Chapter 32 - A Date with HIM (Part 1:Mall)

191K 5.8K 650
                                    

Chapter 32 - A Date with HIM (Part 1:Mall)

-Lyka POV-

2 linggo na ang makalipas ng maikwento ko kay Steph at Brenda about sa amin ni Lance. At simula ng araw na yun, hindi na ako pinapansin ni Jayson. Hindi ko alam kung bakit?

May kasalanan ba akong nagawa sa kanya na hindi ko alam. Tinanong ko siya tungkol dito at ang tanging sagot niya.


"Hindi mo maintindihan,  kahit sasabihin ko pa." pagkatapos nun, aalis na lang siya bigla sa room kasama ang mga kaibigan niya.

At simula din ng araw na yun, ang  weird lahat ng mga tao sa acadwmy, everytime na dadaan ako, babati at ngingitian nila ako. Pero, hindi ko pa rin maiiwasan ang mga taong kung ano anu na lang panlalait ang sasabihin sa akin.

Papunta ako ngayon sa library, duty ko na naman. Sila Brenda at Stephanie ay nauna ng umuwi kasi may gagawin pa raw sila.

Ng matapos ang Duty ko, nag papaalam na ako kay Ate Shaine. Kilala niyo pa siya?? Siya yung Librarian namin sa School na ito.

"Punta na po ako Ate Shaine." paalam ko dito , matapos kong ligpitin ang mga gamit ko.

"Bye, ingat." sabi nito

"Opo" sabi ko at umalis na. Ng makalabas na ako sa library. Nagulat ako ng makita si Lance na nakasandal sa tabi ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako.

"Hinihintay ka, sabi kasi ni Brenda nasa library ka." sabi nito

"Ba't hindi ka pumasok. Hindi naman bawal ang unggoy sa library, basta huwag ka lang mag ingay." biro ko.

Tinignan lang niya ako ng masama. Tapos hinawakan niya ang free hand ko, hinahawakan ko kasi ang dalawang libro ko sa isa kong kamay.

"Tsk. Halika ka na, may pupuntahan pa tayo." sabi niya, at basta basta na lang kinaladkad ako.

Habang papunta kami sa parking lot madaming nakatingin sa amin.

"T-Teka saan tayo pupunta?" tanong ko tapos tumigil na siya sa paglalakad. Hanggang sa napansin kong nasa parking lot na kami at nasa harapan na rin ng sasakyan niya.

Tapos tumingin ulit ako sa kanya na nakatingin rin pala sa akin

"We're going out for a date. Now get in." sabi niya ng seryoso tapos binuksan ang door sa passenger seat.

Ako??

Nganga.

Nagulat kasi ako sa sinabi niya. 

Ano daw magdadate kami? Ba't hindi ako inform.

"Get in." sabi niya, at inalalay ako pumasok sa loob ng sasakyan.

Ng makasakay na siya sa driver's seat. Pinaandar na niya ang sasakyan.

"Saan mo gustong pumunta?" sabi niya habang nagmamaneho.

"H-Ha?" biglang sabi ko sa kanya, hanggang ngayon kasi gulat  pa rin ako sa sinabi niya.

"Sabi ko saan mo gusto pumunta, I already told you magdadate tayo." sabi niya.

"Ahmm. Pwedeng umuwi muna at magbibihis ako, ang pangit naman tignan kung nakauniform tayo." sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako, tapos ngumiti.


Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon