Chapter 47 - The Necklace

204K 6.4K 2.5K
                                    

Chapter 47 - The Necklace

-Lyka POV-

Nandito pa rin ako sa mini library, sa kwarto ni Andrew.

Nung sinabi ko na ako ang nagluto para sa tanghalian namin, naging masaya ito. Nag ayos muna siya para sabay na kaming bumaba.

Habang nag hihintay ako sa kanya pumunta ako sa mahabang drawer na parang kaheight lang ang table, madaming picture frame doon, kaya isa isa ko itong tinignan, siya at ang batang babae ang madaming litrato dito, hanggang sa nakuha ng atensyon ko ang isang litrato kaya kinuha ko ito at tinignan, hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako.

Dalawang 6 years old na batang lalaki at babae, at may kasamang isang lalaki, mga 50 years old pero hindi halata dahil makisig pa ito, ang batang babae nakayakap sa lalaki, habang ang batang lalaki nakangiti habang nakatingin sa batang babae.

Binalik ko ito kung saan ko ito kinuha, kumuha na naman ako ng isa pang litrato at dito mag isa na lang ang batang babae. Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang suot nitong kwintas,

Pamilyar ito.

Saan ko ba ito na nakita?

"Lets go." sabi ni Andrew, lumapit ito sa akin ng mapansin niya na hindi ako sumagot sa kanya.

kinuha niya ang litrato sa akin, natigilan ito ng makita kung sino ito at binalik kung saan ko ito kinuha.

"Are you alright?" tanong nito may bahid na pag alala ang sa boses nito.

"Okay lang ako" sabi ko "Sorry kung pinakealaman ko ang mga gamit mo." nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman ito sa akin. "No its okay, lets go." sabi nito kaya umalis na kami sa kwarto niya.

Habang nasa may hagdan na kami ng may narinig kaming ingay, na para bang nag aaway. Nagkatingin kami at mabilis bumaba.

Ng makarating kami sa living room, nakita namin sina Alex at Allen na nag aaway sa isang cookie, as always at si Brett na parang naging referee ng dalawa. Si Jake naman nag babasa ng newspaper hanggang sa napansin niya kami

"Your awake." sabi ni Jake kay Andrew, at ngumiti. Ngumiti naman si Andrew kay Jake. At bumalik ang tingin sa tatlo na parang hindi kami napansin.

"Why are you here?" seryosong tanong ni Andrew sa tatlo kaya napatigil sila sa kanilang pagtatalo.

"Kakain." sabi ng kambal, kaya binatukan sila ni Brett.

"Anong kakain?! Tsk tsk. Your hopeless." sabi ni Brett sa dalawa, at tinignan si Andrew ng mapansin ako ni Brett.

"Hey Lyka." bati niya, napansin din ako ng kambal.

"Hi Lyka."Alex

"Yow Lyka" Allen

"H-Hello?" patanong na sabi ko mukhang nagchachange topic kasi sila ehh.

"Well.. what are you doing here?" tanong ulit ni Andrew, kaya tinulak ng kambal si Brett para sagutin ang tanong.

"Ahmm, kakain?" hindi sure na sagot ni Brett, napatawa ako ng batukan siya ng kambal

"Ouch. That hurts you know." inis na sabi ni Brett sa dalawa

"Ehh, inulit mo lang ang sinabi namin." Alex

"Oo nga." sabi ni Allen at kinain ang Cookie na kinuha niya kay Alex.

"Hey!! bakit mo kinain ang cookie ko." sabi ni Alex sa kakambal

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon