Chapter 27 - Getting to know her-Lyka POV-
It's been months na mula nakilala ko sila Steph and Brenda at ang buong S6, na dati hindi ko sila kilala at ni anino hindi ko pa nakita.
At dahil sa kanila, ang akala kong sa huling taon ko sa RDA ay magiging tahimik lang ang buhay ko, pero pinasaya nila. Kaya masaya ako, kahit madami pa rin masamang nakatingin sa akin at kung ano ano pang sinasabi nila tungkol sa akin binalewala ko na lang.
Weekend ngayon at wala kaming pasok. Naglalakad ako papuntang park malapit sa amin ng masalubong ko ang unggoy na may kausap na babae, ilang minute nakalipas tumakbo ang babae habang umiiyak.
=_________=
Teka, parang ganito rin yung scene nung una ko siyang nakita.
Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya.
Naglakad ito papalapit sa akin.
"Hindi ko alam na istalker na pala kita ngayon , Nerd. Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako." Sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko.
=______=
"Hindi ka lang pala pangit, filingero ka rin pala, ang hangin mo pa. Ako magkakagusto sayo? ASA!! At hindi kita gusto."
Mukhang na offend ito sa sinabi ko, siguro hindi matanggap ng pride niya na hindi lahat ng babae may gusto sa kanya.
"At sino ang gugustuhin mo? Si Andrew, o yung pangit na si Araneta?" sabi nito
"At bakit sila nasali sa usapan natin? Ewan ko sayo, wala kang kwentang kausap." Sabi ko at nilampasan sya.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko ng mapansin kong sumusunod ito sa akin, pero hindi ko na lang pinansin baka kasi nagkataon lang na pareho lang kami ng daan.
Ilang minuto na ang nakalipas pero nasa likuran ko pa rin ito, kaya hinarap ko siya.
"Sinusundan mo ba ako?" sabay taas ng isa kong kilay.
Tumawa lang ito sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa?" inis na sabi ko.
"Ikaw!! Hindi ka lang pala pangit, assumera ka rin pala, ako? sinusundan ka? Huwag ka ng feeling dyan. Pareho lang tayo ng dinadaan." Sabi nito
Tinignan ko siya ng matalim at tinalikuran bago pinagpatuloy ang paglalakad. Napansin ko na sumunod parin siys.
Napangisi ako na may naisip akong paraan para mahuli ko siya.
Higit isang oras rin kami naglalakad.
Yup, kami!! Kasi hanggang ngayon sinusundan pa rin niya ako.
Ng makarating kami sa park.
Actually hindi naman siya malayo, nasa harapan nalang naming yung park kanina, pero umikot ako kaya 1 oras talaga ang inabot namin sa paglalakad.
"What the-! isang oras ang nilakad natin tapos dito lang pala ang bagsak. Ang lapit na lang nun kanina ehh." inis na sabi niya.
Tinignan ko siya.
"Akala ko ba hindi mo ako sinusundan? Ehh bakit nagrereklamo ka diyan?" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya. Napangiti ako lalo ng pumula ang tenga niya, mapapansin mo yun dahil maputi siya.
Napaupo na lang ito sa sobrang inis.
Napatawa nalang ako ng mahina
Kung umamin sana siya kanina, edi sana hindi kami napagod sa kakalakad.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)
JugendliteraturAng Campus Nerd na pinagdidirian at nilalait ng mag estudyante sa RDA. Pero, paano nalang sa isang iglap,ang Campus Nerd na nilalait at pinagdidirian nila ay siya pala ang nawawalang heir sa pinaka kilalang pamilya sa industriya. Siya pala ang LOST...