Chapter 36 - Pagod na ako

186K 6.1K 1K
                                    


Chapter 36 - Pagod na ako

-Lyka POV- 

"I.SAID.LEAVE!!!" sigaw niya. sa sobrang takot ko at hiya tumakbo ako palayo sa kanila, sa restaurant na yun. 

 Habang umiiyak.

I hate you Lance.

Dapat sa akin ka maniwala.

Dapat pinakinggan mo ako.

Nakalimutan ko nga pala. FAKE Girlfriend niya lang pala ako.


Habang umiiyak ako biglang bumuhos ang malakas na ulan, na para bang nararamdaman nito ang pinagdaanan ko ngayon.

Napahinto ako dahil pagod na ako, pagod na pagod na!!

Ngayon ko lang napansin na nasa may isang park ako, nag iisa.

Umupo ako sa isang swing, umiiyak na nakatingin sa kalangitan. Dinaramdam ang buhos ng ulan.

Bakit ganon.

Bakit ang sakit sakit?

Gusto ko lang naman, na paniwalaan niya ako.

Pinagpapalo ko ang puso kong kumikirot sa oras na ito. Sa sobrang sakit, hiniling ko na lang na sana manhid na lang ako.

Sana hindi na lang kita nakilala, sana ako na ang umiwas

na sana

hindi ko na tinanggap pa ang favor na ito.

Kasi, sa tuwing nakakasama kita,

Sa bawat pag alala mo, sa bawat ngiti mo.

Unti unting nahuhulog ang loob ko sa iyo.


Ngayon na alam ko na ang nararamdaman ko.



Ngayon pa nangyari ito.


Ilang sandali, naramdaman ko na lang na hindi na ako nababasa sa ulan.


Minulat ko ang mata ko, nakita ko si Jake sa harapan kp.

Pinapayungan ako ngayon.



"Lyka, anong ginagawa mo rito? Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Mabuti na lang na nakita  kita agad. Alam ba ito ni Lance? Teka, nasaan ba si Lance? " nag alalang tanong nito.


Hindi ko siya nasagot kaagad.

Narinig ko lang ang pangalan niya, ay napaiyak na lang ako.

"J-Je-Jake" Bigla na lang bumuhos ang luha ko, dahil na rin naalala ko ang nangyari kanina lang.

"B-Bakit ka umiiyak? M-May nangyari ba sa iyo? May masakit ba?" biglang tanong nito.


Bigla ko na lang siya nayakap  ng sobrang higpit, ito anf naging dahilan para matumba siya at mabitawan ang payong na hawak niya.

Hindi na niya ako tinanong pa, at basta na lang niya ako niyakap.

Hanggang sa biglang dumilim ang aking paningin.


-Jake POV-

Pauwi na ako ngayon, may pinabili kasi si Ate ng mga chocolates.

Pag hindi ko naman bibilhin ang gusto niya, yari naman ako.


Ng pumasok na ako ng kotse bigla na lang umulan ng malakas.

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon