Chapter 11 - New Friend??

194K 7.7K 1K
                                    

Chapter 11 – New Friend??

-Lyka POV-

"Oh" sabi niya, tinignan ko ito, may inabot itong panyo sa akin.

Tinignan ko siya, at sa panyo, at siya ulit.

"Aishh" lumuhod ito sa harap ko, at pinunasan ang luha ko, at mga dumi na rin galing sa itlog. Hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sa kanya.

"Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, siguro kanina pa akong tunaw, alam kong gwapo ako huwag mo na ako titigan ng ganyan"sabi nito at ngumiti.

O____O

=____=

Ang kapal.

Magkaibigan nga sila.

Pinigilan ko ang pagpunas niya sa akin.

"Hindi mo na kailangan gawin yan, ayos lang ako." Sabi ko, sabay iwas ng mukha ko sa kanya, kung saan siya nagpupunas.

"A simple thank you is enough." Sabi nito.

"And as far as I remember, hindi ako humingi ng tulong. But...... thank you." sabi ko sabay yuko. Kahit papaano hindi mataas ang pride ko noh!!

"Your welcome." Tinignan ko ito, at ngumiti ito sa akin.

>/////////////<

Ba't ganon??

Ang gwapo niyang tignan sa malapitan.

Lalo na pag ngumiti siya.

"Ang cute mo pala, lalo na pag namumula ka." sabi nito sabay tawa ng mahina.

At dahil sa sinabi niya, umiwas ako ng tingin.

Waaaaahhh!!

Kahit hindi ako humarap sa salamin, alam ko na sobrang pula ng mukha ko ngayon.

Lord, sana lamunin na ako ng lupa ngayon din.

Nakakahiya!!!

T__________T

"Nakita ko ang ginawa nila sayo." Bigla nawala ang pagkapula ng mukha ko at ang pagkahiya, ng marinig ko ang seryoso niyang boses, kaya napatingin ako sa kanya.

"H-huh?!!" ako

"Ba't hinayaan mo lang na gawin nila sayo, ang mga bagay na iyon. You should protect your self. Don't tell me, apektado ka sa mga sinasabi nila." sabi nito, ba't bigla itong sumeryoso?

"Pag nilabanan ko sila, mas hindi nila ako titigilan, at mas malala pa ang aabutin ko. At tsaka, isang taon na lang man din ang itatagal ko sa paaralan na ito." sabi ko.

"Tapatin mo nga ako, ginamit mo lang ba talaga sila Steph and Brenda?"

"Nooo!!" bigla kong napasigaw sa kanya. At nagulat ito sa pagsigaw ko, kaya na paiwas na lang ako ng tingin.

"Hindi ko i-iyon kayang g-gawin sa kanila, sila lang yung taong tumanggap sa akin dito sa RDA. Kaya hindi totoo na ginagamit ko lang sila. S-sila lang ang mga ka-kaibigan ko." I don't know why pero, pesteng luhang ito, bigla na lang nagsilabasan.

Hinawakan niya ang chin ko, at pinaharap sa kanya.

Nagulat ako, ng punasan niya ang mga luha ko.

"I told you, na ikaw lang ang nakakakilala sa sarili mo, hindi ako, hindi si Lance, at lalong lalo na hindi yung mga umapi sayo. Hindi ka nila lubos na kilala, kaya ipakita mo na mali sila, hindi yung binibigyan mo sila ng patunay na tama ang hinala nila tungkol sayo. Nakalimutan mo na ba, ang mga sinasabi ko sayo, that night? Alam kong hindi ganoon ang turing nila Steph sayo." ngumiti ito sa akin.

"S-salamat." hiyang sabi ko.

Tama siya dapat hindi ako magpapa apekto, sa mga sabi nila. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoong tao. At tsaka hindi ako ganito pinalaki ng mga magulang ko.

"Nga pala" tinignan ko ito, umayos ito sa pagluhod, yung pag inaya ka sa sayaw ng isang prinsepe? Kuha niyo? Tapos inilahad niya ang kamay niya. "I'm Jake Tachibana, 1st year  collge, you are?" sabi nito.

Tinignan ko muna ito, at ang kamay nito.

Hanggang sa narealize ko ang ginawa niya.

Tinanggap ko ito.

"Naomi Lyka Jane Cruz, 4th year highschool." Tapos ng shakehands kami.

"Friends?" siya.

"F-Friends" ako

Tumayo muna ito bago inalayan akong tumayo.

"Halika na, ihahatid na kita sa clinic, may sugat ka sa may tuhod at tsaka ang lagkit mo na."sabi nito.

Tinignan ko ang tuhod ko.

meron nga, ba't hindi ko napansin man lang?

hanggang sa naglalakad na kami papuntang clinic ngayon.

Napayuko ako at ngumiti ng palihim.

Ma, pa. may bago na naman akong kaibigan pero ang hindi ko inaasahan, na napapabilang siya sa S6.

Kailan ko kaya makilala ang natitirang apat na miyembro ng S6.

Mabait kaya sila, gaya ni Jake?

O, kasing sama sa Lance na iyon.

Well, malalaman ko rin iyon pag nakaharap ko na sila.

-Third person POV-

Habang naglalakad ang dalawang bagong magkaibigan papuntang clinic, ang hindi nila alam na may isang taong pinagmamasdan sila sa malayo.

"Sana hindi mo na lang sila nakilala, baka makalimutan mo na andito ako lagi sa tabi mo, nung mga panahon na wala ka pang kaibigan, mga panahon na wala pa sila Stephanie sa buhay mo.Hinanap kita kasi akala ko napano ka na, mukhang nagkamali ako." Sabi nito sa sarili.

Tinignan niya muna ito bago tuluyang umalis.

************************************************************************************************************

-miemie03

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon