Chapter 41 - Hanazono Family

186K 6.5K 1K
                                    


Chapter 41 - Hanazono Family

-Third Person POV-

"BREAKING NEWS!! Mga kababayan, isa sa mga makapangyarihang tao sa business world ay bibisita sa Pilipinas at andito ako ngayon sa NAIA Terminal 2, hinihintay ang pagdating niya at makikita niyo sa aking likuran na sobrang daming bodyguard at mga sundalong nag aabang para masiguro na ligtas siya sa paglapag sa Pilipinas, at kasalukuyang madaming tao ngayon sa NAIA dahil gusto nila makita ang nag iisang Mr. Kaito Hanazono, ang CEO ng Hanazono Group of Companies. At ang tanong ngayon, mga kababayan ay kung bakit siya andito ngayon sa Pilipinas." sabi ng reporter.

"Grabe, ganun ba talaga makapangyarihan ang Hanazono na yun?" sabi ni Lyka na sinusuklay ang kanyang buhok habang nanonood ng morning news.

Hanazono?

sa pagkakaalam ko yun ang maiden family name ni Mama. Hmm baka coincidence lang.

"Ganyan talaga yan, Hija.  Sa panahon ngayon ang pinakamadaming pera ang mas makapangyarihan sa mundo ng industriya, pero tandaan mo hindi mabibili ang pagmamahal at pamilya kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa buong mundo." sabi ni Aling Karen habang naghahanda ng umagahan namin.

"Alam ko po, *smile* Alam niyo Aling Karen sinabi din yan sa akin ni Mama nung nabubuhay pa siya." sabi nito at nalungkot bigla dahil sa nangyari sa magulang.

"Alam ko masaya na siya kung nasaan man siya ngayon, *ngumiti ito* halika na at kumain baka malate ka pa sa klase mo." sabi niya kay Lyka ng mapansin na lumungkot ito.

"Opo" sabi nito at umupo na.

Ng pumasok siya sa RDA, pakalat kalat ang mga estudyante sa campus.

"Anong meron?" tanong ni Lyka sa isip.

Ng makita niya si Stephanie at Brenda na papunta sa lugar niya.

"Good Morning, Lyka." masayang bati ni Steph at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ito pabalik at bumitaw na.

"Good Morning, Guys. Nga pala ba't kayo andito malapit na magtime ahh." takang tanong ni Lyka sa dalawa.

"Walang pasok. Dahil dadating si Mr. Hanazono sa bansa." sabi ni Brenda na mahinahon.

"H-Haa?? t-teka.. bakit? anong meron? ehh bibisita lang naman siya sa bansa hindi sa academy." sabi nito.

"Duh~, wala talaga siyang alam." narinig nilang sabi ng isang babae malapit sa kanila.

"Commoner." sunod na sabi pa ng isa.

"Huwag mo na pansinin. Halika pupunta tayo sa Private room. DOON WALANG CHISMOSA!!" diin na sabi ni Steph at nagpaparinig ito sa mga tao na nakinig sa usapan nila. At hinila si Lyka sumunod lang si Brenda sa likod.

-

-Private Room-

Pagdating nila sa private room tumigil si Lyka sa pagpasok.

"Don't worry, wala si Kuya. Alam namin na kontrata lang lahat, pinaliwanag niya sa amin nung araw na tinigil niyo na." sabi ni Brenda. Isang linggo na rin nakalipas ng iniiwasan ni Lyka  na masalubong si Lance, pati mga text a tawag niya ay hindi niya ito pinapansin.

"At sinuntok talaga siya ng bonggang bongga ni Andrew. Ewan ko ba kung bakit, baka may gusto sayo. Ayiiiiiie~~~" sabi ni Stephanie, at sinusundot sundot ang tagiliran niya.

0//////0 -Lyka

"A-Ano ba kayo, m-magaan lang ang loob ko sa kanya." sabi niya sa dalawa

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon