Party
"Nadia, anong oras ba ang start ng party nila Tita?" Tanong ni Belle sa akin mula sa loob ng isang cubicle.
"Around six pm siguro." Sagot ko at saka pinagpatuloy ang pagsusuklay sa aking buhok. Tomorrow is my Mom's birthday and tomorrow is the day that I will introduce Leo to her and to Dad.
"Sa bahay na lang namin tayo magkita-kita?" Tanong naman ni Kate na ngayon ay naglalagay ng liptint sa kanyang labi.
"Oo sa inyo na lang." Sagot ko. Kasama sa invited sa party ni Mommy sina Belle at Kate gayundin si Travis. Kaya naman naisip kong sa kanila na lang magkita-kita para sabay-sabay kaming lima nila Leo sa pagpunta sa bahay. Since di nila alam ang bahay namin sa San Jose Del Monte dahil hindi pa sila nakakapunta roon.
"So, excited ka na ba na ipakilala ang boyfriend mo kila Tita?" Tanong muli ni Belle. Nakalabas na sya sa cubicle.
"Yeah, medyo kinakabahan lang." Sagot ko. May duda kasi ako kay Mommy, alam kong hindi maganda na mag-isip ng masama sa pagsang-ayon nya. Pero nagtataka kasi ako kung bakit siya kaagad pumayag na magka-boyfriend ako gayong ang anak ni Tita Elena ang gusto niya para sa akin.
I feel that there is something wrong.
"Tara na, baka ma-late pa tayo sa klase. Pag-iinitan na naman tayo ni Sir Galvez." Pagpapatuloy ko. Pagkabalik namin sa classroom ay ang saktong pagdating ni Sir Galvez sa klase. Buti na lamang at hindi niya kami naabutan dahil tiyak na sermon ang aabutin namin sa kanya. Hindi rin siya nagtagal sa klase dahil may meeting ang Senior High School Faculty. Kaya naman maaga rin kaming pinauwi.
"Tara sa Federizo Building. Puntahan natin sila kuya." Pagyaya sa amin ni Kate.
"Kuya mo mukha mo, crush mo lang iyong classmate nila kuya Travis e." Komento naman ni Belle. Samantalang ako ay nakikinig lamang sa kanilang dalawa. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi kaming niyaya ni Kate sa College of Architecture. Tumatambay kami sa klase nila Travis tuwing vacant class namin. Pabor naman iyon sa akin dahil nakakasama ko si Leo.
"Wala akong crush doon." Sagot naman ni Kate. Ngunit inirapan lamang siya ni Belle.
"Wag na kayong magtalo, tara na at naghihintay na ang crush ko roon." I said playfully then winked at them.
Kinabukasan, gaya ng napag-usapan namin ay nagkita-kita kami sa bahay nila Kate para sabay-sabay kaming pumunta dito sa bahay. "Nadia, ang ganda-ganda ng bahay nyo!" Masayang papuri ni Belle nang makarating kami sa San Jose Del Monte. Nginitian ko lamang siya at iginiya sila papasok sa loob.
Our house is a scandinavian inspired mansion. Since Dad is a Swedish, na-adopt niya ang scandinavian architecture sa bahay na pinagawa niya para sa amin ni Mommy.
"Are you nervous?" Tanong ko kay Leo na nasa tabi ko ngayon.
"A little bit." Tipid niyang sagot at saka ngumiti. Narito na kami ngayon sa garden dahil dito gaganapin ang birthday party ni Mommy. Maraming tao na rin ang narito. Mga kamag-anak ko sa mother side at ang mga kaibigan ni Mommy kasama na si Tita Elena.
"She will like you." I said confidently then held his cold hand.
"Nadia, anak nariyan na pala kayo." Nagagalak na sabi ni Mommy at saka ako hinalikan sa pisngi.
"Happy birthday, Tita!" Belle said happily then she gave her gift to my mom. Ganoon din ang ginawa ng magkapatid na sina Kate at Travis.
"Happy birthday, Tita." Leo's voice echoed beside me.
"Thank you, Leo!" My mom gave him a very sweet smile then held both his hand and squeezed them.
"Tara kayo dito." Pagyaya niya saka kami iginiya sa isang mesa na nasa may bandang unahan. Makaraan ay nagpaalam muna siyang pupunta siya sa mesa ni Tita Elena. When I looked at their direction, I saw Mommy pointing Leo while giggling, then both of them chuckled. I just ignored their childish acts.
After the birthday program that held in the garden, we gathered in the pool area for Mom's after party. Different liquors and wines were served and loud music echoed in the mansion. Kung di mo alam kung sino ang nagse-celebrate ng birthday ay maiisip mong isang teenager ang celebrant. The crowd was wild, everyone was dancing.
"Nadia, makikigamit ako ng banyo." Si Travis iyon at mukhang ihing-ihi na dahil hawak na ang kanyang puson.
"Diretso ka lang tapos turn left, pag nakita ninyo iyong malaking portrait ni Mommy then turn right. Tapos lakad ng kaunti, may three rooms doon. Iyong dulo, that's the comfort room." I said while pointing the direction.
"Baka maligaw ako, Nadia. Isasama ko to. Leo samahan mo ako." Natawa ako sa reaksyon at sa sinabi ni Travis. Mukhang hindi niya na-visualize ang direksyon na tinuro ko.
Leo then looked at me as if he was asking for my permission to let him accompany Travis inside. "Samahan mo na. Baka maihi pa yan sa pants." The three of us laughed because of my playful remarks.
Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik iyong dalawa. Baka naligaw nga iyong mga iyon ah. "Kate, Belle, puntahan ko lang si Travis at Leo." Paalam ko sa dalawa.
"Sige." Simple nilang sagot sa akin at ipinagpatuloy ang pag-inom.
Pagpasok ko sa bahay ay narinig ko iyong tawanan nila Leo. Lalapitan ko na dapat ang direksyon nila nang narinig ko silang nag-uusap. "Gago ka Leo, kayo na pala ni Nadia hindi mo man lang sinabi sa akin. Napahiya pa ako kila Belle. Huli na ako sa tsismis pre!"
"Gago ka rin." Leo said. Travis laughed because of what he said. May ilan pa silang pinag-usapan pero hindi ko na iyon masyadong narinig. Kaya naman nagpasya na akong bumalik sa pool area.
"Edi panalo ka pala sa pustahan natin. Pre tarantado ka talaga, ibang klase ka. Anong pakiramdam mo na kayo na ni Nadia ha?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Travis.
"Of, course I'm happy. I can't wait to see her reaction when she finds out the truth." Sagot ni Leo.
My heart froze for a moment upon hearing what he said. My lips are trembling in anger and self-pity. Nag-iinit na rin ang aking mga mata at ramdam ko na ang pagsakit ng aking lalamunan. I swallowed the tears threatening to spill down my cheeks. I bit my lip so hard to stop myself from crying.
Pinagpustahan nila ako. Mga gago sila.
BINABASA MO ANG
Pulang Panyo
RomanceWARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh my..." She gasped, lost for words, teary-eyed. "Marry me again, Nadia. Willingly this time, love." S...