Chapter 20

3.8K 49 6
                                    

Truth

"Nadia, seven pm mamaya sa pub dito sa Sta. Maria ha, wag mong kakalimutan." Muling pagpapa-alala ni Belle sa akin.

"Oo, pupunta ako. Sige na, kita na lang tayo dyan mamaya." Sagot ko at saka pinatay ang tawag. Day-off nila Belle at Kate ngayon kaya naman inaya nila akong mag-inom. Para na rin daw makapag-kwentuhan kami dahil isang linggo na ang nakalilipas simula noong kasal namin ni Leo.

Natapos na ang pitong araw na off niya sa trabaho kaya naman ngayon ay naghahanda na siya sa pagpasok. Samantalang ako ay naghihintay pa rin ng tawag mula sa media company na in-applyan ko sa Malolos. "Love, call me when you need anything okay?" His sweet and gentle voice caressed me like a lover's touch.

Hindi ko na siya sinasaway pa sa pagtawag niya sa akin na love dahil hindi rin naman niya ako pinapakinggan. "May lakad kami nila Belle mamaya." Imporma ko sa kanya.

"Ihahatid kita." Kaagad niyang sagot at ipinagpatuloy ang pagsosoot ng kanyang relo.

"Okay." I drawled lazily. Maya-maya pa ay natapos na siya sa pagbibihis. Nakasoot siya ng black polo shirt, denim pants at brown leather boots. Hint of his tattoos peeked out from both sleeves of his shirt.

Lumapit siya sa akin at saka niya hinawakan ang aking magkabilang pisngi. "Aalis na ako." Imporma niya at saka hinalikan ang aking noo.

"Ingat." Tipid kong sabi at muli niya akong hinalikan sa labi.

Nang makaalis siya sa bahay ay nagtungo ako sa kusina para kumain. Kumuha ako ng sliced bread at palaman. Hindi na mahigpit ang pagkakasara ng mga iyon kaya naman madali ko nang napalamanan ang mga tinapay. Pumunta ako sa living room at binuksan ang smart tv at doon kumain.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas simula nang umalis si Leo ay kaagad na akong nakaramdaman ng lungkot. Walang nang-aasar sa akin. Walang nangungulit. Walang nag-aasikaso sa akin. Wala si Leo.

Pinatay ko na lamang ang tv dahil wala rin naman ang atensyon ko sa palabas. Buti na lamang at sumapit na ang alas-singko ng hapon, hudyat na pauwi na si Leo. Hinintay ko siya sa sala at ilang minuto lamang ay narito na nga siya. Tumayo ako at kaagad siyang sinalubong. "You're home!" I unconsciously exclaimed then hugged him.

Nagulat siya sa ginawa ko at maging ako ay nagulat sa pagyakap ko sa kanya. "I'm sorry." Kaagad kong sabi kasabay ng pagkalas ko sa yakap at paglayo sa kanya.

"My wife missed me, that's new." Panunukso niya sa akin.

"Hindi kita na-miss." Kaagad kong sabi at saka naupo sa sofa. Tumawa lamang siya.

Tinabihan niya ako at saka inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat kasabay ng kanyng oagyakap sa gilid ng aking bewang. "Love, I'm tired. I want a cuddle." Paglalambing niya sa akin at saka dinampian ng halik ang aking braso.

Marahan ko lamang siyang tinulak at saka ako napabalikwas nang makita ko sa wall clock kung anong oras na. "Shit! May lakad nga pala ako." Kaagad akong tumayo at iniwan si Leo sa sofa. Nagtungo ako sa banyo at kaagad na naligo. Lumabas ako sa bathroom at nagtungo sa walk-in closet kung nasaan ang mga panlakad ko. Kumuha ako ng pulang cowl neck dress at saka pinaresan iyon ng ankle strap stilettos. Kinulot ko lamang ang dulo ng aking buhok at naglagay ng kaunting make up.

Nang makuntento na ako sa aking ayos ay kinuha ko na ang aking clutch purse at bumaba na ako sa sala kung saan naghihintay si Leo. "Let's go." Pagyaya ko sa kanya.

Nilapitan niya ako at saka niya hinawakan ang aking magkabilang braso. His hands went down the sides of my waist then landed on my butt and smacked it. "Parang ayaw na kitang payagang umalis." Namamaos na sabi niya at saka siya yumuko at dinampian ng halik ang aking leeg.

Pulang PanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon