Chapter 52 - She's in Danger

194K 6.5K 1.8K
                                    

Chapter 52 - She's in Danger

-Third Person POV-

Habang nag mamaneho si Andrew papuntang Academy, tinawagan niya si Jake.

"Moshi Moshi (Hello)" sabi ni Jake ng sinagot niya ang tawag.

"Jake, Lyka's missing. Lance is looking for her right now." sabi ni Andrew, kahit seryoso ang pagkasabi niya, hindi pa rin maitatago na nag aalala siya para sa kapatid niya.

"W-What?! When?" biglang sabi ni Jake.

"Hindi ko alam, tinawagan ako ni Lyod kanina na hindi pa raw umuuwi si Lyka sa bahay ni Aling Karen. Nag aalala na rin ito dahil hindi raw ito ginagabi lalo na pag may bagyo." paliwanag niya

"Where's Lance right now?" tanong nito.

"Academy, I'm going right now." sabi nito kay Jake.

"Hahabol ako, tutulong ako sa paghahanap."

"See you there." sabi nito bago binaba ang tawag, at tinapon ang phone sa passenger seat at napahawak ng mahigpit sa manibela.

"Please be safe, Lyka. Nii-sama is coming. Please be safe." sabi ni Andrew sa isip, hindi niya napansin na tumulo ang luha niya.

Ayaw na niya bumalik na naman siya sa dati malayo at hindi makapiling ang mahal na kakambal niya, 12 years is enough.


-Lyka POV-

 Nagising dahil sa lakas ng ulan, pagmulat ko ng mata. Wala ako makita, dahil na rin sa kadiliman.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang ako kinabahan.

Ng igalaw ko sana ang mga kamay ko, ay hindi ko magawa dahil nakatali ako, pati sa paa nakatali rin ito. Pati ang mga bibig ko tinakpan.

N-Nasaan ako??

Nilibot ko ang paningin ko, pero hindi ko pa rin alam kung nasaan dahil na rin sa sobrang dilim.

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko na itinali sa likod, ay hindi ko pa rin magawa dahil sa sobrang higpit, panigurado magkakasugat ako.

Inaalala ko kung paano ako napunta dito,


5:30 pm na ako natapos sa pag aayos. Malapit ko na sana makalimutan na pupuntahan ko pa pala si Kristine, itetext ko sana siya na bukas na lang kasi umuulan na sa labas. Pero nakalimutan ko na wala pala akong number niya kaya napagpasyahan ko na lang na puntahan sila sa tambayan nila.

Pagkarating ko doon, walang masyadong tao dahil halos lahat nakauwi na.

"K-Kristine." tawag ko dito pero walang sumasagot. Mukhang nakauwi na sila, bababa na sana ako ng may tumakip na panyo sa ilong ko na naging dahilan para mawalan ako ng malay.


Naalala ko na, siguro andito ako sa fifth floor, pinapunta pala niya ako dito. Ng may narealize ako, baka nandito sila Kristine, sana hindi sila nabiktama gaya ng ginawa nila sa akin.


*Thunder sound* (A/N: sorry sa sound effect XD XD)

Biglang nanigas ang katawan ko, bakit ngayon pa.

Lord, please huwag muna ngayon. Takot po ako sa kulog.

*Thunder sound*

"Hmmmmmmm" sigaw ko, napaiyak na lang ako, ginagalaw ko ang mga kamay ko na nakagapos para takpan sana ang tenga ko pero wala nasasaktan pa rin ako.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon