Warning: R-18
Fireworks
Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nangyari ang insidente sa mall.
Buti na lamang noong pasko ay naghilom na ang aking sugat sa noo na dulot ng impaktang Sandra na iyon.Bukod sa mga saleslady at kay Leo ay wala ng iba pang nakaalam sa nangyari sa akin.
Hindi ko iyon sinabi kila Mommy dahil siguradong mag-aalala sila. Gayundin kay Belle at Kate dahil tiyak na gagantihan ng dalawang iyon si Sandra. Alam din kasi nilang dalawa ang insidenteng nangyari noon sa clinic maging ang narinig kong pagpapanggap ng bruha na iyon sa loob opisina ni Leo.Ngayon nga ay bisperas na ng bagong taon. Kaya pareho kaming walang trabaho ni Leo at nasa bahay lamang kami at nag-iisip ng ihahanda namin para mamaya. Hindi namin inakala ang biglaang pagbisita nila Belle, Kate at Travis dahil dito raw sila sasalubong ng new year sa bahay. "Nadia, ang cute ng baby bump mo!" Belle exclaimed and then she caressed my belly.
Umupo naman sa kabilang gilid ko si Kate. "Ako rin pahawak." At ipinatong rin ang kamay sa aking tiyan.
"Sumisipa na ba?" Tanong naman ni Travis na ngayon ay nakaupo sa sofa sa tapat naming tatlo. Nakita kong tumayo siya at lumapit sa akin. Balak niyang hawakan ang aking tiyan ng may malaking kamay ang mahigpit na humawak sa kanyang pulsuhan.
Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang nakalamukos na pagmumukha ni Leo. "Don't you fucking touch my wife, Sevilla!" Sigaw ni Leo. Tinawag niya sa apelyido si Travis. Galit ba sya?
"Hindi ako lalaban boss." Nakangiting sagot ni Travis at saka tinaas ang magkabilang kamay bilang pagsuko. Nagtawanan naman kaming tatlong babae sa inakto niya. Samantalang si Leo ay nanatiling busangot ang mukha.
"Tangina ka Leo, ang possessive mo." Puna ni Travis at nagulat ako ng bigla nang tinikom niya ang kanyang mga labi at dinampian ng halik ang pisngi ni Leo.
Kaya naman mabilis na dumapo ang kamao ni Leo sa tiyan ni Travis. "Putangina mo Travis!" Sigaw niya. Pagkaraan ay kinuskos niya ang kanyang pisngi gamit ang kanyang damit.
"Fuck! Fuck! Fuck!" He hissed then punched Travis again. Pero nakailag ito at nagtatakbo sa kusina.
"Gago ka kuya!" Natatawang sabi ni Kate samantalang si Belle ay humahagalpak pa rin sa tawa.
Tumayo ako at saka ko nilapitan si Leo na diring-diri sa sarili. "Minolestya nyo ang baby ko." I said to tease him and make him more pissed. I chuckled when he squinted his eyes at me. So I quickly brushed my lips against his.
"Sungit mo." Puna ko saka ko siya iniwan. Pagkaraan ay inaya na ako nila Belle at Kate sa kusina dahil gagawa raw kami ng leche flan. Bukod doon ay magluluto rin kami ng ube halaya at minatamis na beans. Samantalang si Leo at Travis ang nag-aasikaso ng buko salad.
"Leo next week may street fight sa San Rafael, sama ka?" Tanong ni Travis kay Leo na kasalukuyang nagbubukas ng lata ng mga fruit cocktail.
"I'll ask Nadia." Sagot niya kaagad naman siyang inakbayan ni Travis.
"Tangina, takusa ka!" At saka tumawa at hinampas ang balikat niya.
"Anong takusa?" Tanong ko kay Travis habang pinaghihiwalay ang puti at dilaw ng itlog. Nilingon niya ako at sinimulang salain ang fruit cocktail na nabuksan na ni Leo.
"Takot sa'yo." Natatawang sabi niya.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"Takusa means takot sa asawa, Nadia." Sagot naman ni Belle.
"Ibig sabihin under sa'yo si Leo." Pagpapatuloy ni Kate at saka sinulyapan ang nakayukong si Leo. Pinagkaisahan siya ng tatlo hanggang sa mapikon siya. Samantalang ako ay pinapanood lamang sila at hindi mapigilang matawa sa pang-aasar nila Travis sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pulang Panyo
Любовные романыWARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh my..." She gasped, lost for words, teary-eyed. "Marry me again, Nadia. Willingly this time, love." S...