Chapter 13 - Alone once again

196K 7.4K 541
                                    


Chapter 13 - Alone once again

-Lyka POV-

Kring~~ kring~~

"Tara na girl, malapit na magsimula ang klase." at nagmamadaling lumabas sila.

Nung maramdaman ko na wala na sila, lumabas na rin ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Dahil sa akin, wala ng gustong makipagkaibigan kina Steph at Brenda. Dahil sa akin, pati sila nadadamay.

Lalayuan ko na lang sila.
Para wala ng madamay pa sa gulong ito.

Kaya ko naman di ba?

Mag-isa naman ako sa academy na ito sa loob ng tatlong taon, kaya ko ulit yun.

Ako pa!!

Pero, nasanay na ako sa presensya nila.

Ma, Pa. Ano ba dapat kong gawin??

Inayos ko na ang sarili ko bago ako umalis.

Pagkapasok ko sa classroom namin, naglakad na ako sa upuan ko.

"Good Morning, Lyka" bati ni Steph sa akin. Pero hindi ko ito pinansin.

Para ito sa kanila, Lyka.

"Lyka?" lalapit sana si Steph sa upuan ko ng,

Kring~ Kring~

At pumasok na rin ang guro namin for our first subject.

Nung break time.

Umalis kaagad ako sa classroom at dumiretso sa likod ng building namin.

Sariwa rin kasi ang hangin doon.

Paulit ulit lang ang ginagawa ko, sa loob ng tatlong araw.

Pag papasok ako ng school, hinihintay ko muna mag ring ang bell o sumabay sa teacher namin na pumasok at aalis din kaagad pag break time, lunch o uwian.

Masakit??

oo.

Sobra, parang mga kapatid ko na rin sila kahit konting panahon lang kami nagkakilala.

Pero, kung para sa kanila naman ito, kakayanin ko.

Andito ako ngayon sa garden, kung saan kami madalas magkasama, na miss ko na kasi ito lalo na sila.

Habang nagbabasa ako.

"LYKA??!!" napatingin ako sa tumawag sa akin.

Ng malaman ko kung sino.

Niligpit ko kaagad ang gamit ko, at tumakbo palayo sa garden.

"LYKA!!! WAIT!!!!" rinig kong sigaw ni Steph, pero hindi ko na ito pinansin.

Ng makarating ako sa likod ng building namin, umupo kaagad ako at pinapakalma ang sarili ko.

Bigla ako nalungkot.

At hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Namiss ko na talaga sila.

"Alam mo para kang tanga diyan, iniiwasan mo sila tapos ngayon umiiyak ka. Kung namimiss mo na sila, lapitan mo na kasi miss ka na rin nila." Tinignan ko kung sino ang nagsalita, at umiwas kaagad.

"Anong ginagawa mo rito?" sabi ko, habang pinupunasan ang luha ko.

"Nakita kitang tumakbo. Kaya sinundan kita." Sabi nito.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon