Chapter 34 - A Day with Jake Tachibana

221K 6.5K 1.6K
                                    


Chapter 34 - A Day with Jake Tachibana

-Lyka POV- 

Andito ako ngayon sa bahay, actually its sunday morning.

Isang linggo na rin ang nakalipas ng magdate kami ni Lance, at hindi na sumunod dahil puspusan ito sa pag eensayo sa game nila.

At ngayon araw ang alis nila, nagkita kami kagabi at isang linggo silang mawawala.

Alam niyo anong nangyari??

Ganito iyon?

-Flashback-

Habang busy ako sa paglilinis ng bahay.

~beep~ Beeeep~

"Ay jusku, ano iyon.?" gulat na sabi ni Aling Karen.

"Titignan ko lang Aling Karen po kung ano iyon." sabi ko 

At lumabas na ako, nakita ko ang isang familiar na sasakyan.

Teka, parang alam kong kaninong kotse 'tong nasa harap ng bahay.

Ilang sandali pa lumabas na ang may ari ng sasakyan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Lance.

"Binisita ka, aalis na kami bukas." sabi nito.

"oh, tapos?" tanong ko, pero tinignan lang niya ako ng masama.

Ano na naman ang problema ng unggoy na ito, may nasabi ba akong masama??

Minsan hindi ko talaga alam ang mood niya, minsan mabait, minsan naman ang sungit

Bipolar ata 'to, pa iba iba kasi ng mood.

"Aalis ako, at halos isang linggo akong wala, kaya dapat behave ka sundin mo ang nakasulat sa kontrata, at ngayon papayagan kita at dapat lagi kang nakadikit kay Jake." sabi nito.

"Ha? Hindi ba sasama si Jake sa inyo?" sabi ko.

"Na injured siya isang araw, kaya hindi siya makakasama, pero papasok na siya sa lunes, kaya siya ang magbabantay sa iyo." sabi nito.

"Teka, bakit kailan ko ng bantay?" sabi ko naman sa kanya.

"Hindi kita mababantayan, baka pag uwi ko malalaman ko na lang niloko mo ako, naninigurado lang na susunod ka sa usapan at ayoko sumasama ka sa kambal at kay Brett, mga sira ulo yun sila." sabi nito.

"Hindi ko kailangan ng bantay at isa pa, marunong akong sumunod sa usapan." inis na sabi ko.

"Alam ko, sa gwapong kong ito lolokohin mo lang."  sabi nito sabay ngisi.

Ang kapal talaga kahit kailan.

"Ba't si Jake pa, di ba injured siya? andyan naman si Steph at si Brenda, andyan din si Andr---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sumingit siya.

"Lalong lalo ng hindi ka dapat lumalapit kay Andrew, akala mo hindi ko alam na napalapit na kayo sa isa't isa, ako ang boyfriend mo kaya makinig ka. Wala si Brenda kasi pinapapunta siya sa America para sunduin si Mommy, si Steph lang ang makakasama mo." sabi nito.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon