Chapter 48 - Her Birthday

211K 7.4K 3.1K
                                    


Chapter 48 - Her Birthday

-Lyka POV-

Ilang araw na lang kaarawan ko na.

Medyo kinakabahan ako kasi parang may mangyayari sa araw na iyon.

Napailing na lang ako, sabay tingin sa hawak kong kwintas.

Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin nakakalimutan yung suot na kwintas ng batang babae sa litrato ni Andrew.

Gusto ko tanungin si Andrew, kung sino ang batang babae na iyon, nagkataon lang ba parehas kami ng kwintas.

Pero sabi ni Mama, nag iisa lang iyon kasi pinagawa niya talaga ang kwintas at sa tuwing inaalala ko ito, sumasakit lang ang ulo ko.

Binalik ko na ito sa lalagyan, at kinuha ko na ang mga gamit ko para pumunta sa school.

Pagdating ko, lahat nakatingin sa akin at nagbubulungan, wala naman bago doon pero iba yung tingin nila sa akin ngayon. Pero hindi ko na lang pinansin.

Hay!! hindi magbabago ang tao dito sa academy, mas sumasakit ang ulo ko dahil sa sa kanila.

"Balita ko bumalik na si Miss Kristine."

"Oo nga ehh. sigurado ichapwera na ang nerd na yun, papansin masyado."

"I know right, akala niya  magiging isa siya sa kanila."

"Rinig ko bumalik na si Miss Kristine, kompleto na talaga sila"

"Oo nga ehh. Kawawa naman yung nerd, baka paalisin sa grupo nila."

"Okay lang naman, hindi naman din siya bagay makisama sa kanila, sinisira lang niya ang image ng grupo."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko, hindi ko alam kung normal na pag uusap lang ba o nagpaparinig lang sila.

napayuko at mahigpit na niyakap ang libro ko at mabilis na naglakad.

Alam ko naman iyon ehh, hindi ako bagay sa grupo nila kasi mayayaman sila, habang ako mahirap. Mas angat sila sa akin.

Hanggang sa may humawak sa kamay ko at hinila ako papuntang building ng highschool.

Tinignan ko kung sino ito, Si Jason,kasama ang iba kong classmate na lalaki. Napangiti ako kasi kahit lagi na lang ako sumama sa S6 andyan pa rin sila.

"Hay! nakakainis ka na haa. Dapat marunong kang lumaban, Jane. I hate weak people." sabi ni Jason.

"Oo nga Nerd, dapat lumapit ka sa kanila tapos suntukin mo sila." sabi ng isa kong classmate at umaksyon na suntok sa hangin.

"Oh, hindi kaya sipain mo." sabi naman ng isa

"Hindi, hindi. Dapat ipana mo sila, then bulls eye. Hahaha." napatawa na lang ako sa kanila.

"Turuan niyo ako sumuntok at sumipa, kung ganon" sabi ko, nakisakay na lang ako sa kanila, kahit papano hindi ko napapansin ang mga tingin ng tao sa akin.

"Sige bah, basta hindi iyon libre. May bayad iyan."

"Ano ka ba. Walang pera si Nerd. Ano na lang, luto mo na lang ipapabayad sa amin."

"Oo nga. " agree nilang lahat. Napatawa na lang ako sa kanila ang kukulit nila

"Sige ba." sabi ko, nakita ko si Jason na ngumiti habang nakatingin sa akin kaya ngumiti ako sa kanya, bigla na lang itong umiwas ng tingin.

"H-Hali na nga kaya, mga gago malelate na tayo." sabi ni Jason at mabilis naglakad.

"Mas gago ka! gago." sabi ng isa kong classmate at binatukan si Jason.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon