Chapter 54 - An Accident??

235K 6.5K 2.6K
                                    

Chapter 54 - An Accident??


-Lyka POV-

Noche Buena na mamaya at bukas pasko na ang bilis ng araw noh??

At ngayon naisipin namin ni Mama Karen na maggrogrocery para sa lulutuin namin mamaya sa Noche Buena. Ayaw sana kami payagan ni Nii-sama kasi daw ang chef lang daw ang bahala sa lulutuin, pero ayaw ni Mama Karen, syempre ayaw ko rin nasanay na ako na kami ang nagluluto para sa Noche Buena. Kaya pagkatapos namin mag grocery pinauna na namin sa sasakyan, at kasama namin si Lyod si Nii-sama naman may trabaho kahit Chritmas Break, kahit si Kuya Nike.

Nandito kami sa isang department store sa mall, sa mens sectionnamimili ng ireregalo namin.

"Mama, okey na po ito kay Kuya Nike?" tanong ko kay Mama Karen habang hawak ko ang isang damit na may nakasulat na "I'm Cool and I know it". Natawa naman si Mama Karen

"Oo naman mukhang matutuwa ang Kuya Nike mo." sabi ni Mama habang may hawak naman itong damit

"Para kanino yan Mama?" takang tanong ko.

"Ahh, ito para kay Andrew sana, sa tingin mo magugutuhan niya ito?" takang tanong ni Mama Karen. Habang pinakita sa akin ng t shirt na may nakasulat na "When Nothing Goes Right Go Left"

"Okey yan, Ma." sabi ko naka thumps up pa. Kahit ano kasi suotin ni Andrew bagay pa rin sa kanya.

"Mukhang hindi bagay sa kanya, Nak. Kasi diba pangmayaman dapat ang bilhin natin hindi ito na tag-250php lang." sabi ni Mama.

"Okey lang yan Ma. Hindi naman mapili si Nii-sama ehh. Si Kuya Nike meron ka na regalo,Ma?" takang tanong ko dito.

"Oo nga pala, malapit ko na makalimutan."Sabi ni Mama at pumunta sa mga sapatos.

Natawa na lang ako, dahil pagnalaman ito ni Kuya Nike magtatampo ito.

Kahit 35 na yon. Magtatampo po rin ito, ang tanda na noh??

Ewan ko ba kung bakit ayaw pa mag asawa, pero nababalitaan ko may napupusuan.

Halos limang oras kami naglibot sa mall, bago naisipan naming umuwi sa mansion doon kasi magpapasko sila Mama Karen at Kuya Nike.

Pagdating namin sa mansion at halos lahat naghahanda para sa Noche Buena mamaya.

"Lyn, umuwi na si Nii-sama?" tanong ko kay Ailyn.

"Wala pa ehh." sabi naman niya na may dalang tela.

"Sige sige, mukhang madami kang gagawin sorry sa istorbo." sabi ko

"Ano ka ba. Wala yon. Sige mauna na ako Young Lady." sabi  niya kaya natawa na lang ako at sumunod kay Mama Karen papuntang kusina. Pagdating ko doon, halos lahat busy sa pagluluto nakita ko rin si Chef Raphael, siya ang head chef dito.

"Young Lady, ano po ang ginagawa niyo rito?" gulat na tanong sa akin ni Chef.

"Tutulong ako sa pagluluto." sabi ko sa kanya at hinanap si Mama Karen, at nakita ko siya sa isang lamesa humihiwa ng kamatis.

"Pero Young Lady, magagalit po sa amin si Young Lord. Magpahinga na lang po kayo." sabi nito sa akin, kaya tinignan ko siya at nagpout.

"Pero gusto kong tumulong, wala naman kasi akong gagawin ehhh." sabi ko sa kanila, ng pumunta sa pwesto namin si Mama Karen.

"Sige na Lyka, makinig ka kay Chef Raphael. Magpahinga ka na sa taas, para mamaya hindi ka na antokin."sabi ni Mama Karen kaya wala na ako magawa, kung hindi umalis sa kusina, hanggang naisipan ko na iwrap na lang ang mga christmas gift ko, kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko para masimulan na ang paggawa. Ng matapos ako tinago ko agad ang regalo ng may kumatok.Binuksan ko ang pinto ng makita ko si Nii-sama na nakatayo sa harap ng pinto.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon