Chapter 4

3.5K 59 7
                                    

Pavement

"Kate, ilang taon na ang kuya mo?" Tanong ko kay Kate na kasalukuyang nagsusulat sa cartolina.

She frowned, confused but unable to look away as her eyes flashed with mischief quickly darted to mine. "Seventeen, bakit?"

"Crush mo si kuya no?" Mapaglarong tanong naman ni Belle.

"No, of course not. I mean, hindi. Na-curious lang ako." Depensa ko kasabay ng aking pag-iling.

"Grade twelve na yon. Pareho sila ni Leo." Sagot naman ni Belle na nag-gugupit ng colored paper tulad ko.

"Edi seventeen na rin iyong Leo?!" Namamanghang tanong ko na syang ikinangisi ng dalawa.

"Oo, so si Leo pala, hindi si kuya?" Kate asked me meaningfully.

"Anong si Leo pala? Definitely no, hindi ko sya crush!" I said sharply. Tumawa lamang ang dalawa sa akin.

"Wala naman kaming sinabi ah, defensive." Pang-aasar nila.

"Don't worry ganoon lang itsura ng dalawang iyon. Mukhang mga bad boy dahil sa mga piercings nila pero good boy ang mga yon." Pagmamalaki ni Belle sa akin.

"Wala kang magiging kaagaw na babae, iyon nga lang ay may karibal kang skateboard." Pagpapatuloy ni Kate na siyang ikinatawa nilang dalawa. Ngumiti na lamang ako ng peke.

Hindi namin natapos ang pagsusulat sa cartolina kaya naman napag-usapan naming lima na agahan na lang ang aming pasok bukas para maipagpatuloy namin ang pagsusulat. Kaya naman six o'clock pa lang ay narito na ako sa school. Kasalukuyan akong naglalakad sa Roxas tunnel nang biglang may humaltak sa aking braso papasok sa stock room.

"Oh my god!" I breathed out heavily.

Kaagad akong dinapuan ng kaba kasabay ng sari-saring eksenang pumasok sa isip ko. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkainis nang makita kung sino ang humaltak sa akin.

"What do you need?!" Tanong ko. He remained silent for few seconds.

Then he spoke, "About the kiss, I'm sorry." He said softly, his eyes brimmed with guilt.

"I did not know you're just fourteen." Pagpapatuloy niya, nanatili lamang akong tahimik habang nakatingin sa magaspang na kamay niyang marahang nakahawak sa braso ko.

Nang makita niyang nakatingin ako sa hawak niya ay dahan-dahan niya akong binitawan. "I'm sorry." Paghingi niya ulit ng pasensya sa akin.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo? Well, apology accepted." His eyes immediately lit up upon hearing what I said.

"But please don't bother me anymore, I don't want too see you." Pagpapatuloy ko at saka ko siya tinalikuran. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas at lumakad papunta sa Carpio Hall.

"Bakit busangot ang mukha mo?" Tanong sa akin ni Kate kaya kaagad na umahon mula sa pagkakasubsob sa arm rest si Belle.

"Wala, may nakasalubong lang ako. Don't mind me." Sagot ko.

"Okay." Nagkibit-balikat lamang si  Kate at pinagpatuloy na namin ang pagsusulat sa cartolina. Saktong natapos namin iyon kasabay nang pagdating ng aming unang teacher sa araw na ito.

Noong lunch break na ay doon kaming apat kumain sa lunchroom ng College of Nursing. "Leo! Tara dito!" Pagyaya sa kanya ni Travis.

Lumakad siya palapit ngunit nang makita niya ako ay huminto siya sa paglakad, lumiko at dumiretso sa Roxas tunnel.

"Problema non?" Travis mumbled at himself then continued eating.

Umiiwas ba siya? Malamang! Sinabi kong ayaw ko siyang makita e.

Nang matapos ang klase ay dumiretso kaming muli nila Belle sa mini forest sa capitol dahil may bagong group activity kami sa ibang subject naman. Kagrupo ko pa rin ang magpinsan at ang isa pang babaeng classmate namin na si Ara.

"Ang galing talaga ni Leo." Her eyes spilled so much adoration as she watched Leo and Travis doing skateboard tricks.

Dumako ang direksyon nila Belle sa wide area ng capitol, gayundin ako. Nakita ko ngang nakasakay sa skateboard ang dalawa. They're doing different tricks, flips and turns and I was in awe watching him doing three-sixty flip smoothly.

He is wearing a white cap backwards. Bahagyang hinahangin ang kanyang buhok kasabay ng pagtangay ng skateboard sa kanyang mga paa. Nakasoot siya ng black shirt na may print ng mukha ni John Lenon, kulay khaki na cargo pants at old skool na sapatos.

Nang huminto sila ay umupo siya sa pavement na bahagyang nalililiman ng mga puno. Samantalang si Travis ay umupo sa pekeng bermuda grass kasama naming apat. Nagulat ako nang nilapitan siya ni Ara.

"Ahm ah, Leo tubig oh." Nahihiyang alok sa kanya ni Ara sabay abot ng bottled water.

"Patay na patay talaga yang si Ara kay Leo." Puna ni Belle na ngayon ay nanonood sa dalawa tulad ko. Kaya naman napalingon din sina Kate at Travis nang marinig siya.

"Ireto mo kaya si Ara kay Leo, kuya." Suhestiyon ni Kate sa kapatid.

"Nako mukhang malabo." Kaagad na sagot naman ni Travis.

"Bakit naman?" Si Belle naman ang nagtanong. Bahagya akong napatingin kay Travis, naghihintay din ng sagot mula sa kanya.

"Simula kasi noong lunes, natutulala yan habang nakahawak sa labi tapos ngingiti-ngiti. Parang baliw nga e. Feeling ko may nakakahalikan yan nitong mga nakaraang araw." My face heated up because of what he said.

Pinunasan ko ng panyo ang aking nag-iinit na pisngi, umaasang mawala ang pagkapula nito.

"Thanks, but I have mine." Rinig kong sagot ni Leo kay Ara.

Ilang minuto lamang ay nakita ko nang naupo si Ara sa pekeng bermuda grass sa tabi ni Kate.

"Hoy Leo! Mainit diyan, tara rito!" Sigaw ni Travis at sinenyasan si Leo na pumunta rito sa mini forest.

Bahagya akong lumingon sa direksyon niya. My face burned hotter as I saw him half naked. Pero nakasoot pa rin sa kanya ang kanyang dog tag. His lean yet firm biceps were flexing sa tuwing pinapaypay niya sa kanyang mukha ang itim na damit niya.

"Dito na lang ako." Sagot niya habang itinatali ang kanyang buhok gamit ang itim na elastic band at nakatingin sa akin.

When he noticed that I saw his deep amber-colored eyes looking at me, he bowed a bit to cut the stare.

Pulang PanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon