Chapter 25 - Meet Tyron James Araneta

207K 6.4K 357
                                    


- Tyron POV -

Pangalawang araw na ng Sports Fest at dito sa Red Dragon Academy ginanap ang activity na ito. Hindi ako pumunta kahapon kasi wala naman kaming game that day.

Nga pala, I'm Tyron James Araneta, 18 years old nag aaral sa Wilson Academy. 1st year college taking up BS Business Management.

Papasok na ako ng RDA, at may dalang mga gamit para sa mga kateammate ko, nakalimutan kasi nilang dalhin since napakabait kong, Captain ako na ang nagdala,

Ng biglang may bumangga sa akin na babae, at mukhang nagmamadali kaya nahulog ang mga dala kong gamit.

"Hala! I'm sorry hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi ako." sabi nito habang tinutulungan akong pulutin ang mga gamit na nasa sahig ngayon.

"Hindi okay lang."sabi ko, baka may game siya ngayon kaya nagmamadali, at naintindihan ko naman siya kahit papaano.

Ng napulot na namin ang mga gamit ko inabot niya sa akin ang mga iba ko pang gamit.

"Heto oh. Sorry talaga, hindi ko talaga sinasadya." sabi niya habang binibigay ang mga gamit ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Ahmm. Heto ohh" sabi niya, kaya kinuha ko yung mga gamit ko mula sa kanya.

"Yes, thank you. Baka may laro ka, kaya ka nagmamadali." sabi ko ng makuha ko na ang mga gamit ko.

"Oo nga ehh. Shoot!! yung game!! Sorry talaga, sige mauuna na ako." sabi nito at tumalikod na sa akin at tumakbo.

"Ahmm. GOODLUCK!!!" sigaw ko, na sana marinig niya.

"THANKS!!" sigaw niya.

Kailan ko kaya siya makikita ulit?

"Hoy! Captain anong tinitignan mo dyan.?" biglang sabi ng isa sa mga kateam mate ko at isa rin sa mga kaibigan ko.

"Wala. Bakit pala kayo andito? nagwarm up na ba kayo?" tanong ko sa kanya habang tinulungan niya ako sa mga dala ko. Si Adrian.

"Ang tagal mo kasi Captain, kaya sinundo ka na namin." sabi naman ng isa ko pang kasama na si Cris.

"Ba't ka nga pala nakatayo dyan? Sino yung babaeng kausap mo kanina?" tanong ni Adrian.

"Wala, nabangga lang niya ako at tinulungan sa mga gamit na nahulog." sabi ko habang papunta kami sa soccer field. May laban kasi kami ngayon.

"Ahh, yung magandang babae kanina." sabi naman nung isa naming kasama na Chick boy. basta babae na ang pag uusapan nagiging active.

"Yup, mukhang may laban kaya nagmamadali." sabi ko.

"Siguro nga, hahahah anong sports kaya ang sinalihan niya? gusto ko tuloy makita yung babaeng nagpapatigil kay Tyron." sabi naman ni Cris sabay akbay sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Cris. Kaya napatingin ako dito.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

Tinignan naman niya ako at ngumisi.

"Halata ehh. Okay lang yan Captain. Susuportahan ka namin." sabi naman ni Cris sabay akbay sa akin.

"Kung gusto mo ng advice lumapit ka lang sa akin." sabi naman ni Adrian sabay kindat.

Napailing na lang ako sa mga kaibigan ko.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon