. " Inis naman na sabi ko, kaya tumahimik sila at nagbubulungan.

Tsk.

Bakit ko ba ito naging kaibigan.

"Breaking News. Si Kaito Hanazono ang Head ng Hanazono Empire ay namatay na kaninang umaga. Sa ngayon ay pinaiimbestigahan pa kung sino ang may gawa nito. Ayon sa mga nagbabantay ay isang nagpapanggap na nurse ang pumatay sa pinakamayaman na tao sa buong mundo. At ang possibleng motibo nito ay gustong makuha ang kayamanan ng nasabing Billionaryo. Pero ang tanong ng marami sino ang magmamana sa kayamanan ng Hanazono Empire. Hanggang dito lang muna nag uulat. Lala Hasan."

tulala kaming tatlo na nakatingtin sa balita.

"Hala! namatay na si Lord Kaito?!" hindi makapaniwalang sabi ni Allen.

"Kakasabi lang Allen, huwag tanga." seryosong sabi ni Alex. Kaya binatukan siya ni Allen at nagbabangayan na naman ang dalawa pero hindi ko sila pinansin.

Ang inaalala ko ngayon ay si


Lyka at Andrew.

Sh*t!!

Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang cellphone, wallet at susi ko ng sasakyan ko at dali dali ring umalis sa kwarto, pupuntahan ko sila.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ng kambal pero hindi ko sila pinansin at iniwan sila sa Condo ko.


-Lance POV-

Nasa office ako ngayon sa kumpanya namin.

Pero hindi ako makapokus sa ginagawa ko dahil nag aalala ako kay Lyka, halos isang buwan na itong Coma. At hindi ko pa rin alam kung sino ang may gawa nito sa kanya, pinahanap ko ang driver ng sasakyan pero hindi na ito nahanap pa.

Gusto ko siyang bisitahin pero andun si Jake o hindi kaya si Andrew na nagbabantay sa kanya. Dalawang beses pa lang ako nakabisita nung walang nagbabantay.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon