Chapter 9 - Flashback

190K 7.3K 374
                                    


Chapter 9 - Flashback

Sunday ngayon, kahapon yung party nung Jake Tachibana.

And until now hindi ko pa rin nakakalimutan ang pag-uusap namin. 

-Flashback-

Pagpunta ko sa C.R.

Mabuti walang masyadong tao.

After 15 minutes, pabalik na sana ako sa table namin ng..

May nabangga ako..

"Ladies and gentleman, let us all welcome Miss Nuriko Tachibana and her younger brother Jake Tachibana!!", sabi nung M.C. at nagpalakpakan ang mga tao.

"Sorry, hindi ko sinasad---", nung nakita ko kung sino nabangga ko.

O__________O

"Ikaw na naman!!!!", sabay naming sabi.

Putik!! ba't siya andito. dito ba siya nag-aaral??

Ba't hindi ko pa siya nakita kahit anino man lang??

"Grabe ka rin Miss, hinahabol mo ba ako? pati dito sa RDA nagawa mong makapasok kahit hindi ka dito nag-aaral" sabi niya.

Wow haaaa

ang lakas ng hangin, hiyang hiya naman ako sa kanya.

"Excuse me, Mister Yabang, huwag kang masyadong magmayabang, una sa lahat hindi kita hinahabol at pangalawa, nagawa ko talagang pumasok dito sa school kasi isa ako sa mga estudyante. ", sabi ko sabay cross arm.

Tsk.

"Huwag ka na mahiya,Miss. Hindi na uso ang pa hard to get." sabi nito sabay smirk.

Aba, sumosobra na tong mayabang na ito haaa..

Hindi ko nga siya kilala.

"Sino ka pala? hindi kasi kita kilala kaya bakit ako mag hahabol sayo", sabi ko

At mukhang nagulat pa ito sa naitanong ko.

oh, ano na naman problema nito.

"H-Hindi mo a-ako kilala?"sabay turo niya sa sarili.

"Hindi", walang gana kong sabi.

"Seriously Miss, hindi mo ba talaga ako kilala.?" hindi pa rin makapaniwala niyang tanong.

"Paulit-ulit?? hindi nga sabi ehhh"sabi ko.

Bingi ba tong kausap ko.

"Saang lumalot ka ba talaga nag aaral at ba't hindi mo ko nakilala?? Well, let me introduce myself *ehem* I'm Lance Montellier, ang leader ng S6, kilala sa buong school, *sabay tingin sa akin* except sayo. ", inis niyang sabi.

What!!!????

Siya ang kuya ni Brenda??

Ang layo naman ng ugali nila.

"Sure ka ba na magkapatid kayo ni Brenda?" tanong ko, naninigurado lang ako no, baka ampon lang tong Lance na ito, at for the very first time nakita ko na ang isa sa mga lalaking pinag guguluhan sa school.

=_________=

nawalan na ba ng taste sa lalaki ang mga babae sa RDA.

"So kilala mo pala ang kapatid ko, hmmmm let me guess, you are Lyka right? ang campus nerd ng RDA. Woah!! malapit na kitang hindi makilala, dahil sa ayos mo ngayon, siguro si Steph ang may gawa niyan" sabi nito.

"Yup, ang bait nga ni Ste---" hindi niya ako pinatapos.

"Yeah, sobrang bait talaga nila, at ginamit mo ang pagkakataon na iyon, para maging kaibigan sila at para na rin makapunta ka sa ganitong party, please don't use my sister and her best friend.Tsk,  hindi ba marunong pumili ang mga yun at isang gold-digger pa na gaya mo---------"

*SLAP*

"Pwede ba!! hindi ko ginagamit sila Steph at Brenda, at never ko gagawin iyon, ganyan ba kayong mga mayayaman? tinatapak tapakan niyo ang isang tao, ni hindi niyo pa nga ako lubusan na kilala at ni isang katiting wala kayong alam. Mga matapobre!!! "sigaw ko sa kanya, at ng mapansin ko na pinagtitinginan na kami tsaka ako tumakbo paalis sa kanya.

Hindi ko namalayan na napadpad ako sa garden at napaupo bigla.

Kainis na lalaking yon. 

*sniff*

"O heto." at may biglang nag abot sa akin ng panyo.

Tinignan ko kung sino.

Tsk.

Ang malas ko talaga ngayon, kanina yung mayabang ngayon naman yung nakaaway ko sa book store kahapon.

"Ikaw na naman, ba't ba ang malas ko ngayon" sabi ko at hindi ko na siya pinansin.

"Hindi maganda sa babae ang umiiyak" sabi niya, binaba niya ang panyo ng mapansin na hindi ko ito kukunin.

"Wala kang pakialam tsk at sino ka na naman? Huwag mong sabihin isa ka rin sa S6 na yan" ako, ang malas malas ko ngayon. Pag isa talaga siya sa S6, aalis na ako.

Pero, tumawa ito.

"At, bakit ka tumatawa?"

"Seriously Miss, pumunta ka sa party ko, ng hindi mo alam kung sino ako" natatawa niyang sabi.

"Party mo?" takang tanong ko.

"Don't tell me ikaw si.." , sana mali talaga ang iniisip ko.

"Yes, I'm Jake Tachibana. Sorry pala kahapon, nagmamadali lang talaga ako."sabi nito.

Tumayo na ako, at aalis na sana.

Pero, pinigilan niya ako, kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kung wala kang sasabihin na maganda, please lang huwag ka ng magsalita." sabi ko.

"Don't worry, I won't. Pasensya nga pala kay Lance." - Jake

"Huwag ka ng humingi ng tawad para sa lalaki na yun. Sige, aalis na ako." aalis na sana ng bigla siyang nag salita, kaya tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Huwag ka sanang magpapa apekto sa sinabi ni Lance *sabay tingin sa akin* ikaw at ikaw mismo lang ang nakakakilala sa sarili mo, kung magpapaapekto ka, sinabi mo na rin sa kanya, na tama siya." sabi nito sa akin.

Tama siya, Lyka!!

"Hindi naman sa ganoon." sagot ko sa kanya.

"Bumalik ka na, baka hinahanap ka na nila Brenda" sabi nito, bago umalis.

Tinignan ko siyang papalayo, bago sumunod.

-End of Flashback-

Waaaaaaaaaaaah!

Ginulo ko ang buhok ko.

Sana hindi ko na lang siya nakilala.

Sarap mong ipakain sa pating LANCE MONTELLIER!!!!

Sana hindi ko siya makita bukas, kahit anino man lang niya.

Baka ipakulam ko siya

=__________=

************************************************************************************************************

-miemie.03

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon