Freedom Run
"Nadia, bilisan mo baka nagsisimula na iyon." Tawag sa akin Belle mula sa pinto ng classroom. Sa tabi niya ay si Kate na busy sa kanyang cellphone.
"Wait lang, nawawala pa iyong panyo ko." Sagot ko at saka inangat ang bag at libro ko para tingnan kung nadaganan ng mga ito ang yellow kong panyo.
"Nasa bulsa mo, Nadia!" Sigaw naman ni Kate. Pagtingin ko sa bulsa ko ay naroon nga ang aking panyo. So I immediately slung my backpack over my shoulders then I carried my books and started walking towards the door.
"Tara na." Anunsyo ko sa dalawa. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay kitang-kita na namin ang mga nagkakagulong estudyante sa ibaba.
"Pagtapos natin sa oblation run, doon tayo oh." Si Kate iyon at saka tinuro ang isang photo booth na nasa tapat ng College of Education. Foundation Week ngayon ng University kaya naman maraming pakulong inihinanda ang iba't-ibang college organizations dito. Mayroong mga banda, sayawan, kantahan at iba't-ibang booth, contest at tournament. Pero ang pinakahihintay ng mga estudyante rito at naming tatlo nila Belle ay ang Freedom Run na sinasalihan ng isang national, co-educational service fraternity.
"Ihanda mo na ang camera mo ah, Nadia." Pagpapa-alala sa akin ni Kate kaya naman inayos ko ang pagkakasabit ng DSLR ko sa aking leeg. Pinadala pa talaga sa akin ito ni Belle para raw maganda iyong mga makukuha naming litrato mamaya.
"Saan ba natin sila papanoorin?" Tanong ko habang pinupunasan ang lens ng aking camera.
"Sa tapat ng Valencia Hall na lang, sabi nila doon daw mas maganda manood noon e." Sagot ni Kate kaya naman doon kami nagtungong tatlo. Pagkarating doon ay rinig na agad ang hiyawan ng mga estudyante kahit pa nasa malayo pa iyong mga lalaking kasali sa oblation run. Napakaraming tao. Napaka-ingay at hindi mapakali ang bawat isa.
"Nadia, ayan na!" Belle exclaimed while tiptoeing. Sinisilip niya ang direksyon kung nasaan ang pinaka-aabangan naming mga lalaki.
"Sana bigyan tayo ng rose." Kate said then giggled a bit. Samantalang ako naman ay naghanda na sa pagkuha ng litrato. Ipinosisyon ko na sa aking mata at inanggulo ang aking camera.
Nakita ko nang papalit na sa aming direksyon iyong tarpaulin na naglalaman ng tema ngayong taon at ang mga nakataas na karatula na naglalaman ng mga hinaing ng grupo sa mga local at national issues ng bansa. Nang lumagpas na sa aking paningin ang malaking tarpaulin ay hudyat nang makukuhanan ko na ng litrato ang pinakahihintay naming tatlo.
Nakahanda na ako sa pag-click ng shutter button nang may isang malaking kamay ang tumakip sa lens ng aking camera. "What the hell is your problem?!" Naiinis na tanong ko. Ngunit laking gulat ko nang pag-angat ko ng aking tingin ay nakita ko ang nakangising si Leo. Naka-half bun siya at kumikinang ang mga piercings niya sa kanyang may kakapalan at salubong na kilay, mapulang labi at tenga dahil nasisinagan siya ng araw.
Mukha siyang maangas. Gwapong maangas.
"You missed your most awaited part, Nadia." Leo spoke with mischief, pulling me out of my reverie.
"Shit." Usal ko at saka pinagpipindot ang shutter button ng aking camera. But my face fell when I saw that I was only able to capture those men's butt cheeks. Nakatalikod na sila. Hindi ko nakuhanan ng picture iyong pakay naming tatlo nila Belle.
Nang matapos na iyong freedom run ay nagpasya kaming lima na kumain na muna sa lunchroom sa tapat ng Valencia Hall. "Belle, Nadia may nag-abot sa akin ng rose." Kate said boastfully. Pagkaraan ay sininghot niya ang isang tangkay ng bulaklak na kanyang hawak.
"Bakit sa akin walang nagbigay?" Malungkot na tanong ni Belle. Tinawanan lamang siya ng magkapatid. Maya-maya pa ay lumapit siya sa akin.
"Nadia, patingin ako ng mga kuha mo."
Masayang sabi niya kaya naman tinanggal ko sa pagkakasoot sa aking leeg ang DSLR ko at saka ko inabot iyong camera."Nadia, puro pwet ito!" Reklamo ni Belle.
Kaya naman inagaw sa kanya ni Kate ang camera, "Nasaan? Anong puwet?"
Gayon na lamang ang pagkadismaya ni Kate nang tuluyan na niyang nakuha iyong camera ko."Puro pwet nga, Nadia." Malungkot na komento niya.
"Sa akin hindi pwet, Kate. Mga ibon itong nakuhanan ko. Iba't-ibang mga ibon." Pagmamayabang ni Travis at saka nilabas ang kanyang cellphone.
Kaya naman kaagad siyang tinabihan ng magpinsan at inagaw sa kanya ang cellphone niya. "Belle, send mo sa akin." Nakangiting sabi ni Kate.
I remained silent then Leo's voice echoed beside me. "Disappointed?" I blushed a bit because of his question.
"Iyong akin lang ang pwede mong makita, Nadia." He added that burned my cheeks hotter.
"Sira." I commented but he just chuckled and buried my head on his chest then he messed my hair. He smells very nice.
"Kumain ka na." Muli niyang sabi at saka niya ako inahon mula sa pagkakasubsob sa kanyang matigas na dibdib.
"Busog pa ako." Sagot ko at saka ko muling binalik ang aking mukha sa dibdib niya. I sniffled his scent and hugged his sides.
"Ang bango mo. Amoy gwapo." I mumbled at myself.
Nagulat ako nang magsalita siya, narinig pala niya ako. "Cause I'm indeed, gwapo." He said arrogantly. Tinawanan ko na lang siya at saka ko pinaglaruan ang kanyang kamay na humihimas sa braso ko ngayon.
Habang tinitingnan ko ang mahaba niyang mga daliri ay may napansin ako sa kanyang palasinsingan. "Nagpa-tattoo ka ulit?!" Namamanghang tanong ko kasabay ng pagbangon mula sa kanyang dibdib.
"Nagpaalam ako sa'yo." Agap niya. His voice was slightly stuttering. I laughed a bit because of his anxiousness.
"Are you mad?" Nag-aalalang tanong niya.
"Silly, I'm just surprised. Hindi ko in-expect na pangalan ko ang ipapa-tattoo mo." Sagot ko at saka hinawakan ang side ng ring finger niya na may nakasulat na Veronica.
"Bakit pangalan ko ang pinalagay mo? It's permanent Leo." Tanong ko sa kanya habang hawak pa rin iyong daliri niya.
Nginitian lamang niya ako bago siya muling nagsalita. "Because my love for you is permanent." His voice was warm and sweet that my heart almost melt.
"I am permanently head over heels in love with you, Nadia." He continued then he kissed my temple.
![](https://img.wattpad.com/cover/326955305-288-k410310.jpg)
BINABASA MO ANG
Pulang Panyo
RomanceWARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh my..." She gasped, lost for words, teary-eyed. "Marry me again, Nadia. Willingly this time, love." S...