Chapter 22 - Sports Fest (Day 2)

203K 6.7K 416
                                    


Chapter 22 - Sports Fest (Day 2)


- Someone's POV -



"I already told Grandpa about her being here, and any moment now ipapadala na niya ang mga tauhan niya para bantayan siya ng palihim." sabi ng kasama ko sa akin ngayon, na nakatingin sa mga estudyante na nasa field kung saan madaming booth na pwede mong puntahan at enjoyin.


"Its good. Na nahanap na natin siya, hindi na siya magiging mag-isa muli." malungkot na sabi ko.

"Mahirap magpanggap na hindi ko siya kilala, kahit nakakausap ko siya, at nakakasama. Ayaw ko siyang biglain."- sabi ng kasama ko.


"Soon, if its already time then we're going to tell her everything. " sabi ko naman at tumingin sa kasama ko at ngumiti.


"Nagkita na ba kayo?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng malawak.


"Yep, accidenteng nabangga niya ako, sa sobrang pagmamadali niya umalis na ito kaagad. Isang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya yun." sabi ko sa kanya, ngumiti siya sa akin at tinap ako sa balikat.


"Don't worry soon. Makakasama rin natin siya." sabi niya bago umalis at iniwan ako.


Sana nga dumating na ang soon na sinasabi mo.


Drew


- Lyka POV - 


Kakarating ko lang sa club room namin.


Ang mga kateammates  ko naman ay nahahanda ng umalis habang nakatingin sa akin si ate Isabel na naka cross arm at nakataas pa ang isang kilay.


Kaya nagpeace sign na lang ako.


Tinignan ko ang mga kasama ko.


"Sorry kung medyo natagalan ako, mauna na kayo sa venue (tinignan ko ang orasan bago ulit sa kanila) 8am pa din naman ang 3rd game natin at 7:30am pa man din mabuti na kung andun na kayo hahabol lang kami." nakangiting sabi ko sa kanila.


"Okay, Captain!!!" at umalis na sila naiwan na lang kami ni Ate Isabel.


Pumunta ako sa locker ko, at kinuha ang damit ko at pumasok sa isa sa mga cubicle kung saan kami nagbibihis.


"Ba't natagalan ka ata?" rinig kong sabi ni Ate ISabel.



"May nabangga kasi ako kanina papunta dito at nahulog yung mga gamit na dala niya, kaya tinulungan ko muna siya." sabi ko habang nagbibihis.


Pero ang weird nung lalaki kasi iba yung mga tingin niya, hindi naman tingin na nandidiri o ano man. Pero parang may nakita akong saya sa mga mata niya.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon