Chapter 31 - Protecting Her

197K 6.6K 1K
                                    

Chapter 31 - Protecting Her

- Lyka POV-

"Aling Karen, mauuna na po ako." paalam ko kay Aling Karen pagkatapos ko ayusin ang aking mga gamit.

"Sige, hija mag iingat." sabi nito sabay halik ko dito sa pisngi ganoon din ang ginawa niya.

"Sige po." sabi ko bago lumabas.

Ng buksan ko ang maliit na gate sa bahay ni Aling Karen, may nakita akong mamahaling sasakyang kulay itim at wala akong alam sa kotse kaya hindi ko alam kung anong klaseng sasakyan siya.

At doon nakita kong nakatayo si Lance habang nasa bulsa nito ang dalawang kamay.

At ang mga kapit bahay kong babae ayun nagpapacute sa kanya

siya??

ayun dedma lang

kaya nilapitan ko na ito.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka. Boyfriend mo na ako kaya dapat masanay ka na lagi kitang ihahatid at isusundo." sabi nito, sabay bukas ng pintuan sa kotse.

"O-kay???" sabi ko

"Pasok na. Malalate ka na." sabi nito kaya no choice ako kung hindi ang pumasok sa sasakyan niya, madali din itong pumunta sa driver seat.

Ng malapit na kami sa gate.

"Teka, Monk-- I mean Lance. Hihinto mo na sa tabi, dito na ako bababa." sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"Why??" sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Hello?? gusto mo awayin ako ng mga fans mo?Ayoko ko pang mamatay." sabi ko.

"No, sabay tayo papasok. Don't worry I'll protect you. Subukan lang nilang saktan ang girlfriend ko ako ang makakalaban nila." sabi nito

O//////O

Dub dub

Dub dub

Dub dub

Napahawak ako bigla sa puso ko.

Waaaaaah..

May sakit ba ako sa puso??

"Hey!! Lyka!! Nerd! are you alright?" nagising ako sa pagdadaydream ko.

"H-Ha??" biglang tanong ko sa kanya.

"Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag at andito na tayo sa school, pero parang ang lalim ng iniisip mo. At ang pula mo pa, may lagnat ka ba??" nag alalang tanong nito.

ng lumapit siya sa akin at hahawakan sana niya ako

"O-okay l-lang ako. S-sige mauuna na ako. M-malelate na kasi ako." sabi ko sa kanya at nagmamadaling niligpit ang gamit ko at mabilis bumaba sa kotse niya.


"Oh my!!" sabi nung babae hindi ko kilala, kaya't bigla akong yumuko.

"This isn't happening??!" histerikal na sabi ng isa pang babae

"Wake me up. I'm having a nigntmare." maarteng sabi naman ng isa pa. at sunod sunod na komentong hindi ko na pinansin at nagmamadaling maglakad papunta sa building namin

Hanggang sa may umakbay sa akin, at tinignan ng masama ang gumawa nito.

Hindi ba niya alam na pinagtitinginan na kami ngayon?

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon