Chapter 28 - Smiling like an idiot

205K 6.5K 920
                                    

Chapter 28 - Smiling like an idiot

- Third Person POV-

Its Sunday afternoon ng pumunta ang buong grupo ng S6 sa mansyon ng Montellier para bisitahin si Lance at anyayahan sanang mag laro ng basketball pero hindi nila ito naabutan.

"Saan na ba yung magaling mong kapatid? ba't hanggang ngayon wala pa rin siya." inis na sabi ni Brett kay Brenda na ngayon ay nagbabasa ng libro.

"Ewan. Kasama niyo ako maghapon kaya wala akong alam." walang ganang sabi naman nito.

"Bored na ako."  Allen

"Tara na, huwag na natin hintayin si Lance. " sabi naman ni Alex.

"Maglalaro tayo ng 3 on 3,  sige nga saan kayo hahanap ng kapalit niya?" inis na tanong ni Brett sa kambal. At  nagpout  na lang ang dalawang kambal sa kanya.

Lumapit naman sila kay Jake na ngayon nagbabasa ng magazine.

"Jake, laro tayo ng xbox sa gameroom ni Lance." sabay na sabi ng kambal sa kanya tinignan sila ni Jake.

"Kung gusto niyong palayasin kayo ni Lance, pag naabutan niya kayo sa gameroom niya,  alam niyo naman yun kung magalit pag galawin natin ang mga gamit niya ng walang paalam." sabi nito at natatawang napailing sa kambal na nasa harapan niya ngayon.

"Ang KJ" padabog na sabi ng kambal sabay lakad papuntang kusina.

6:00pm

Nainip na si Brett sa kakahintay, habang si Brenda naman ay iniwan na ang grupo at pumunta na sa kwarto niya, si Andrew ay nakahiga pa rin sa couch habang nagbabasa ng libro, si Jake naman ay nagbabasa pa rin ng mga magazine at ang dalawang kambal ay kumakain ng snack na dapat sana ay para sa lahat.

Tumayo si Brett.

"Oh, saan ka pupunta?" sabi ni Alex

"Uuwi, ilang oras na ako naghihintay dito wala pa rin yung hinihintay natin." sabi nito

"Huwag muna, dito muna tayo ang daming pagkain dito sa bahay ni Lance." sabi nman ni Allen sabay subo ng chocolate cake.

"Bakit hindi mo tawagan, kesa naman nakabusangot yang mukha mo." walang ganang sabi ni Andrew kaya naman napatawa si Jake.

"Oo nga nuh." sabay na sabi ni Brett at ng kambal.

Ng biglang may pumasok.

"oh, andyan na pala ang hinihintay natin." natatawang sabi ni Jake habang binalik ang magazine sa lalagyan nito.

Nagulat si Lance ng makita ang mga kaibigan sa sala. Lumapit ito sa kanila.

"Bakit kayo andito?" takang tanong ni Lance sa kanila. Umayos na upo si Andrew.

"Hinintay ka." sabi ni Andrew.

"Ha? Bakit?" takang tanong nito.

"Maglalaro sana tayo ng basketball,di ba sinabi na namin na maglalaro tayo ngayong araw at pumayag ka. Tapos ngayon wala ka sa bahay? " sermon ni Brett kay Lance, pero binalewala lang siya ni Lance kaya naman sa inis nito hinablot niya ang cookies sa kamay ni Alex na dapat sana isusubo na niya sa nakabukas niyang bunganga.

"Cookies ko yun,ba't mo kinuha" sabi ni Alex. Tumatawa naman si Allen. Kakain na sana siya ng cookies ng bigla naman kinuha ni Alex at kinain niya bigla.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon