Chapter 55 - The Guilt

199K 6.1K 2.6K
                                    


Chapter 55 - The Guilt

-Lyka POV-

"H-hindi ko ka-kasalanan."lagi ko yan sinasabi sa kanila habang umiiling.

"WHAT HAVE YOU DONE!!!" sigaw ni Lance habang hawak si Brenda, bigla naman dumating si Jake at ang kambal na si Alex at Allen

"Anong nangyayari??" takang tanong ni Alex

"Brenda!!!" sabi ni Allen at tumakbo palapit kay Lance.

"Ano ba talaga ang nangyari?" inis na sigaw ni Jake

"Tinulak ni Lyka si Brenda sa hagdan!!" biglang sabi ni Kristine, kaya tinignan ako ng tatlo. Pero umiling lang ako habang umiiyak.

"Ang importante madala na natin si Brenda sa hospital." sabi ni Allen at kinarga si Brenda at dinala sa labas, sumunod naman si Alex at Steph na umiiyak pa rin.

Habang si Lance naman masamang tumingin si sa akin habang gulat naman nakatingin sa akin si Jake.

Lumapit sa akin si Kristine at biglang sinampal.

"How dare you!! Kaibigan pa naman ang turing ni Brenda sa iyo tapos ginanyan mo siya?" sabi ni Kristine sa akin, pero tinignan ko siya ng masama habang hawak ko ang pisngi ko kung asan niya ako sinampal.

"Ikaw ang walang hiya, ikaw ang tumulak sa kanya Kristine, nakita ko." sabi ko, habang pinipigilang tumulo ang luha.

"At ngayon pinagbibintangan mo ako.!!!" sigaw niya at sasampalin ulit ako ng pigilan siya ni Andrew at tinago ako sa likod nito.

"Don't you dare hurt her!!" seryosong sabi ni Andrew, gulat na tumingin sa kanya si Kristine at binawi ang kamay na hawak nito

"Tinulak niya si Brenda, Andrew!!! Dapat magalit kayo sa kanya. Dahil ginamit lang niya kayo para sumikat siya. She's a social climber bit---*slaaaaaaap*" nagulat ako, ng bigla siyang sinampal ni Andrew.

"N-Niisama." bulong ko.

"Brett, ilayo mo muna si Lyka dito. Mauna na kayo susunod ako." sabi nito, kaya lumapit ito sa akin

"Tara na Lyka." sabi ni Brett, tinignan ko siya, pero ngumiti lang ito. "Halika na." dagdag nito at inalalay ako palabas

bago kami tuluyang lumabas, nakita ko si Lance na sobrang sama ng tingin sa akin, kaya yumuko na lang ako at tuluyang lumabas.

Ng nasa sasakyan na kami, at pauwi sa amin.

"G-Galit ka rin ba sa akin, B-Brett?" mahinang sabi ko habang nakatingin sa labas.

"Hindi ako galit sayo. Naniniwala ako na wala kang kasalanan." sabi nito habang nakatingin sa daan

"P-Pero bakit ayaw maniwala ni Lance." malungkot na sabi ko at yumuko.

"Gulong gulo lang iyon, dahil kapatid niya si Brenda. Don't worry, ang kuya mo na ang bahala sa kanila." sabi nito, kaya napatingin ako sa kanya

"A-Alam mo?" gulat na tanong ko.

"Oo, last week pa. Narinig ko kasi nag usap kayo ni Andrew. Hindi ko naman sinadya ehh. Gulat na gulat ako nun, at galit na rin kasi tinago niyo sa amin ang tungkol sa inyo. Pero nilapitan ako ni Andrew at sinabi sa akin ang sitwasyon niyo, lalo ka na. Hindi ko rin pwedeng ipagsabi sa iba dahil naipangako ko na kay Andrew na sekreto muna ito." tumingin siya sa akin at ngumiti bago bumalik ang atensyon niya sa pagmamaneho.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon