Chapter 8.2 - The Party (Part 2):The Unexpected Meeting

207K 8.3K 298
                                    

Chapter 8.2 - The Party (Part 2): The Unextpected Meeting

-Lyka POV-

Friday ngayon at walang pasok, kasi hinahanda nila yung party sa school, para bukas.

Sa school kasi gaganapin yung event.

At yung biniling sapatos ni Steph para sakin, medyo nasasanay na ako, lagi ko kasing pinapraktisan , ayoko matumba sa party na yun ng dahil lang sa sapatos.

Nandito pala ako sa Pet Shop, binibisita si Miro, miss ko na kasi siya.

"Na miss ka ng alaga mo Lyka, minsan ka lang kasi nakabisita dito.", sabi sa akin ni Mang Ken, ang nag aalaga sa aso ko na si Miro at ang may ari ng pet shop.

"Opo nga po, ehh. Medyo busy lang po ako sa school, at tsaka sobraaaang miss ko na rin sa Miro ko", sabi ko, habang nilalaro si Miro.

"Nga pala, Mang Ken, salamat po talaga ng marami, sa pag aalaga niyo kay Miro." pasalamat ko sa kanya.

"Walang anuman, malakas ka sakin eh. Parang wala tayong pinagdaanan, at tsaka sa tuwing nakikita kita, naaalala ko sayo ang mama mo, magkamukha talaga kayong dalawa.",  sabi sakin ni Manong Ben.

Ngumiti na lang ako bilang sagot.

Na miss ko tuloy si Mama, sa tuwing pumupunta kami dito sa Pet Shop ni Mang Ken, para bumili ng Dog Food ni Miro.

Tinignan ko ang orasan sa pet shop ni Manong Ben.

"Manong Ben, mauna na po ako. Maraming Salamat po ulit, andito nga po pala ang bayad ko sa pag alaga kay Miro", sabay abot ng pera sa kanya.

"Naku, Lyka Hija. Gamitin mo na lang yan sa pag aaral mo, kailangan mo yan ako na bahala kay Miro, hindi ko siya pababayaan.', sabi sakin ni Manong Ben.

"Salamat po talaga ng marami", ngumiti ako. "Sige po mauuna na po ako, baka hinahanap na ako ni Aling Karen", paalam ko.

"Sige, Hija. Mag ingat ka", -Manong Ken.

"Babay Miro,", paalam ko.

Tumahol naman ito.

At tuluyan na akong umalis sa Pet Shop.

Hmmmmmmmmmm.


Makadaan nga sa book store ni Ate Mary.

-Book Store-

Pumasok na ako.

"Magandang Hapon, Ate Mary. Gumanda ka ahh", bati ko kay Ate Mary ang may-ari ng book store.

"Nambola ka pang bata ka, kumusta ka na pala? matagal ka ng hindi napapadaan dito uhh."; sabi sakin ni Ate Mary nung nakita niya ako.

"Okay lang po ako., medyo busy lang sa school", sabi ko."May bagong dating po ba kayong mga libro?", tanong ko.

"Oo, madami. Pumili ka lang. Bibigyan kita ng discount", masayang sabi nito.

"Salamat Ate", -Ako

"Anytime, malakas ka sakin ehhh', sabi niya. Saka naman ako umalis dun sa counter. At naghanap na ng mga libro.

Dumiretso ako sa mystery section.

Hmmmmm...

Ano kayang maganda dito.

Aha!!! 

>_____________<

Isa sa mga favorite kong book.

Book ni Carolyn Keene.

Yung Mystery Book, na si Nancy Drew ang bida sa story.

Sakto pala na dumaan ako, kasi nag iisa na lang siya.

Kukunin ko sana ng may naunang kumuha dito

kaya't hinawakan ko kaagad.

Magkabilaan kami ng hawak sa book.

"Excuse me, ako ang nauna sa book na ito, kaya po akin to." matigas kong sabi.

"Pero, miss ako ang unang kumuha." sabi naman nito, na hindi binitiwan ang libro.

"Pero, Mister whoever you are, akin ang book na ito, ako ang unang nakakita naki epal ka lang, kaya bitaw na ",  sabi ko sabay hila ng libro sa kanya, pero hindi niya pa rin binitiwan.

"Miss, look. Nagmamadali ako, hinahanap na ako ng Ate ko, kaya't bitawan mo na yung book para makaalis na ako, at hindi ito sayo kasi hindi mo pa nabayaran", sabi nito sabay hila naman sakin ang libro, syempre hindi ko binitawan, favorite ko kaya ito.

At, tsaka ako naman ang unang nakakita nito.

Di ba?

Epal lang siya!

Hilahan lang kami ng hilahan, walang bumitaw.

Naman ehh!!!!!!!

Mukhang walang planong bumitaw 'tong epal na lalaki na ito.

Bahala na nga.

Pero.., favorite ko ito eh.


T___________T

*bitaw* 

"Tsk, bibitawan lang pala, madami pang satsat", mahinang sabi nito, pero rinig ko naman.

Waaaaaaaaaaa!!!!!!!

hindi ko yan bibitawan, kung hindi ka lang nagmamadali.

Naawa lang ako sayo.

Inirapan ko lang siya.

At, naghanap na ng ibang book.

T____________T

Nancy Drew!!!!

-Someone POV-

Kainis na babaeng yun.

Daming satsat, bibitawan lang pala.

lagot ako kay Ate nito, dahil sa kanya natagalan ako sa Book store.

~kring    ~kring

Kinuha ko yung phone sa bulsa ko.

"Hello?", walang gana kong sabi.

[SAAN KA NAAAAAAAAAAAA???]

Nilayo ko yung phone sa tenga ko, kasi namam biglang sumigaw yung nasa kabilang linya.

Lagot si Ate!!

"Nasa labas ng bookstore", sabi ko.

[Kanina pa kita hinihintay, di ba sabi ko sayo, dapat andito ka na within 25 mins, pero 45 mins na ang nakalipas wala ka pa. Your 20 mins late Jake. For God sake, bilisan mo na, hindi mo ba alam madami pa tayong gagawin para sa welcome party mo bukas sa school]sabi niya, na may inis sa boses nito.

"Alam ko", walang gana kong sabi.

[Pag wala ka pa dito within 5 mins, malilintikan ka na talaga sakin.]

toooot tooot..

Binabaan niya ako.

tsss, kahit kailan talaga.

Monster pa rin ang Ate ko kung magalit.

Tsk.

************************************************************************************************************
-miemie03

 





Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon