Chapter 6 - Ang S6

225K 8.5K 535
                                    

Chapter 6 – The S6

-Lyka POV-

Nandito kami ngayon sa garden.

At kakatapos lang naming kumain ng tanghalian.

"Alam mo, Lyka hindi pa rin ako makapaniwala na hindi mo kilala ang S6, akalain mo mag a-apat na taon ka na rito , pero hindi mo pa sila nakilala or nakita man lang" –Steph

"Hindi naman ako interesado dun, ehh. Tsaka ano naman mapapala ko, pag nakita ko sila" –Ako

Tama naman ako diba??

Hindi naman sila importante dito sa academy, para makilala ko sila.

"Infairness, may punto ka run" –Steph

"Pero, sino ba talaga ang S6? Ganun ba talaga sila kasikat, para pagkaguluhan?"

Kakasabi ko lang na hindi ako interesado.

Teka, hindi naman ako interesado, uhh

Curious lang ako.

Yun lang yun.

"I thought hindi ka interesado" – Brenda

=_=

"Curious lang ako" sabi ko

"Ok,Ok sasabihin ko kung sino sila, para kahit papano, may background ka about sa S6" sabi ni Steph

"Andrew Smith, ang tahimik sa grupo, half-American,half-Filipino, bihira lang siya makitang makipag usap sa tao. At pumipili rin ito ng makakausap. Kung kinausap ka nun ang swerte mo"

=_=

Alam kong hindi ako kakausapin nun, diba?

"Hobby niya ay magbasa ng libro, just like you Lyka. Tsaka sila ang stock holder ng pinaka imported na gamit, like dresses, shoes, at atbp. May mga branch din sila rito sa Pilipinas, at sa ibang bansa."

"Ang kambal na si Alex at Allen Deguzman, ang pinaka energetic sa grupo. I mean ang pinaka maingay , konti  lang nakakaalam kung sino si Alex and Allen sa kanila, kaya minsan nagpapanggap na lang sila. Sporty din yun mga yun, at sila ang nagmamay-ari sa pinakamalaking airline dito sa Philippines", uhh, sila pala yung may-ari nun. Grabe ung kambal na yun, uhh.

"Si Brett Anthony Lee, siya ang taong dapat iwasan, kasi grabe yun mambola nuh at grabe rin yun kung mangulit at mang inis ng tao, pero kahit ganun yun, madami pa rin nafafall sa kanya. Siya ang future CEO ng Lee Campany, ang kilalang company sa buong Pilipinas, dami nilang holder"

"Si Jake Tachibana, ang half-japanese at half-pinoy, ang pinaka misteryosong tao sa S6. Same kay Andrew, minsan mo lang siya makitang magsalita, pero sa ibang tao nga lang o sa mga taong hindi niya masyadong kilala at itinuturing niyang kaibigan. Sila nag mamay-ari sa Five star Hotel and Restaurant sa Japan, may restaurant din sila dito. At uuwi na siya next month, galing Japan.", siya pala yung tinutukoy nilang Jake.

"Ang Lastly ang leader ng S6 si Lance Montellier, the brother of our very own Brenda Montellier. At ang masungit sa kanilang anim, huwag mong gagalitin kasi iba yun magalit, hindi siya titigil hangga't hindi siya makaganti. At madali lang niya nakukuha ang mga gusto niya.", sabi ni Steph

Spoiled brat naman yun kapatid ni Brenda.

Pero bilib naman ako kay Steph.

Alam niya ang talaga ang mag background ng S6 na ito.

"At kami ang nagmamay-ari sa Montillier Campany, at may Mall rin kami at company dito at sa ibang bansa.", dagdag ni Brenda.

Wow, ang yayaman pala ng mga ito.

Hay naku, Lyka

Malamang mayayaman yun mga yun, dito nag aaral eh.

"Kilala silang anim dito I mean mga tao dito sa Academy, at sa labas ng Academy",-Steph

Kilala sila rito sa Academy,

Eh, bakit ako hindi ko sila kilala

At ni anino nila hindi ko pa nakita.

=___=

"Pero, nagkamali ako nung nalaman ko na hindi mo sila kilala",-Brenda.

"Tama, nagulat nga ako nung hindi mo sila kilala ehh, I thought nagbibiro ka lang kanina", -Steph.

Ehh, wala man din ako mapapala sa kanila ehh.

Tsaka paano ko rin sila makikita, ehh everytime na dumating sila dito sa Academy, kung makatili naman ang mga babae parang walang bukas.

************************************************************************************************************

-miemie_03






Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon