Chapter 40 - Tapusin na natin ito
-Lyka POV-
Dalawang araw na rin ang nakalipas ng nakituloy ako sa bahay nina Ate Nuriko at Jake.
Dalawang araw na rin ang nakalipas pagkatapos ang insidente sa restaurant.
At dalawang araw na rin ang nakapilas ng iniiwasan ko ang mga tawag at text sa akin ni Lance.
Papunta na ako ngayon sa RDA.
At habang papasok na ako at naglalakad papunta sa building namin.
"Narinig niyo ba ang balita?"
"Yeah, that nerd really do that?"
"Nasa loob talaga ang kulo, really a bitch"
"Speaking of, may gana pa talaga siyang pumasok.?"
"Hindi naman siya magtatagal, baka bukas kick out na yan siya."
"Tama, isa sa may malaking share ang pamilya ni Lance, kaya sigurado akong akick out na yan siya."
Napayuko na lang ako, habang dumadaan sa kanila.
At, kinabahan na talaga ako dahil baka makick out nga talaga ako, sana huwag naman kasi ilang buwan na lang matatapos na ang school year.
Konting tiis na lang Lyka.
Ng may biglang humarang sa dinadaanan ko. Ng tignan ko kung sino.
Sila yung limang babaeng humarang sa akin noon (remember Chapter 10)
"At may gana ka pang pumasok, hindi mo ba alam na kick out ka na simula,ng sinampal mo si Tita Julia?" nakacross arm pa ang sabi nung nasa gitna na mukhang leader, hindi ko alam ang pangalan ehh.
"Yeah right, so umuwi ka na Nerd hindi ka bagay dito."
"Sinisira mo yung imahe ng school natin."
Sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako mag papaapi. Kaya dapat matuto na talaga akong lumaban.
"W-Walang sinabi ang school admin about sa pagkick out ko. Kaya papasok ako kung kailan ko gusto." medyo matapang kong sabi pero andun pa rin yung takot dahil mas makapangyarihan sila sa akin. Sa panahon ngayon, kung sino amg madaming pera siya may kapangyarihang ikutin lahat na nangyayari sa mundo.
"Aba'r may gana ka pang sumagot!! huwag kang maging matapang, wala na kayo ni Lance at alam kong wala na rin pakialam sayo ang S6, baka nalaman na nila ang pagiging gold digger mo." sabi nito at tinulak ako, pero hindi ako nagpadala kaya nakatayo pa rin ako.
"Marunong ka ng lumaban ngayon haa!!!" sasampalin niya sana ako kaya napapikit ako.
Ng napansin kong medyo matagal ang pagtama sa akin ang sampal, binuksan ko ang mga mata ko.
-__0
0__-
0__0
Nakita ko si Jason na nasa harapan ko na, at pinigilan ang kamay niya.
"How dare you!!" inagaw niya ulit kamay niya mula kay Jason.
"How dare you too. Alam mo ba ang ginagawa mo? pagnalaman ito ng S6, baka mawala ka sa school na it. Kilala mo sila." seryosong sabi ni Jason sa kanya.
"Hindi ako natatakot sayo, Jason. At isa pa, ligtas nga siya ngayon dahil sa mga nakapaligid sa kanya, but not HER. Babalik na siya tandaan mo iyan. Let's go girls." sabi niya bago umalis.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)
Teen FictionAng Campus Nerd na pinagdidirian at nilalait ng mag estudyante sa RDA. Pero, paano nalang sa isang iglap,ang Campus Nerd na nilalait at pinagdidirian nila ay siya pala ang nawawalang heir sa pinaka kilalang pamilya sa industriya. Siya pala ang LOST...