Chapter 20 - Frustrated Lance

201K 6.8K 916
                                    


Chapter 20 - Frustrated Lance


- Lyka POV -


Kakatapos ko lang mag cr at babalik na sana ng club room para iresume ang practice namin.


ng may humawak sa braso ko kaya napatigil ako.

At, napatingin ako kung sino ito.


" Oh, napunta ka dito ang layo ng gym sa club room namin."  takang tanong ko kay Jason.


Yep, si Jason ang pumigil sa kin


Binitiwan niya ang braso ko sabay kamot sa batok niya.


"Ano kasi Jane,  binigay na ba sa inyo ang schedule ng laro niyo para sa Sports Fest??" tanong niya.


"Wala pa. Pero pag meron na, sasabihin ko sayo agad."


"Talaga?!" masayang sabi niya. Napatango naman ako.


Actually nag uusap na kami Jason at medyo naging kaibigan kahit tinatawag niya akong nerd, nung 2nd year pa kami. At starting that day, lagi namin sinusuportahan ang bawat isa sa bawat laban namin sa Sports Fest. Kaya hindi na ako nabibigla kung tatanungin niya ang sched ko sa laban namin.


"Nga pala, Si Ate??"


"Nasa club room siya, nag eensayo habang wala pa ako. " sabi ko. by the way, nakakatandang kapatid niya si Ate Isabel at dahil na rin sa kanya kaya kami nagkakilala ni Jason.


Tumango naman ito.


"Nga pala, first game namin sa monday 8am at makakalaban namin ay ang Wilson Academy. Hope wala kayong laban sa oras na yan. Sige mauna na ako, medyo bad trip pa naman ang captain ngayon. "sabi niya at kumaway muna ito sa akin bago umalis. Kumaway na rin ako.


Napagdesisyon ko na bumalik na rin medyo natagalan na ako at siguro nagsisimula na sila sa pag eensayo , lampas 15 minutes na yung break namin.


Ng paliko na sana ako may humawak na naman sa braso ko kaya napatigil ako.


Tinignan ko na naman kung sino at laking gulat ko ng malaman kung sino ito.


Binitiwan na niya ang braso ko, kaya humarap ako sa kanya.


"I-Ikaw pala Andrew, a-anong ginagawa mo d-dito??" kainis, bakit ako nauutal sa kanya. At medyo kinakabahan ako nang makita ko siya, ewan ko kung bakit.


"Bakit hindi ka na bumisita ulit sa Private Room, simula nung sumama ka kay Lance?" tanong nito sa akin. Pero umiwas ako ng tingin sa kanya.


"Hindi ako sumama, kinaladkad niya ako. Kainis yung pangit na yun." inis na sabi ko, napatingin ako sa kanya kasi bigla itong tumawa ng mahina pero manly ang pagtawa niya.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon